Chapter 3

Posted on December 6, 2010. Filed under: Kapag Si Faegan Ang Umibig |

“WHAT room am i going to use?” tanong ni Marielle kay Faegan nang makapasok sila sa loob ng bahay nito.

“Huwag kang magmadali. Hindi tatakbo ang bahay ko,” nakasimangot na turan nito.

Napahagikgik siya. Mula pa nang nagdaang gabi ay nakasimangot na ito. Mula nang takutin niya itong magpapakamatay siya.

“What in the world are you thinking?” bulalas nito.

“You heard me,” walang gatol na sagot niya. “Magpapakamatay ako sa oras na iuwi mo ako sa amin at matuloy ang kasal ko.”

Wala siyang balak na kitilin ang sariling buhay niya. Hindi pa sya desperada. Kailangan lang niyang gawin iyon upang matakot ito. Malaking lalaki ito, kayang-kaya siyang bitbitin nito kung nanaisin nito. Hindi siya dapat maibalik nito sa bahay nila. Siguradong hindi na siya makakatakas muli dahil sa ginawa niya. He looked at her incredulously. “You’re insane!”

“Maybe, I am. What is it to you?”

“Marielle, kapag hindi kita iniuwi sa inyo, sigurado akong gagawa at gagawa ka pa rin ng kalokohan. Isa pa, hindi ka pupunta sa langit kapag nagpakamatay ka.”

“Sa tingin mo ba, hindi magiging impiyerno ang buhay ko kapag ikinasal ako?”

He stared grudgingly at her for a long moment . “Okay. I’m not going to take you home. But I won’t let you go alone either.”

“What are you saying?”

“I’m taking you with me. Doon ka muna sa bahay ko.”

Nais niyang humalakhak. Masyadong naniwala ito sa sinabi niya. Her cunning play wasn’t bad, after all. Okay sa kanya nag suhestiyon nito. At least, hindi siya madaling mahahanap ng papa niya. Hindi nito maiisip na sa bahay ni Faegan siya nagtatago. Basta huwag lang ipapaalam iyon ni Faggot dito.

“I’ts fine with me, as long as you wouldn’t tell my folks about it. Promise you won’t tell them.”

“I promise,” halatng napipilitang pagpayag nito. “Just don’t do anything stupid.”

“Deal.” Nag-shake hands pa sila.

Hindi ito pumayag na umalis siyang mag-isa. Nagpilit ito na sabay silang aalis ng bar. Tinapos nito ang shift nito hanggang alas-dos at pagkatapos ay sinamahan siya nito  sa motel na tinutuluyan niya.

Palaisipan pa rin sa kanya ang pagtatrabaho nito sa bar na iyon. Napakayamang tao nito.  Mas mayaman pa ito kaysa sa pamilya niya. Hindi niya  maunawaan kung ano ang ginagawa nito roon. Inisip niyang nais nitong lalo pang yumaman dahil doble-kayod ito at pati ang pagtatrabaho sa gabi ay pinatos nito.

Pagdating nila sa motel na tinutuluyan niya ay doon na niya pinatulog ito. Nasa mukha nito ang pagod at antok kaya nahabag siya rito. Mukhang hindi na nito kakayanin ang magmaneho. May kalayuan din ang motel na tinutuluyan niya. Naisin man niyang siya na lamang ang magmaneho ay hindi na siya nagpilit pa. Nakainom siya, baka maaksidente pa sila.

Kumuha siya ng ibang silid para dito. Kinuha niya ang cellphone nito upang masigurong hindi nito matatawagan ang pamilya niya. Hindi sa hindi siya naniniwala sa pangako nito. Kaya lang ay baka biglang magbago ang isip nito at isauli siya sa kanila. At kung sakali mang mangyari iyon, hindi na niya ibabalik pa rito ang cellphone nito at ihuhulog niya iyon sa kanal.

Nang mabayaran na niya ang bill ay nilisan na nila ang motel. Hindi naman siya nahirapang ayusin ang mga gamit niya dahil kaunti lang ang mga iyon.

Umupo siya sa mahabang sofa at ibinaba niya ang dalang bag at laptop. Inilibot niya ang tingin sa bahay nito. Hindi mansiyon iyon katulad ng bahay ng mga magulang nito ngunit hindi iyon maliit. Kompleto iyon sa gamit at mahahalata sa interior ng bahay nito ang puwesto nito sa lipunan.

“Bakit hindi ka sa condo tumira?” tanong niya rito. “May pera ka naman.”

Ayokong mag-elevator. Saka ayoko ng maraming kasama,” sagot nito at umupo sa tapat na sofa.

“`Arte.”

“It’s called ‘privacy.'”

“Bakit? Papasukin ka ba ng kapitbahay mo?”

“Don’t question my preference, Yelle.”

“Okay.” Itinaas niya ang mga kamay bilang pagsuko. “Anyway, ano nga pala ang arrangements natin at magkano ang ibabayad ko sa pagtira ko rito?”

“Hanggang kailan mo ba balak magtago?”

“Hangga’t hindi ako nakakarating sa Cebu.”

“At ano naman ang gagawin mo sa Cebu?”

“I’m planning to stay there for good. May kaibigan ako roon at may plano kaming magtayo ng business doon.”

“You’re really running away, huh?”

“Obviously. I don’t wanna get married. At least, not yet. And I don’t wanna marry because of money.”

“Bakit ka ba kasi ipakakasal ng mga magulang mo?” curious na tanong nito.

“Gusto nilang makuha ang ten percent ng share of stocks ng Nexxus. The CEO want to marry their daughter in return.”

“Nexxus? So, si Angelo Salonga ang mapalad na future husband mo?”

Napaismid siya. “Hindi mangyayari `yon.”

“Bakit ayaw mo sa kanya? He’s a very rich man, Yelle. He’s a young business magnate and not to mention, good-looking. Maraming babae ang naghahabol sa mokong na`yon.”

“Like I care.”

Nagkibit-balikat ito. “Bahala ka. It’s your choice.”

“So, ano nga? Magkano ang ibabayad ko sa `yo? Don’t worry temporary lang naman ito. Aalis agad ako kapag naayos na namin ng kaibigan ko ang lahat.”

“Saka na natin pag-usapan ang tungkol diyan.”

“Why are you doing this?” hindi matiis na tanong niya rito. “I mean, helping me out. We’re not even friends. Mga bata pa tayo nang huli tayong magkita. At natatandaan ko wala tayong ibang ginawa noon kundi ang mag-away. Besides, how can I be you won’t tell my folks I’m staying with you?”

“Kung hindi ka lang suicidal, nunca na pakikialaman kita. Ayaw ko rin namang kung saan-saan ka tumira. Kinakapatid kita at nag-aalala rin ako sa’yo kahit paano. Isa pa, baka kung ano pang kalokohan ang gawin mo at mangyaring masama sa iyo. Makonsiyensiya pa ako dahil hindi kita tinulungan.”

“Good answer.”

“And to your second question, the answer is simple. Baka imbes na kay Salonga ka pa ikasal, baka ako pa ang maging groom mo.”

Agad na napasimangot siya. “Kapal mo! Kung ikaw rin lang ang mapapangasawa ko, hindi ako magdadalawang-isip na magpakamatay. Walang sali-salitang iuumpog ko ang ulo ko sa kahoy na may nakausling pako,” ganti niya. Feeling nito, matutuwa siya kung dito siya ikakasal.

Umasim ang mukha nito. “In-specify mo pa talaga, ha?”

“Para makita nilang matindi talaga ang pagtutol ko.”

“As if I’m going to marry you. Hindi pa ako nahihibang. Ano kaya ang nakita sa’yo ni Salonga at ikaw ang pinili niya?”

“Ang yabang mo!” sikmat niya rito. “As if there’s a way I’m going to marry you, too.”

Humalakhak ito. “I’m just saying the truth.”

“Shut up!”

“Don’t shut up me. Nasa bahay kita,” pananakot pa nito.

“Okay then.” tumayo siya at binitbit ang gamit niya.

“Hey, saan ka pupunta?”

“Maghahanap ng ibang matutuluyan,” hindi lumilingong sagot niya. Naglakad siya patungo sa pintuan.

“Oh, come on. Don’t be such a spoilsport. I was just kidding.”

“Kidding my ass. I’m out of here.” Kidding pala, ha? Makikita ng lalaking ito. Hindi por que ito ang may-ari ng bahay ay papayag na siyang laitin nito.

Bago pa man niya nabuksan ang pinto ay nahawakan na siya nito at nahila pabalik sa sofa.

“Pikot ka talaga kahit kailan,” anitong umiling-iling. “Lighten up, will you?”

“Ewan ko sa’yo!” Inirapan niya ito at padaskol na naupo sa sofa.

“Anyway, lets talk about the arrangements here. Since you’re going to stay here, you should do some chores.”

Alanganing napatingin siya rito. “Chores? You mean, household tasks?”

Tumango ito. “Kailangang hati tayo ng gagawin.”

“Kailangan pa ba `yon?” Ang totoo, wala siyang alam sa tinutukoy nito. Marami silang katulong sa bahay kaya hindi siya gumagawa ng mga ganoon. Hindi rin siya marunong kung ano man ang ipagagawa nito. Magwalis at magpunas lang ang maipagmamalaki niya. Marunong siyang maglaba ngunit underwear lang niya ang kanyang nilalabhan. Sensitibo ang balat niya sa detergent soap at hindi pa niya nasubukang maglaba ng mga damit niya.

The rest of the tasks, she didn’t know how to do them.

“Kailangan `yon. At hindi ka puwedeng tumanggi,” pahayag nito.

“Bakit hindi ka na lang kumuha ng katulong?”

“Hija, wala ka sa inyo. Hindi ka prinsesa rito, okay? Kung gusto mong magkasundo tayo, tutulong ka sa mga gawaing-bahay.”

“Babayaran naman kita sa pagtira ko rito, ah,” angal niya.

“I don’t need your money, Marielle. Free lodging ang mangyayari, so don’t argue.”

“B-but—”

“No buts. You will do as I say. Ikaw ang maglilinis ng bahay. Salitan tayo sa paghuhugas ng pinggan. Ikaw ang magluluto ng almusal.”

“`Yan,`yan. Kapag mahirap ang gawain, sa akin mo ibibigay.”

“Alam mo, kailangang masanay ka na. Paghahanda `yan sa pag-aasawa mo.” Ngumiti ito nang nakakaloko.

“P-pero, Faggot—”

“End of discussion.” Tumayo na ito. “Sumama ka sa itaas. Ituturo ko ang magiging kuwarto mo.”

Paghahanda pala sa pag-aasawa. Sige, pagbibigyan niya ang gusto nito. Ayaw nitong pakinggan ang gusto niyang sabihin? Fine! Walang sisihan.

Nang dalhin siya nito sa magiging silid niya ay nagpaalam na ito. “Maghahanda pa ako sa opisina. Magkita na lang tayo mamaya o bukas ng umaga.”

Nakatalikod na ito nang tawagin niya ito.

“What now?” tila naiinip na tanong nito.

“Hindi mo sasabihin sa kanila na nandito ako?”

Hindi siya sigurado ngunit tila lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. “I won’t. I promise.”

“Thank you.” She went inside her room.

She didn’t know but she felt she could trust his words. At may pakiramdam siyang maaari niyang pagkatiwalaan ito. Noong mga bata pa sila, kahit wala nang ibang ginawa ito kundi ang pikunin siya, ito lang ang nagbigay ng atensiyon sa kanya. At ngayon ay ito pa ang tutulong sa kanya.

Wala naman sigurong masama kung pagtitiwalaan niya ito. Kilala niya ito, inaanak ng kanyang ama. At kahit ubod ng yabang ito, may pakiramdam siyang mabuting tao ito.

NAKATITIG lamang si Faegan sa inihandang almusal ni Marielle. Siya naman ay nakamasid dito. Nahuhulaan na niya ang sasabihin nito. Nagprito siya ng hot dog at itlog at nagsaing ng bigas. Puro palpak ang mga iyon.

Kumuha ito ng tinidor at tumusok ng isang hot dog. “Ano ito? Sinunog na hot dog? At bakit ganyan ang itlog? Basag ang gitna at sunog ang gilid. At bakit ganyan ang sinaing? Daig pa niya ang suman sa sobrang lata!”

Nagkibit-balikat lamang siya. Kapagkuwan ay kumuha siya ng tinapay at nilagyan iyon ng peanut butter. “Iyan ang almusal mo.” There was no way she would eat the breakfast she prepared.

“Pinagloloko mo ba ako?” Naibagsak nito ang mga kamay sa mesa. Walang dudang galit ito sa kanyang ginawa.

“Hindi, `no. Bakit naman kita lolokohin? Ang sabi mo, ako ang magluluto ng almusal. Hayan, ipinagluto kita.

Ang totoo ay kanina pa siya kinakabahan. Sigurado siyang magagalit ito sa kanya dahil sa kapalpakan niya. Kahit pa pinaghandaan na niya ang galit nito, hindi pa rin niya maiwasang kabahan. Iyon ang unang pagkakataong humarap siya sa kusina at disaster ang inabot niya. Hindi man lang niya maipagmalaki rito ang mga niluto niya.

“Almusal bang matatawag ang mga `yan, ha?”

Alanganin siyang ngumiti. “It will work out somehow.”

“It will work out somehow?” singhal nito. Nagsasayang ka ng pagkain!”

“Bakit ba galit na galit ka? I’m sorry, all right. Papalitan ko na lang ang mga nasayang na pagkain.”

“At pagkatapos, ano? Susunugin mo rin? `Tapos papalitan ulit?” sarkastikong balik nito.

“Eh, kasi naman, hindi mo ako pinakinggan kahapon. Nag-presume ka kasi agad. Sasabihin ko sana sa `yong hindi ako marunong magluto, kaso ayaw mo akong pagsalitain.”

Dumako ang tingin nito sa kusina at tila nadidismayang napailing ito. Napabuntong-hininga siya. May dahilan ito upang madismaya. Napakagulo ng kusina nito at napakaraming kalat na siya ang may gawa.

Nakaeamdam siya ng hiya. Wala siyang kaalam-alam sa kusina. Ang mga talsik ng mantika sa kanyang mga kamay ang patunay.

Sa tingin niya ay bumaba ang tingin ni Faegan sa kanya. Pakiramdam niya ay naging problema pa siya rito.

“Mabuti at hindi mo sinunog ang kusina ko.”

“Hindi naman ako arsonist, `no! Hindi lang ako marunong magluto.” Kumagat siya sa hawak na tinapay. Iginawa n rin niya ng sandwich ito dahil alam niyang hindi nito kakainin kakainin ang inihanda niya.

“Lalayas-layas ka kasi sa inyo, wala ka naman pa lang alam,” anitong may halong  paninisi  ang tinig.

Napakurap siya at natigil sa pagnguya. What he said was really below the belt. Nasaktan siya sa sinabi nito. Wala nga siyang alam sa kusina pero hindi naman siya tanga o boba. Parang sinasabi kasi nito na pabigat lang siya rito. Parang nais tumbukin nito na wala siyang silbi.

Suddenly, she became emotional. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla ay parang nais niyang umiyak samantalang nasabihan lang siya nito na walang alam. Samantalang  ang pamilya niya ay hindi siya pinapansin. Kung ikokompara ang sakit na nadama niya ngayon sa noon, hindi ba mas dapat na iyakan niya ang sitwasyon niya sa kanyang pamilya kaysa sa salitang binitiwan ni Faegan?

Ang akala niya ay magiging kakampi niya ito. Tinulungan pa siyang magtago nito. Ngunit naramdaman niyang tunay siyang nag-iisa dahil sa sinabi nito.  She couldn’t even please him.

How could she please him if she couldn’t even please her own family?

Nakayukong tumayo siya at binitiwan ang hawak na tinapay. “May tinapay rito. Pagtiyagaan mo na lamang muna. Ako na ang magliligpit sa kusina. Aakyat lang ako sandali.” Iniwan na niya ito.

“Saan ka pupunta?” narinig niyang tanong nito.

Hindi na niya pinansin ito.

Nagkulong siya sa kanyang silid.

Make a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: