Chapter 5

Posted on December 8, 2010. Filed under: Kapag Si Faegan Ang Umibig |

“KUMUSTA na kayo riyan, Maya?”

Nasa isang phone booth si Marielle na katabi ng convenience store sa labas ng subdibisyon kung saan nakatira si Faegan. Tinawagan niya ang cellphone ng kapatid niya gamit ang isang prepaid call card.

“Ate Yelle!” Halatang hindi ito makapaniwalang siya ang tumawag. “Nasaan ka?’

“Somewhere. How’s everybody?”

“Kailan ka ba uuwi rito? Nag-aalala na kami ni Ate sa`yo. Si Papa, galit na galit. Ipinahiya mo raw siya kay Angelo.”

“Napansin din niya ako?” Pagak na natawa siya. “Sana inisip muna niya ang mangyayari bago siya nagpadalus-dalos ng desisyon. At sana, bago siya magalit, inisip muna niya kung ano ang lagay ko ngayon.”

“Ate…”

“Hindi rin ako magtatagal, Maya. Kinumusta lang kita.”

“Ikaw? Kumusta? Maayos ka naman ba?”

“I’m fine. Don’t worry about me.”

“Ate, I’m sorry. Hindi kita matulungan.” Nasa tinig nito ang pag-aalala at simpatya.

“I’m okay, Maya. Just take care of them, okay?”

“Kailan ka babalik? Pati si Ate Mira, worried na sa`yo.”

Hindi na niya napigilang mapaluha. Mabuti pa ang dalawang kapatid niya, kahit madalas na sakit sa ulo ay nararamdaman naman niyang totoo ang pag-aalala sa kanya. Ang mama niya, siguradong galit din ito katulad ng ama niya. Hindi man lang nag-aalala ang mga ito sa kalagayan niya. Ang akala niya, kapag umalis siya ay mare-reliaze ng mga magulang niya ang nais niyang mangyari. Ang akala niya, mapapansin na siya ng mga ito. Hindi pala.

“Are you still there, Ate?”

“Yes. I need to hang up. I have something to do.”

“Wait!” pigil nito. “At least, tell me where you are.”

Nais man niyang sabihin dito kung nasaan siya ay hindi maaari. Malapit kay Maya ang kanilang ama at baka sabihin nito kung nasaan siya.

“I can’t. But know this, I’am alright. If you want to tell them I called up, it’s up to you. Take care, okay? At huwag ka nang maging sakit sa ulo.” Bahagya siyang natawa.

“Ate…”

“I’ll hang up na. Bye.” Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Ibinaba na niya ang receiver at lumabas ng phone booth.

Parang wala sa sariling naglakad siya pabalik sa bahay ni Faegan. Kung hindi lang niya kamukha ang kanyang ina, gustong niyang isiping ampon lang siya. O hindi kaya ay anak siya ng kanyang ina sa ibang lalaki kaya hindi siya pinapansin ng mga ito. Gusto niyang isiping galit ang mga magulang niya sa kany buhat nang ipinanganak siya. Nang sa gayon ay may dahilan siya kung bakit hindi niya nararamdaman ang pagmamahal at atensiyon na ibinibigay ng mga ito sa dalawang kapatid niya at hindi na siya nanghuhula.

Mali bang kontrahin niya ang nais ng mga ito? Buong buhay niya, wala na siyang ginawa kundi magpakabait at sundin ang mga ito. Nagbaka-sakali siyang maambunan din siya ng pansin. Bakit sa minsang pagsuway niya ay wala pa rin siyang napala?

Naabutan niya si Faegan na nakaupo sa baitang ng porch ng bahay nito. Nakadamit-pambahay na ito. Mukhang umuwi ito nang maaga mula sa bar. Nang sipatin niya ang kanyang wristwatch ay alas-nuwebe pa lang ng gabi.

“Maaga ka yata,” puna niya nang makarating sa tapat nito. Hindi siya makapasok dahil nakaharang ito. Napansing niyang nakakunot ang noo nito.

“Saan ka nagpunta?” tanong nito.

Itinaas niya ang hawak na supot na naglalaman ng binili niya sa convenience store.

“Naglakad ka lang?” tanong nito, animo hindi makapaniwala.

Tumango siya. Wala naman kasing dumaraang tricycle sa subdibisyong iyon. Mahigpit masyado ang seguridad doon maging ang taxi ay mahirap makapasok.

“Praning ka talagang babae ka. Paano kung napahamak ka sa daan? Madilim na sa bukana ng subdivision. Nag-iisip ka ba?” panenermon nito.

Pinagmasdan niya ito. Mabuti pa ang kanyang kinakapatid, kahit paano ay nag-aalala sa kanya. Totoo man o hindi iyon, wala na siyang pakialam. Ang mahalaga ay naipaparamdam nito sa kanya na may halaga siya. Kung nag-aalala ito sa kanya, ipagpapasalamat niya iyon. Wala siyang relasyon dito at kailan lamang siya nito nakasama subalit ito lang ang pumapansin sa kanya.

Kay Faegan ay nararamdaman niya ang existence niya.

Naupo siya sa tabi nito. “Salamat.” aniya at tumingin sa malayo.

“Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?” May iritasyon sa tinig nito.

“Salamat.” Nagsmulang pumatak ang mga luha niya. “Concerned ka sa akin, hindi naman kita kaanu-ano. Naisip mong baka may mangyayaring masama sa akin kaya nagagalit ka. Ang mga magulang ko, nagagalit dahil ipinahiya ko sila kay Angelo. Nagagalit sila sa pagtakas ko at hindi nila makukuha ang shares of stocks ng Nexxus.”

“A-are you all right?”

“I called up Maya. She told me my father is angry. Alam mo, iniisip ko kung dapat kong ipagpasalamat na nagalit siya sa akin dahil napansin na rin niya ako sa wakas.”

“M-Marielle…”

Napatingin siya rito. “May alam ka ba tungkol sa akin? I mean, may nabanggit ba sa`yo ang mga magulang mo tungkol sa pagkatao ko? Magkaibigan ang mga magulang natin May sinabi ba sila sa`yo kung ampon ako o kaya anak sa labas?”

“How could you say that? Of course you are their daughter.”

“Then why are they ignoring me?” puno ng hinanakit na tanong niya. “Bakit hindi nila ako pinapansin? Bakit si Ate Mira at si Maya lang ang nakikita nila? Naging mabuting anak naman ako. Ginawa ko naman ang lahat, tapunan lang nila ako ng atensiyon. Bakit kahit ano’ng gawin ko, dinadaan-daanan lang nila ako?

“Anak din nila ako. Nasasaktan din ako sa pambabale-wala nila. Kapag kailangan nila ako, sinusunod ko sila. Gusto kong iparamdam naman nila sa akin na mahal nila ako. Na naiintindihan nila kung ayoko nang magpakasal sa lalaking iyon. Na sasabihin nila sa akin na mas mahalaga ako sa kanila kaysa sa stocks ng Nexxus. Pero bakit hindi nila kayang ibigay iyon?”

Inilabas niya rito ang sama ng loob na naipon sa dibdib niya. Tahimik na nakikinig lang sa kanya ito.

“Mula pa noong bata ako, naiinggit na ako sa mga kapatid ko. I envy them because my parents give them so much attention. Si Maya ang madalas na nakikita ni Papa. Si Mama, paborito si Ate. Ako, madalas ko lang silang pagmasdan, hinihiling na sana ako rin, pansinin nila.”

“Baka iniisip mo lang `yon,” malumanay na turan nito. Wala na ang iritasyon sa mukha nito.

“I wish it were. But it isn’t. It’s the sad reality. I’m just there second offspring. I’m not there daughter. Paano mo masasabing iniisip ko lang `yon kung kahit ang paborito kong kulay ay hindi nila alam?”

Naramdaman niyang kinabig siya nito. Umiyak siya ng umiyak sa dibdib nito. Isinumbong niya rito ang lahat ng hinaing niya. Sinabi niya rito ang nararamdaman niya. Kay Faegan siya nakahanap ng kakampi.

Wala siyang narinig mula rito habang nagsasalita siya. Panay lamang ang hagod nito sa kanyang likod habang nakikinig. Kahit paano ay nabawasan ang sakit na nadarama niya. May nahingahan siya ng sama ng loob. Hindi nga niya naisip na si Faegan pala ang taong iyon. Malayo sa karakter nito ang makinig lang. Hindi maaaring walang side comment ito sa kahit anong bibitiwan niyang salita.

Nagpasalamat siya na naroon ito. Nagpasalamat din siyang dito siya nakatira. Kung hindi sila nagkita, baka wala siyang mapagsusumbungan. Sobra-sobra na ang ginawang pakikinig nito.

She really was glad he was there.

FAEGAN didn’t know what to say, didn’t know what to do. Ang totoo, bukod sa kanyang ina, si Larissa—na kasamahan niya sa bar at girlfriend ng kaibigan niyang si Derek—pa lamang ang babaeng lumuha sa harap niya. Hindi siya sanay na may babaeng umiiyak sa harap niya. Kahit ang mga naging girlfriends niya ay hindi nagawa iyon.

At first, he was mad at Marielle. Nainis siya nang malaman niyang naglakad lamang ito mula sa labas ng subdibisyon pabalik sa bahay niya. Hindi ito nag-iisip na baka may mangyaring masama rito. Lalo siyang nainis nang pasalamatan pa siya nito.

Subalit nang biglang pumatak ang mga luha nito, hindi niya alam kung ano ang gagawin. Hindi rin niya alam kung maaawa ba siya rito o ano nang magsimulang ilabas nito ang sama ng loob.

Noon niya nauunawaan kung bakit madalas niyang makitang nas-iisa ito noong bata pa sila. Nauunawaan na rin niya kung bakit naglayas ito. Masamang-masama ang loob nito sa mga magulang nito.

Hindi man niya naranasan ang naranasan nito, nauunawaan naman niya ang lahat ng sinabi nito. She projected the image of a fighter on the outside, but she was hurting inside. She was carrying a wounded heart.

May kung anong humaplos sa kanyang puso nang muling magpasalamat ito sa ginawa niya noong mga bata pa sila. Siya lamang naman daw ang pumapansin dito. Nagpasalamat din ito sa pagtulong niya ngayon.

He didn’t know why but he wanted to take those tears away. He couldn’t understand himself but he felt like he wanted to protect her. He felt like he didn’t want to see her cry, ever. Or see her in pain. And why was it he felt contented just by being this close to her?

Kumalas ito at pinahid nito ang mga luha sa pisngi. “Pasensiya na, nabasa ko ang T-shirt mo,” anito.

“Yelle…” Tumingin ito sa kanya. “Ang pangit mong umiyak.” Sinubukan niyang pagaanin ang loob nito sa pamamagitan niyon. He wasn’t good at words. He was never an adviser, especially in her case. So he thought he could just crack a joke and make her smile.

Thank God she smiled.

Simangot, kunot-noo, at seryosong mukha, ang mga iyon ang madalas makita niya rito kahit noon. He never saw her smile. It was only now. And a part of him felt proud. She looked so beautiful even with swollen eyes.

Her smile was exquisite.

NAIDLIP si Marielle pagkatapos nilang mananghalian ni Faegan. Sabado noon at walang trabaho ito sa opisina at sa bar. Nang magising siya ay alas-tres na ng hapon.

Nakarinig siya ng mga boses ang lumabas siya ng kanyang silid. Kinabahan siya. Baka pinapunta ni Faegan ang pamilya niya. Sa ilang linggong pamamalagi niya sa bahay nito, walang bumibisita rito. Kaduda-duda namang may biglang dumating habang nandoon siya.

Mabilis na bumalik siya sa loob ng silid at ini-lock ang pinto. Nang mahagip ng mga mata niya angkanyang cellphone, agad na tinawgan niya si Faegan sa cellphone nito.

“Ano na namang kalokohan `to?” bungad nito nang sagutin nito ang kanyang tawag.

“Sino `yong mga tao sa ibaba?”

“Pamilya mo,” walang gatol na sagot nito. “Hinihintay ka na nila.”

“Damn you, Faggot!” Napasigaw na siya. Paano nito nagawang papuntahin ang pamilya niya roon? Nangako ito!

Mabilis na pinutol niya ang tawag at naiiyak na naupo siya sa gilid ng kama. How dare him? Ipinagkanulo siya nito.

Mayamaya ay nakarinig siya ng mga katok sa pinto. Hindi niya iyon binuksan. Ilang saglit pa ay bumukas iyon at pumasok si Faegan. Galit na tumingin siya rito. Lalo siyang nagalit nang mapansing nakangisi pa ito. Hudas!

Nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya mapaniwalaang magagawa nito iyon sa kanya. Napakasama nito!

“I hate you!” galit na pahayag niya. “How could you do this to me?”

Tumawa ito. “Kagigising mo lang ba? Sorry.” Kinamot nito ang batok. “Nakalimutan kong masamang binibiro ang bagong gising.”

Lalo siyang naluha sa sinabi nito. He was kidding, he meant. Sa sobrang inis ay binato niya ng unan ito. Hindi pa siya nakontento, nilapitan niya ito at pinaghahampas ito sa dibdib. Napakawalang-hiya nito! Ginawang biro ang iniiwasan niyang mangyari. Ang akala ba nito ay magandang biro iyon?

“Hey, masakit `yon, ah,” reklamo nito. “Hindi ka na mabiro.”

“It’s not funny!” Patuloy siya sa paghampas dito.

Mabilis na hinagip nito ang kanyang mga kamay. “I know. I’m sorry. Stop beating me up because I’m not your husband.” Muling tumawa ito.

Pinilit niyang kumawala sa pagkakahawak nito ngunit sadyang malakas ito. “Let go of my hand. At hindi totoong asawa lang ang sinasaktan. Ikaw dapat ang sinasaktan, hudas ka!”

“I’ll put that in mind.” Walang kahirap-hirap na binuhat siya nito at inilapag sa kama. Pagkatapos ay tumakbo na ito palabas ng silid.

Hinabol niya ito ngunit mabilis na naisara nito ang pinto mula sa labas. Binuksan niya iyon subalit pinipigil nito iyon. Patuloy siya sa paglaban hanggang sa mapagod na rin siya. Pikon na pikon siya sa ginawa nito. Nanggigigil na naupo siya sa kama. Humanda ito kapag nakalabas siya.

Bumukas ang pinto at sumilip ito. “I thought you trust me,” nanghihinampong wika nito. “How could you think I would do that? I promised you, didn’t I?”

Bigla ay parang napahiya siya sa ginawa. Tama ito. May karapatan itong magtampo sa kanya. Nangako nga naman ito sa kanya. Dahil lamang biniro siya nito, halos isumpa na niya ito dahil sa galit. Hindi siya nagtiwala rito.

“S-sorry,” hinging-paumanhin niya.

Muling pumasok ito sa silid. “Ang bigat ng kamay mo,” nakangiwing reklamo nito. “Huwag mo nang uulitin `yon.”

“Ang sama kasi ng ugali mo, eh,” pangangatwiran niya. Alam mo palang masamang binibiro ang bagong gising pero ginawa mo pa rin.”

“Kapag ako ay naospital sa ginawa mo…” anito na ang tinutukoy ay ang paghampas niya rito.

“OA mo!” sikmat niya. “As if naman tumatanggap sila ng katulad mo?”

“Tingnan mo `yang asal mo. Ikaw na nga itong nanakit, ikaw pa itong nanlalait. Eh, kung magsumbong kaya ako sa pulis? Physical injury ang ikakaso ko sa `yo.”

“Ang kapal talaga ng mukha mo kahit kailan!” Tumayo siya at nagmartsa palabas ng silid.

Make a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: