Chapter 2

Posted on November 17, 2010. Filed under: Kapag Si Faegan Ang Umibig |

MAG-ISANG umiinom si Marielle sa isang bar sa Timog Avenue. It was her way of easing the pain she felt. Dalawang linggo na siyang hindi umuuwi sa bahay nila. Hindi na rin siya pumapasok sa opisina.

Hindi naman siya nababahalang hindi kikita ang Ignacius, Incorporated kahit wala siya. Marami silang magagaling na empleyado. Ang iniisip lamang niya ay kung sino ang mag-aayos ng gusot ng dalawang kapatid niya kapag nagkataon. Nalulusutan niya ang paglustay ng mga ito ng pera ng kompanya kapag may naisasara siyang malaking deal. Napapalitan niya ang perang ginagastos ng mga ito at nakapagpapasok pa siya ng malaking account sa kompanya. Ngayon, hindi niya alam kung sino ang gagawa niyon.

Wala na siyang balak na bumalik sa trabaho niya. It was time for them to be on their own. Hindi habang-buhay ay siya ang gagawa ng paraan upang malusutan ng mga kapatid niya ang bunga ng mga kalokohan ng mga ito. Nakakainis mang isipin, bale-wala sa kanyang ama na gastusin ng dalawang kapatid niya ang pera nila. Alam naman kasi nitong naroon siya upang umayos ng lahat.

May bago na siyang trabaho. Gumagawa siya ng mga artikulo at isina-submit niya ang mga iyon sa mga Web site sa Internet. It was convenient for her. Hawak niya ang kanyang oras at kumikita siya kahit paano. Her new job wasn’t earning that much compared to her salary at the company. But she wasn’t bothered at all. Binabayaran siya kada isang artikulong naipapasa niya.

Madali lang naman ang ginagawa niyang trabaho. Magre-research lang siya ng isang bagay o lugar at pagkatapos ay gagawan niya ng lathala. Anything under the sun, kumbaga. Kapag nagustuhan ang kanyang gawa binibili iyon sa kanya at ipino-post sa Internet.

Hindi rin siya natatakot na iyon lang ang kayang trabaho dahil mabilis siyang sumulat. Isa pa, pansamantala lang ang trabahong iyon. Mayroon din siyang pera sa bangko. Mabuti na lamang at may sarili siyang account. Nang i-check niya ang payroll account niya ay wala na siyang pera doon. Sigurado siyang inalis iyon ang papa niya dahil sa ginawa niyang pag-alis.

Sigurado rin siyang hinahanap na siya ng kanyang mga magulang. Marahil ay galit na galit ang mga ito sa kanya. Napahiya ang papa niya kay Angelo Salonga.

Umalis siya sa kanila sa mismonh araw ng pagkikita sana nila ni Angelo Salonga. Madaling-araw pa lamang ay umalis na siya bitbit ang ilang damit at personal na pag-aari niya. Nagpalit din siya ng prepaid na SIM card upang hindi siya matawagan ng pamilya niya. Hindi rin niya dinala ang kanyang sasakyan.

From then on, she promised herself to start on her own, to live on her own. Kaya naman niya. In time, babalik siya sa kanila at hihingi ng tawad sa ginawa. Ngunit hindi pa ngayon. Nais sana niyang magbago ang isip ng mga magulang niya sa plano ng mga ito.

Sa mumurahing motel siya nakatira. Makapangyarihan ang kanyang ama at madali siyang matutunton nito kapag sa hotel siya tumuloy. Pansamantala lang siya sa motel hangga’t hindi siya nakakarating sa Cebu. Nakausap niya ang kaibigan niyang si Tere na nakabase roon.

Sa Cebu niya balak manatili. Doon ay malayo siya sa kanyang mga magulang. Magtatayo sila ng negosyo ni Tere. Wala pang malinaw na plano pero madali na ang lahat kapag nakarating na siya roon.

Pero hindi niya kailangang madaliin ang lahat. Hindi lingid sa kanya na may tauhan ang kanyang ama sa airport at kahit sa pier. Siguradong mahuhuli siya kapag nagpadalus-dalos siya. Ang mahalaga, wala na siya sa kanila at hindi pa siya natatagpuan ng mga ito.

May mga gamit din siyang binili upang mag-disguise katulad ng wig, cap, shades, at kung anu-ano pa. Mabuti na ang nag-iingat.

Muli siyang um-order ng vodka sa waiter. Nakakaapat na baso na siya. Medyo nahihilo na siya subalit nais pa rin uminom. Nais niyang aliwin ang kanyang sarili.

Hindi pa man dumarating ang kanyang order ay may lalaking lumapit sa kanya. Hindi niya ito masyadong mamukhaan dahil medyo tipsy na siya.

“Hi. Are you alone?” the man asked.

“Yes.”

“Would you like me to buy you another drink?”

“Thanks but I already ordered.” She tried to smile.

“I’m Mark, by the way,” anitong inilahad ang kamay sa kanya.

“I’m Yelle.” Tinanggap niya ang kamay nito.

“`Mind i I join you?”

Napailing siya, ngumiti. Why not? She was single and she was at the right age.

Nagkuwentuhan at uminom pa sila. She found him fun to be with. He was flirting with her, too. Lumalim pa ang gabi ngunit hindi ito umalis sa mesa niya.

“Would you like to go somewhere private?” Mark asked.

She knew what it meant. She was already twenty-six. She wasn’t innocent to that kind of question. She was a virgin but she knew what he wanted. She thought there was nothing wrong with it. She was at the right age and she wanted to go wild that night.

Why not do it? Besides, what more could she lose if she would do it? Kung sakali mang ikasal siya kay Angelo Salonga, o kung kanino man dahil lang gusto ng mga magulang niya, mas maganda nang iba na lang ang makakuha niyon kaysa ito.

God, she was becoming bitter day by day. Mas pipiliin pa niyang ibigay ang kanyang pagkabirhen sa iba dahil lamang sa mga nangyayari sa kanya.

“Yes” she told Mark without hesitation.

He paid for their bill, then they got off the couch. Paalis na sana sila nang may tumawag sa kanya.

“Marielle?”

Nilingon niya ang tumawag at nagulat na lang siya nang hatakin siya nito palayo kay Mark.

FAEGAN was sure it was Marielle, especially when he called her and she turned her head. And he didn’t like what was going to happen if he didn’t snatch her arm.

Nagmi-mix siya ng drinks nang una niyang mapansin ang babae. Nakaupo ito sa  isang bahagi ng bar na hindi masyadong pansinin ng mga tao. Mag-isang umiinom ito at panay vodka ang iniinom nito. Hindi siya sigurado noong una na si Marielle iyon. Ilang taon na nang huli niyang makita ito.

Kinakapatid niya si Marielle. Ninong niya ang papa nito si Rodolfo Ignacio. At kahit matagal niyang hindi nakita ang babae, pamilyar sa kanya ang hitsura nito. Lalo na ang mga biloy nito sa pisngi kapag ngumingiti.

Ilang beses lamang niya itong nakitang ngumiti noon subalit hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit tumatak sa isip niya ang ngiting iyon. His instinct told him the woman was Marielle Ignacio.

Hindi niya alam kung bakit siya kinabahan nang may isang lalaking customer na lumapit dito. He was a man  and he knew what the intention of the customer was. Kung tutuusin, hindi dapat niya pinakialaman ang babae sa gustong gawin nito sa buhay. Ano ba ang malay niya kung madalas na gawin nito ang ganoon? Subalit kahit hindi man sila malapit nito, kinakapatid pa tin niya ito at hindi niya gustong may mangyayaring masama rito. Alam niyang lasing na ito sa dami ng nainom.

“Hey, back off!” anang lalaki sa kanya.

Sigurado siyang si Marielle ang babae. Paano niya makakalimutan ang mukha nito gayong nakatatak na sa isip niya ang hitsura nito kapag nakasimangot ito noong mga bata pa sila? Ngayon ay nakasimangot ito na para bang hindi natuwa sa pakikialam niya.

“She’s not going with you,” seryosong pahayag niya sa lalaki.

“Who the hell are you?”

“Ano ba’ng ginagawa mo?” Nagsalita na rin si Marielle, nasa mukha ang pagkainis. “Bakit ka ba nakikialam, ha?”

“I can’t let you go with him in that condition, Marielle. You’re drunk.”

“Sino ka ba para pakialaman ako sa gusto ko, ha?” asik ng dalaga.

“Faegan,” he said, nonchalantly. “Remember me?”

Natigilan ito. Napatuwid ito ng tayo at pinagmasdan siya sa kabila ng pamumungay ng mga mata. “F-Faggot?”

He was now hundred percent sure the woman was Marielle. Because she was the only one in the world who called him “Faggot.” Ito ang nagbigay sa kanya ng pangalang iyon. Siya naman ang napasimangot sa tinuran nito. Kahit matagal na silang hindi nagkita, iyon pa rin ang tawag nito sa kanya. Ni hindi niya alam ang ibig sabihin niyon.

“It’s Faegan,” pagtatama niya rito.

Sinipat siya nito mula ulo hanggang paa, pagkatapos ay napatitig ito sa suot niyang T-shirt. “W-what are you doing here?”

“Ikaw, ano’ng ginagawa mo rito?”

“I… I was…”

“Huwag kang makialam, pare,” anang lalaki. Nasa tinig nito ang pagbabanta. “Customer ako rito.”

“Hindi ko hahayaang sumama sa’yo ang kinakapatid ko,” mahinahong sambit niya.

“Kung gusto mo, sa labas na lang natin ito pag-uusapan,” mayabang pang wika nito.

Alam niyang hinahamon siya nito. Nais niyang mapapalatak. Kung makaasta ito ay parang pag-aari nito si Marielle.

Hinarap niya ang kanyang kinakapatid. “Is he your boyfriend?” Alam niyang hindi nito nobyo ang lalaki. Gusto lang nitong maka-score.

Nais din niyang kay Marielle mismo manggaling ang sagot upang hindi na pumalag pa ang lalaki. Kapag nagpilit pa ito, doon na siya kikilos. Kung madalas mang gawin ni Marielle ang pagsama sa mga lalaki, wala na siyang magagawa. Ngunit habang naroroon siya at nakita niya ito, hindi niya hahayaang sumama ito sa lalaking iyon— not when he knew what they were going to do. Ninong niya ang papa ni Marielle at kahit paano ay responsibilidad niya ito.

“N-no,” nakayukonh sagot ni Marielle. “I… I just met him.”

Hinarap uli niya ang lalaki. “If I were you, I would find another woman.” Itinuro niya ang kanyang kinakapatid. “Her father is a tyrant. If he knows what you’re going to do with his only daughter, you’ll be dead the next morning.”

Mukhang hindi naniwala ang lalaki subalit halatang nagulat ito sa pag-Ingles niya. “I don’t believe you.”

He stared at the man seriously. “Do I look like I’m kidding?” Of course he was kidding. What he said was only a buff. Marielle’s father wasn’t a tyrant. He just wanted to scare the man away. He definitely knew this man would believe him. Maraming beses na niyang ginamit ang ganoong taktika, mapanegosyo man o hindi.

“Tinatakot mo ba ako?”

“No, I’m just stating facts. Well then, iiwan ko na siya sa’yo. Huwag mo sanang sabihin na hindi kita binalaan.” Kunwari ay napaismid siya. “Paano mo pa nga pala magagawa `yon kinabukasan?” Pagkatapos ay tinalikuran na niya sng mga ito at iniwan.

Magkagayon pa man, nanatili siyang nakaalerto. Agad na hinanap ng kanyang mga mata si Joselito. Kung hindi umepekto ang kanyang pananakot, kahit paano dapat ay may susunod siyang plano.

Nakita niyang nakatingin din si Joselito sa kanya. Nakatayo ito sa harap ng bar counter. Bahagyang tumango ito.

Pasimpleng kinausap niya ito nang makalapit siya rito.. “Do me a favor. Make sure she won’t go with him. Kapag lumabas silang dalawa, pigilan mo siya sa labas. I’ll follow you in a bit. I just don’t want wanna make a scene.”

Dahil sa ginawa niya kanina, maraming napatingin sa kanila. Wala siyang planong gumawa ng eksena. Hindi lang niya napigilan ang sarili niya. He was somehow concerned with Marielle. Kahit pa wala siyang personal na dahilan upang pigilan ito, hindi niya gustong may mangyaring masama rito, not when he saw her and not when he could stop her.

“He already left,” imporma ni Joselito sa kanya.

Nang lingunin niya si Marielle, nakita niyang mag-isa na lamang nakatayo ito at nakatingin sa kanya. Muli niyang nilapitan ito.

“Come with me.” Hinila niya ito at dinala sa likod ng bar kung saan madalas silang manatili ng mga kaibigan niya kapag wala silang ginagawa. Mayroong mesa at mga upuan doon. “Wait here.” Iniwan niya ito saglit saglit upang kumuha ng tubig. Nang balikan niya ito, nakaupo na ito sa isang stool at nakapatong ang mga kamay sa mesa. Umupo siya sa katapat na stool.

“Bakit nagtatrabaho ka rito?” hindi tumitingin sa kanyang tanong nito.

Pinagmasdan niya ito. Malaki na ang nagbago sa hitsura nito. She had grown more beautiful. Maganda na ito kahit noong mga bata pa sila subalit tila lalong gumanda ito. Naroon pa rin ang imahe nito ng isang matapang at palaban na babae.

Wala sa hitsura nito na beinte-sais na ang edad nito. Natatandaan niyang apat na taon ang tanda niya rito. At kahit sa edad nito, nakikita pa rin niya ang katarayan sa magandang mukha nito.

She had a flawless small face, emphasizing the China doll feature. She looked so delicate being petite. Nakaipit ang mahabang buhok nito kaya kapansin-pansin ang mukhang naghahalo ang pagiging maamo at suplada.

Yes, she wasn’t tall but her curves were at the right places.

“Hindi mo na sinagot ang tanong ko,” anitong nagsuot ng salamin sa mga mata. It was a pair of reading glasses with a black rim. Malayo iyon sa salamin ng mga nerd. Lalong nagmukhang sopistikada ito habang suot nito ang salamin, at lalong nagmukhang suplada.

Aaminin niyang bagay rito ang nakasalamin ngunit mas maganda pa rin ito kapag wala.

“Ano nga uli `yong tanong mo?”

“Nakikinig ka ba o nagandahan ka lang sa akin kaya hindi mo naintindihan ang tanong ko?” Her sarcastic tone stoked a memory of a girl, too smart for her own good, with a quick mind and a cool sense of humor. It had been years since he had seen her but he never thought she would remain the sharp-tongued lady.

Napapalatak siya. “Hindi ka pa rin nagbabago,” aniya. “Masyado ka pa ring bilib sa sarili mo. Hindi ka maganda. Akala mo lang `yon.”

“Ikaw rin, hindi nagbago. Wala pa ring kupas `yang paniniwala mo na hindi ako maganda.” Tinaasan siya nito ng isang kilay. Madalas kasi niyang sinasabi rito noon na hindi ito maganda upang asarin lang.

Hindi na niya napigilang tumawa. So, some things didn’t change. Katulad na lamang ng nangyayari sa kanila. Mahilig pa rin silang magbangayan katulad noong mga bata pa sila. At palaban pa rin ito.

Natatandaan niyang madalas na pikunin at asarin niya noon ito. Sa tuwing bibisita ang pamilya niya sa bahay ng pamilya nito, madalas niyang nakikita ito sa garden na nag-iisa. Hindi niya nakikitang naglalaro ito. Kung hindi ito nagbabasa ng libro, nakaupo lamang ito sa gilid ng swimming pool t nakatitig sa tubig.

He found her quite intriguing back then. Hindi niya matiis na hayaang mag-isa ito samantalang ang mga kapatid nito ay tila walang pakialam dito. Tuwang-tuwa siyang inisin ito at makita ang namumulang pisngi nito kapag napipikon.

Minsan lang niya  mapangiti ito. Iyon ang naging challenge niya. Hindi madaling patawanin ito. Mas madali pang pikunin ito kaysa pangitiin.

Namumula pa rin ba ang mga pisngi nito kapag napipikon?

“Hmm… Why don’t I see for myself?

“Nasaan ang ganda?” nang-iinis na tanong niya rito.

KUNG hindi lang nasaksihan ni Faegan ang muntik nang pagsama niya kay Mark, nunca na hayaan niyang asarin siya nito. At hindi siya magdadalawang-isip na patulan ito.

Nahiya kasi siya rito. Hindi niya gustong isipin nito na palagi niyang ginagawa ang nakita nito. A part of her didn’t want him to think about her that way.

Hindi niya nakilala ito nang pigilan siya nitong sumama kay Mark. Ang akala niya ay isa lamang waiter ito na nakialam. At dahil bahagya siyang nahihilo, hindi niya masyadong nakilala ang mukha nito. Idagdag pa na madilim sa loob ng bar. Naiinis pa siya sa ginawang pakikialam nito.

Hindi niya mapaniwalaang si Faegan ito na kinakapatid niya. Nang magpakilala ito, tila nawala ang tama niya. Biglang luminaw ang pag-iisip niya at hindi na sumama kay Mark. Sa tagal nilang hindi nagkita, hindi niya inakalang makikilala pa siya nito. Sampung taon na yata sng lumipas nang huli niyang makita ito.

Of course, she remembered him. Paano niya makakalimutan ito? Wala nang ginawa ito noon kundi ang pikunin siya. Siyempre, hindi siya nagpapatalo rito. But deep inside her, she was glad he was there. May isang batang pumapansin sa kanya at pinag-uukulan siya ng panahon. Hindi katulad ng pamilya niya.

Malaki na rin ang nagbago sa hitsura nito. Kung hindi siya nagkakamali, apat na taon ang tanda nito sa kanya. Noon pa man ay guwapo na ito. He was a typical cute boy. Dark hair and tawny eyes, straight aristocratic nose, high checkbones and thin lips. Yet he looked a lot more handsome now.

Still, he was the same “Faggot” who use to tease her and brought annoyance out of her.

“Whatever,” aniya. “I’m going,” paalam niya at tumayo na siya.

“Oh, no, no,” pigil nito sa kanya.

“Look,” aniyang tumingin sa mga mata nito. “I know what you’re thinking. But believe me, it wasn’t me at all.”

“Yeah. You’re under the influence of alcohol,” he said sarcastically. “What’s wrong with you, anyway?”

“Everything is wrong. I promise I won’t do it again, okay?”

“Ano ba’ng pumasok sa isip mo at muntik ka nang sumama sa lalaking hindi mo kilala?”

Ngumiti siya ng mapakla. “Wala naman. Naisip ko lang na okay lang na sumama ako sa kanya. At least, hindi ako magsisisi bago man ako ikasal kung sakali.”

Mukhang hindi nito inasahan ang narinig. “Ikakasal ka na? Kanino?”

“To a businessman I hardly know.”

“You mean, like an arranged marriage?”

“Exactly.”

Kumunot ang noo nito. “So, nagrerebelde ka?”

“Parang ganoon na nga.”

“You think that’s the wise thing to do?” Lalong kumunot ang noo nito. “Mag-isip ka nga.”

“Sa tingin mo, hindi ako nag-iisip?” May langkap na pagkainis ang kanyang tinig. “Wala akong magagawa kundi sundin ang gusto ni Papa. Mali bang gawin ko ang gusto ko bago niya ako mahanap?”

Tumitig ito sa kanya. “Naglayas ka?”

Hindi siya sumagot.

“Saan ka tumutuloy ngayon?”

“Somewhere,” bale-walang sagot niya.

Tumayo ito at mabilis na lumapit sa kanya. “Let’s go. I’m bringing you back to your family.”

“No way! I”m not going back. Kung gusto mo, ikaw ang bumalik sa bahay. Ikaw na rin ang magpakasal.”

“Sa tingin mo ba, masosolusyunan mo`yang problema mo sa ginagawa mo?”

“Puwede ba? Kung sesermunan mo lang ako, huwag ka nang magsalita. Aalis na ako.”

Mabilis na hinawakan nito ang kanyang kamay. “Kapag hindi kita ibinalik sa inyo, baka balikan mo lang ang lalaking iyon.”

“At sino ka para makialam?” Pumiksi siya ngunit lalo lang humigpit ang pagkakahawak nito.

“Iuuwi na kita sa inyo.”

“Kapag hindi mo ako pinakawalan, magsisisi ka,” banta niya.

“Nakikita mo ba ang diperensya ng laki ko sa’yo, ha, Gabriela Silang?”

Nakuha pa nitong laitin ang height niya!

“Try me, Faggot. I can make you kneel.”

“It’s Faegan, all right? Fey-gan.” Waring nainis ito sa ginawa niyang pagtawag dito.

Bahagya siyang napangiti sa kabila ng pag-iinit ng kanyang ulo. She should call him “Faggot.” Pangganting-asar niya rito iyon. Nabasa niya ang salitanmg iyon sa isang libro na may dalawang kahulugan. Sa American English at etymology, ang ibig sabihin ng “faggot” ay “bakla” o may kinalaman sa mga gay people. Sa British English naman, ang ibig sabihin niyon ay “stupid” o “foolish.”

Either way, he still was “Faggot.”

“Kapag iniuwi mo ako sa bahay namin, wala ka pa ring magagawa. At kapag natuloy ang kasal ko, magpapakamatay ako,” matatag na sambit niya.

Nanlaki ang mga mata nito, kapagkuwan ay tila napasong binitiwan siya. “You wouldn’t dare.”

“Sa sitwasyon ko ngayon, hindi malabo, Faggot.”

 

Make a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: