Chapter 8

Posted on October 28, 2010. Filed under: Stolen Heart |

MAKALIPAS ang mahigit isang oras na pakikipagkuwentuhan at sosyalan ay pasimpleng humiwalay si Anica sa mga bisita at nagtungo sa likurang bahagi ng yateng sinasakyan nila. It was Yza’s birthday and her best friend decided to celebrate it with a yacht party.

Hindi masyadong malaki ang yateng iyon na pag-aari ng ama ni Yza, pero maganda at elegante ang pagkakaayos. Ang alam niya ay ginagamit iyon ng daddy ni Yza kung nais nitong mag-entertain ng mga kliyente o magdaos ng maliit na salu-salo.

Kabisado niya ang yate kaya hindi siya nahirapang humanap ng lugar kung saan makapag-isa siya. Hindi siya masyadong mahilig makipagsosyalan. Para sa kanya, mas magandang i-celebrate ang isang okasyon kasama ang ilang taong mahalaga sa buhay niya. Hindi katulad ni Yza na halos lahat ng taong kakilala ay gustong imbitahan.

Pagdating sa likod ay pinili niyang tumayo sa gilid ng yate kung saan kitang-kita niya ang mga alon. Gabi na at ang tanging liwanag na kanyang nakikita, bukod sa nagmumula sa buwan, ay nag maliliit na liwanag na nagmumula sa piyer na kanilang pinanggalingan.

Tumingala siya at napangiti nang makita ang mga mumunting bituin na nagkalat sa kalangitan. She loved stargazing. Noong bata pa siya, madalas siyang napupuyat sa kakatingin sa langit tuwing gabi. Pakiramdam kasi niya ay napapayapa ang kanyang isip kapag nakikita ang mga mumunting liwanag na nagmumula roon.

“There you are!”

Muntik na niyang mabitawan ang hawak na wineglass nang biglang marinig ang pamilyar na tinig ni Xandrick. She had avoided him like the plague for three days—only to meet him again tonight. She closed her eyes tight and cursed Yza. Nasisiguro niyang planado iyon ng kanyang magaling na best friend.

Hindi siya sumagot. She straightened her back and tried to walk past him. Ang lakas din naman ng loob ng lalaking ito na humarap sa kanya pagkatapos ng pambabastos na ginawa nito sa kanya noong nakaraang pagkikita nila.

Ngunit bago pa man niya malagpasan ito ay ay humarang na ito sa kanyang daraanan. With all the iciness she could muster, she looked at him and said, “Let me pass.”

“Anica, if you’re planning to avoid me again, let me tell you you’re wasting your time,” sabi nito na waring pilit na nagtitimpi.

Dahil doon ay lalong nadagdagan ang inis niya rito. Kung mayroong dapat magtimpi sa kanila, siya iyon at hindi ito.

“I said, let me pass,” sagot niya. Walang pagbabago ang kanyang tinig

“Hindi ako hihingi ng tawad sa ginawa ko at sa sinabi ko sa iyo noong nakaraang araw,” sabi nito. “You deserved it.”

“Bakit ba ang kulit mo?” naiinis na wika niya rito, all pretense of indifference was gone. “Gusto kong mapag-isa, kaya nga dito ako pumunta. Leave me alone.”

“Katulad mo ay hindi rin ako mahilig makipagsosyalan. I’ve been watching you for the past hour, and believe me, your face showed all the boredom you felt.”

“Then go find your own place,” singhal niya rito. Goodness! He was turning her into a shrew. Huminga siya nang malalim at pilit na kinontrol ang kanyang inis. Nang muli siyang magsalita ay malumanay na ang kanyang boses. “Kung hindi ka aalis, ako ang aalis.”

“Kung hindi mo ako iiwasan ngayon, nangangako akong hindi ako gagawa ng kahit na anong ikagagalit mo.”

“Hindi mo ba talaga ako titigilan?” napapailing na tanong niya.

“Nope,” sagot nito. “Ikaw lang ang pinakamatinong tao na puwede kong makausap dito. And the only way you can get rid of me is to jump to the sea and swim all the way back to the port. Kaya mamili ka, ako o ang dagat?”

She gave up.

“Okay, fine. Basta siguruhin mong tutuparin mo ang pangako mo,” aniya, pagkatapos ay bumalik siya sa kinatatayuan kanina.

She drained the contents of her glass and stared at the dark sea. Lumapit si Xandrick at tumabi sa kanya. Hinintay niyang magsalita ito pero nanatili lang na tahimik ito at nakatingin sa karagatan. Nang matapos ang sa tantiya niya ay sampung minuto nang hindi nagsasalita ito, ipinasya niyang dead-mahin na lang ito. Iyon din naman kasi ang obvious na ginagawa nito sa kanya. She relaxed and started to enjoy the stars again.

“I like looking at the stars.”

Bahagya pa siyang nagulat nang sa wakas ay magsalita ito. Pero sa halip na mag-react, nanatili lang siyang tahimik. Baka sakaling ma-bore ito sa kanya at magkusa nang umalis.

“Madalas kong gawin iyan noong bata pa ako. Kapag hindi ako makatulog sa gabi, umaakyat ako sa bubong ng bahay namin at pinanonood ko ang mga bituin. I used to make my own stories while gazing up at the stars. Hindi kami mayaman noon kaya lagi kong iniisip na mayaman kami. Na marami akong pera at lahat ng bagay na gusto ko ay makukuha ko. I spent two or three hours each night making different stories about how wealthy I would be.”

Hindi niya napigil ang sariling mapangiti. Hindi kasi niya ma-imagine si Xandrick na sampung taong gulang at umaakyat sa bubong ng bahay. He was so huge now that it was hard to imagine him young and small.

“Tandang-tanda ko pa noong paluin ako ni Tatay dahil nagkabutas-butas ang bubong dahil sa kakaakyat ko.” Bahagya pang tumawa ito sa mga alala. “Mula noon pinagbawalan na niya akong umakyat sa bubong. Ang hindi niya alam, tulog na tulog na sila ni Nanay ay saka ako umaakyat.

“Nabuko lang niyang umaakyat ako pa ako nang mag-umpisa na uling magtag-ulan at tumulo ang bubong namin,” nakangiting patuloy nito. “Galit na galit si Tatay, pero niya ako nagawang paluin dahil nakatakbo na ako palaba ng bahay.”

Hindi niya napigilan ang sariling matawa. Who would have guessed that Xandrick Jemosa was once a naughty boy who loved gazing up at the stars?

Nang hindi na nito itinuloy ang pagkukuwento ay naglakas-loob siyang magtanong. “Bakit pagyaman ang pinapangarap mo noon? Ang ibang bata, ang gusto’y ang makalipad, magkaroon ng maraming laruan o `di kaya ay lumaki agad. Your fantasy was a little big at your age.” She knew that because she fantasized about flying, too.

“Dahil sa nanay ko.”

“What about her?” she asked curiously.

“May ovarian cancer siya. Namatay siya isang buwan bago ako maglabing-isang taon.”

Natigilan siya. Matagal nang patay ang nanay ni Xandrick pero dinig na dinig niya ang pait sa boses nito. Nang lingunin niya ito, blangko ang mukha nito habang nakatingin sa malawak na karagatan, wala ang sakit na narinig niya sa mga boses nito.

“I’m sorry. Hindi ko sinasadyang buksan ang isang masakit na paksa para sa iyo.”

“It’s okay.” Saglit na tumingin ito sa kanya at ngumiti. Pagkatapos ay ibinalik nito ang tingin sa dagat. “Matagal nang nangyari iyon.”

Mayamaya pa ay nagpatuloy ito sa pagkukuwento. “Mahirap lang noon si Tatay, walang maipagmamalaki kundi ang diploma at pinag-aralan niya. Si Nanay naman, mayaman ang pamilyang pinanggalingan. Dahil doon, hindi nagawang tanggapin ng pamilya ni Nanay ang tatay. Kaya mula nang kunin ni Tatay si Nanay mula sa pamilya nito, hindi na sila humingi pa ng kahit anong klaseng tulong sa mga iyon. Hindi nga kakmi mayaman noon, pero hindi naman kami nagkulang sa basic na pangangailangan.”

Somehow, she felt he had a reason for telling her his story. Hindi siya naniniwalang si Xandrick ang tipo ng tao na magkukuwento ng buhay nito para pampalipas-oras lang. He had a reason, pero hindi niya alam kung ano.

“Inilihim ni Nanay ang sakit niya mula sa amin ni Tatay,” patuloy ni Xandrick. “Nang matuklasan ni Tatay ang kalagayan ni Nanay ay malala na ito. `Sabi ng mga doktor, kailangan namin ng malaking halaga para maoperahan si Nanay. The operation could not even heal her, it was just a palliative care. Ooperahan siya para lang mabawasan ang mga symptoms ng cancer, para bawasan ang paghihirap niya hanggang tuluyan na siyang bawian ng buhay.”

She ached for him. Ayaw man niya ay hindi niya mapigil ang sariling maawa sa batang Xandrick. Hindi niya naranasan pero alam niyang mahirap para sa isang bata ang makitang naghihirap ang kanyang ina. Pinakinggan niyang mabuti ang boses nito, wla na roon ang sakit na una niyang narinig.

“My father swallowed his pride and went to my mother’s family for help. Pero lahat pala sila ay nag-migrate na sa States. My father was so devastated during that time. He was powerless to save my mother.”

“Noon ko laging iniisip na sana marami akong pera. Na ipagagamot ko ang nanay ko sa pinakamagaling na doktor. If only I had my money now back then, maybe she would have lived longer. Alam mo ba kung ano’ng pinakamasakit sa lahat?” naiiling na tanong nito. Waring hindi naman ito naghihintay ng kanyang sagot dahil agad ding nagsalita ito. “Kalilibing lang noon ni Nanay, inaayos ni Tatay ang mga gamit ni Nanay sa aparador nila nang makita ni Tatay ang isang sobreng puti. Nang buksan niya iyon, isang passbook sa bangko at sulat ang laman.”

Huminga ito nang malalim na para bang tinatanggal nito ang bara sa dibdib. “The passbook had a two million-peso deposit. Ayon sa sulat ni Nanay, pamana iyon sa kanyang nanay ng lola nito. At natanggap iyon ni Nanay noong panahong natuklasan nito na may cancer ito. Inilihim ni Nanay kay Tatay ang tungkol sa pera dahil alam nitong gagamitin iyon ni Tatay para ipagamot siya. Sabi ni Nanay, mas gusto niyang ilaan ang pera para sa kinakabukasan ko.”

Yumuko siya para itago ang kanyang mga matang nangingilid sa luha. How could life be so cruel to a little boy? “I… I’m really sorry.”

Marahil ay narinig ni Xandrick ang garalgal sa tinig na pilit na itinago niya kaya tumingin ito sa kanya. “Are you crying?” natatawang sabi nito.

“No,” tanggi niya. Ang awa ay agad napalitan ng inis nang marinig ang pagtawa nito.

“Ahh… women!” pang-aasar pa nito. “You’re all crybabies.”

“Xandrick!” may pagbabanta sa boses niya nang tawagin niya ang pangalan nito. She almost smiled when he remembered his promise and backed off.

Humarap ito sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi. Agad na iniiwas niya ang kanyang mukha. Mahirap na at baka kung saan pa mapunta ang simpleng gesture na iyon.

“Look at me, Anica,” he ordered so tenderly she couldn’t refuse to obey. “I’m big, and I’m stronger now. I don’t need your pity.”

“I know… it’s just that—”

“Do you want to hear the rest of the story?”  putol nito sa iba pang sasabihin niya.

Tumango na lamang siya dahil pakiramdam niya ay gagaralgal naman ang kanyang boses kapag nagsalita siya.

He traced the outline of her face and stared at her eyes. “Ginamit ni Tatay ang perang iniwan ni Nanay para magtayo ng isang maliit na retail shop ng mga spare parts. Sa umpisa ay hindi maganda ang takbo ng negosyo. Pero nang nakagamayan na niya ang pagpapatakbo roon ay umunlad iyon Iyon ang Silver Go ngayon.”

She inhaled sharply when realization finally hit her. Nang tumango ito, alam niyang nabasa nito sa kanyang mga mata ang iniisip. “That’s why I wouldn’t let anyone take away Silver Go from me, Anica. Wala akong balak ipagbili iyon sa pamilya mo. You have to understand how important it is to me.”

“Sshh…” mahinang saway niya rito. “You don’t have to explain.”

“I have to… I need to.”

Noon bumagsak ang pinipigilan niyang mga luha. She couldn’t help it. Parang piniga ang puso niya nang malamang buhay ng ina ni Xandrick ang naging kapalit ng Silver Go. His mother obviously loved him so much. She gave up everything for her son.

“I said I don’t need your pity,” marahang sita nito sa kanya. He wiped her tears with his fingers. He stared at her lips and groaned. Alam niyang gusto siyang halikan nito pero hindi nito magawa dahil sa pangakong binitawan nito. “God! You’re driving me crazy!”

She felt good hearing those words. Hindi niya alam kung bakit pero natutuwa siyang malaman na may kakaiba rin siyang epekto rito.

“Anica,” mahinang anas nito habang dahan-dahang hinahapit nito ang kanyang katawan palapit dito. He caressed her cheeks while staring at her eyes. He knees buckled and she had no choice but to lean on him. “Say it, baby. Tell me you want this kiss as much as I do.”

Their faces were so close she could almost feel his breath on her skin. God! He was making her say those words and she was almost powerless not to obey. Ibinuka niya ang kanyang bibig upang aminin ang gusto ngunit bago pa siya nakapagsalita ay binulabog sila ng ring ng cellphone.

“Shit!” mura nito. He reluctantly released her and answered his cellphone. “What?” galit na bungad nito pagkasagot ng telepono. Saglit na tumahimik ito habang pinakikinggan ang nasa kabilang linya. “Akala ko ba, inayos na ni Ricky iyan? Bakit nagkakaroon pa rin ng problema? Ang ibang staff natin, ano’ng ginagawa nila?”

Ang pagkakunot ng noo nito ay laong nadaragdagan habang tumatagal ang pakikipag-usap nito. Kung ano man ang pinag-uusapan nito at ng kausap nito, nasisiguro niyang malaking problema iyon. “Sige, ako na ang bahala, Martin. Tatawagan ko si Mr. Mamoto at kakausapin ko siya tungkol dito.” Pagkatapos nitong makipag-usap ay bumaling ito sa kanya. “I’m sorry for this, Anica,” hingi nito ng paumanhin. “Something came up and I have to fix it. May ilang suppliers akong dapat tawagan.”

“`Wag mo akong alalahanin. Go,” nakangiting sagot niya.

“I guess I won’t be kissing you tonight.”

He said it with exaggerated despair she could not suppress her smile.

“Anica?”

“Yes.”

“Would you like to join me for lunch tomorrow?”

Hindi agad siya nakasagot. He was inviting her out. Like a date? “I don’t know if it’s a good idea. I…”

“Please.”

How could she refuse him?

“Okay,” sagot niya.

She must be insane!

Make a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: