Chapter 1

Posted on October 27, 2010. Filed under: Kapag Si Faegan Ang Umibig |

PAKIRAMDAM ni Faegan ay hindi na siya matitigil sa katatawa, gayundin sina Derek at Joselito. It was because of the harassed and frustrated expression on Bryan’s face.

Actually, there were two things why he was laughing hard. One, Tatay William chose Bryan to work as dishwasher, and two, he had never seen his friend with that look before. He always was the cool one. Palaging nakangiti ito at hindi nagpapakita ng pagkainis o iritasyon. But that moment, he wasn’t cool at all.

“There’s no way I will wash plates!” singhal ni Bryan. Palakad-lakad ito sa harap nila. “No way!”

Nasa bahay sila ni Tatay William at katatapos lamang nilang maglaro ng tong-its. Noong una, laro-laro lamang ang ginagawa nila. Kumbaga, pampalipas-oras. Sunud-sunod pa nga ang panalo niya. Hanggang sa nagmungkahi ang matanda na lagyan ng pustahan ang laro.

Napukaw ang interes nilang apat. Tatay William was never a gambler. Walang hilig ito sa pustahan.

Ang sabi lamang nito, kapag nanalo ito sa laro, may ipagagawa ito sa kanilang apat. Kapag isa man sa kanila ang manalo, maaari nilang ipagawa rito ang anumang naisin nila.

He and his friends dealt with it. Mas mataas ang posibilidad na sila ang mananalo. Sa tagal nilang naglalaro ng tong-its, bihira lamang kung manalo si Tatay William.

Silang dalawa ni Joselito ang lumaban. One against two, one of them would definitely win.

Unfortunately, neither of them won. Nang tanungin nila ang matanda kung ano ang ipapagawa nito sa kanila, naglabas ito ng apat na T-shirt na uniporme ng bar—na may pangalan nila. Ibig sabihin, nais nitong magtrabaho sila sa bar nito!

Umalma sila maliban kay Bryan. Noong una ay ito lang ang hindi kumontra sa gusto ng matanda. Pero halos magwala ito nang ito ang piliin ni Tatay William upang maging dishwasher.

“Hindi ba kayo matatapos sa kakatawa?” sikmat ni Joselito sa kanila.

“Sorry, pare,” aniya, natatawa pa rin. “I couldn’t help it.”

Sino nga naman ang hindi maghuhuramentado kapag ito ang napiling maghuga ng pinggan? Siguradong napakaraming hugasin sa Tatay William’s, ang bar na pag-aari ng matanda.

Tinanong nila si Tatay William kung bakit nais nitong magtrabaho sila. Ang sagot lamang nito ay upang maranasan daw nila ang buhay ng isang average Joe.

Sa totoo lang, hindi niya lubos maunawaan ang gusto nitong mangyari. Why the hell did they need to work at the bar? The four of them were rich. They earned a lot of money. They were born rulers and not bar waiters or dishwashers.

Before Tatay William met the four of them, he was just an average Joe, or maybe far below than the average Joe.

First year high school siya noong makilala niya si Tatay William na noon ay isa lamang janitor sa pinapasukan nilang eskwelahan. Hindi pa rin niya kilala sina Derek, Joselito, at Faegan.

Nakakatuwang balikan ang nangyari noon. Halos lahat ng estudyante sa pinapasukan niyang paaralan ay pawang mayayaman. Panahon noon kung saan laganap ang kidnap for ransom. Muntik na silang maging biktima kung hindi sila nailigtas ng janitor na ang tanging sandata ay mop. tinulungan sila nitong makatakas subalit buhay naman nito ang nanganib.

Doon nagsmula ang lahat. Kung maaari nga lamang niyang ilagay sa kasaysayan ng Pilipinas ang ginawang kabayanihan ni William Beltran ay ginawa na niya.

Subalit hindi tulad ng mga bayaning nakalimutan na sa paglipas ng panahon, hindi nila nakalimutan si William. Hindi nila pinabayaan ito. Ang mga pamilya nila ang sumalo sa lahat ng gastos sa pagpapaospital nito. Binigyan din nila ang pamilya nito ng kaunting puhunan upang ipagpatayo ng maliit na negosyo.

But the four of them new they could never repay him for risking his life just to save four kids. Ni hindi sila kaanu-ano nito para iligtas.

Hindi niya makakalimutan ito. Naging dahilan si Tatay William upang mabuo ang pagkakaibigan nilang lima. Pagkatapos ng insidente, madalas na niyang nakakasama ang mga ito. Si Tatay ang tumatayong pangalawang ama nilang apat. Mabuting kaibigan ito, mahusay na guro, at mahilig sa kalokohan.

Mahal nilang apat ito, lalo niyang minahal ito nang hindi siya ang pinili nito upang maging dishwasher.

Kinabahan siya nang sabihin nitong dalawang waiter, isang bartender at isang dishwasher ang kailangan nito. Naghinala na siyang siya ang pipiliin nitong tagahugas ng pinggan. Siya kasi ang pinakamalakas na magreklamo. Ganoon na lamang ang relief na nadama niya nang sabihin ni Tatay William kay Bryan na huwag nitong kalimutang magsuot ng rubber gloves.

Faegan Celestino was safe!

“Huwag kang tumawa nang tumawa, bata,” nakangising banta ng matanda sa kanya. “Ikaw ang bartender.”

“Okay.” Hindi na siya tumanggi. Ang mahalaga ay ligtas na siya sa paghuhugas. Hindi naman siguro niya kailangang mag-aral ng bartending para sa trabahong iyon. hindi naman pangmatagalan ang gagawin nila. Isa pa, sa isip niya ay practical joke lamang ang pagiging crew nila sa bar. hindi na kailangang bigyan ng sobrang effort.

“Seryoso ka ba talaga, `Tay?” ingit pa ni Joselito.

“Oo naman.”

“Puwede bang iba na lang ang ipagawa mo,” hiling pa ni Derek. “May malaking project ako ngayon. hindi ko puwedeng pabayaan.”

“Hindi naman ninyo kailangang pumasok nang madalas. Basta bibigyan ko kayo ng dos siyentos singkuwenta oras para tapusin ang magiging trabaho ninyo.”

Sabay-sabay silang napatingin dito. Two hundred fifty hours? What was he thinking?

“Pero huwag kayong mag-alala, may suweldo rin kayo,” pampalubag loob nito. “Walong libo kada buwan.”

He smirked. “I earn eight thousand in less than an hour.”

“Alam ko na `yon.” Kumamot ito sa ulo nito. “Basta susuwelduhan ko pa rin kayo.”

“Bahala ka na nga `Tay,” ani Bryan na tila sumuko na. Mukhang natanggap na nito ang kapalaran nito.

“Siyanga pala, Derek, Joselito. Patuturuan  ko kayo kung paano ang trabaho ng waiter.”

Laglag ang mga balikat na tumango na lamang ang dalawa.

Kung saan-saan na napunta ang kanilang usapan nalayo na sa pustahan. He grinned inwardly. It seemed that his job was the easiest. The old man didn’t mention if he would have his training, too. Hah! He didn’t even need to take the task seriously. May bartender naman na si Tatay William. Baka ang gagawin lang niya ay umasiste rito.

Nang lumalim na ang gabi ay nagpaalam na sila. Palabas na siya ng pinto nang tawagin siya ni Tatay William.

“Maaga kang pumunta rito bukas. Darating iyong anak ng kapitbahay ko. Kailangan mong mag-aral na maghalo ng alak.”

Nalaglag ang kanyang mga panga.

“I CAN’T believe I’m hearing this!” Halos mag-hysteria na si Marielle sa labis na galit at sama ng loob. Kausap siya ng mga magulang niya sa loob ng study ng kanilang bahay.

Sino ba ang hindi maghi-hysteria? Nalaman na lang niyang ikakasal na pala siya sa isang lalaking hindi man lang niya nakikilala? Kung sa iba ay ayos lang sng arranged marriage, kanya ay hindi. Hindi niya kailangan ng kasal, at lalong hindi niya kailangan ang kung sinumang Poncio Pilato na iyon upang mapangasawa!

“Don’t you dare shout at me, Marielle,” banta ng kanyang inang si Rosalinda.

“I’m not shouting at you. T’m shouting at my situation.” Nahagod niya ang kanyang buhok. “Why me?”

“You don;r have a choice,” anang kanyang ama na si Rodolfo. “You will marry Angelo Salonga whether you like it or not.”

“Bakit ako? Bakit hindi na lang si Ate Mira? O si Maya?” aniya. Ang tinutukoy niya ay ang dalawang kapatid niyang babae. Ang Ate Mira niya ang panganay sa kanila, Si Maya naman ang kanilang bunso.

“Engaged na ang ate mo kay Mauricio. At masyadong abala si Maya sa negosyo,” paliwanag ng kanyang ina.

Pagak na natawa siya. She knew that would happen. Her parents always had an excuse for her two sisters. Wala nang bago. Kapag ang dalawang kapatid niya ang pag-uusapan, wala na siyang papel sa mga magulang niya. Kilala lang siya ng mga ito sa ganoong sitwasyon—kapag may kailangan ang mga ito sa kanya.

Subalit ang hinihingi ng mag ito ay hindi isanag simpleng bagay. Buhay at kaligayahan niya ang itataya ng mga ito.

Nais ng mga magulang niya na magkaroon ng shares of stocks sa Nexxus Alliance Group na isa sa pinaka-malaking kompanya sa bansa at halos pag-aari na iyon ng negosyanteng si Angelo Salonga. At upang magkaroon ang mga ito ng shares of stocks, siya ang magiging kapalit. Ipakakasal siya ng mga ito sa lalaki makuha lamang ang nais ng mga ito.

“At ano ba ako? Money making machine? Troubleshooter?” nadidismayang tanong niya. “Bakit ba nakikita lamang ninyo ako kapag malaking pera ang makukuha ninyo? Anak sin n’yo ako.”

“Makikinabang ka rin naman dito, Marielle. Kapag nakuha natin ang ten percent ng Nexxus, madali na sa atin ang lahat,” anang papa niya.

Siya? Makikinabang? Kailan ba siya nakinabang sa pera ng sariling kompanya nila? Lahat ng nakukuha niya ay bunga ng paghihirap niya. Ni minsan ay hindi niya ginamit ang pagiging anak ni Rodolfo Ignacio upang makuha ang anumang gusto niya.

Mabuti pa ang dalawang kapatid niya, walang tigil sa pagwaldas ng pera. Shopping, bili ng kotse, mamasyal sa ibang bansa—lahat ginagawa ng mga ito. Samantalang siya ang tagaayos ng gusot ng mga ito, ang tagapasok ng pera sa kompanya.

Matanda na ang Ate Mira niya pero isip-bata pa rin ito. Isa pa, hindi siya naniniwalang engaged na ito kay Mauricio dahil imposibleng matali ito sa isang lalaki. Mira Ignacio was a ramp model and she knew her sister liked all the men’s attention. Isa pa, alam niyang bawal mag-asawa ang mga modelo, lalo pa at may kontrata.

Si Maya naman ay kaya lang nagtatrabaho sa kompanya ay upang masabing may trabaho ito. They were in the elite circle. Maya didn’t want to be called a bum.

She knew her sisters. She knew them very well. Malamang sinabi nga mga ito sa kanilang mga magulang na siya na lang ang ipakasal kay Angelo Salonga. Alam naman niyang hindi rin pumayag ang mga ito sa gusto ng mga magulang nila.

“I won’t do it,” aniya, may pinalidad sa tinig. “If you really want the stocks, find another way. I won’t marry him.”

“Like I’ve said, Marielle, you will marry Angelo Salonga whether you like it or not,” matatag na turan ng kanyang papa. “Pupunta siya rito sa Sabado para makilala ka.”

Gusto niyang umiyak sa harap ng mga magulang niya. Buong buhay niya, parang isa lamang siyang kagamitan sa bahay na iyon. Dinaraan-daanan lang siya ng mga magulang niya at sinusulyapan. Madalas ay hindi pa. Ang nakikita lang ng kanyang ama ay si Maya na siyang paborito nito sa kanilang tatlo. Ang mama naman niya ay mahal na mahal ang kanyang Ate Mira. Ni hindi siya lumaking malapit sa mga magulang.

Ngayon, nakikita siya ng mga ito dahil gusto siyang ipakasal sa lalaking ni hindi niya alam ang hitsura.

She did everything to please them ever since she was young. Good grades, outstanding remarks, everything—just to make them notice her, just to catch some of their attention.

But she grew up failing.

And now they were asking for a big favor that might change her life. How could they be so cruel?

Naiinggit siya sa dalawang kapatid. Hindi naranasan ng mga ito ang naranasan niya. Kahit ano ang gawin niya, hindi siya pinapansin ng mga magulang nila. Palaging ang mga kapatid niya ang magaganda sa paningin ng mga ito. Palaging ang mga ito ang may puwang sa puso ng mga magulang nila. Bale-wala pa rin siya katulad ng isang tau-tauhan.

She loved her family. God knew it. But she couldn’t do everything just to make them happy. It was tiring. She was fed up.

She just wanted to be rebellious.

Baka mapansin na siya ng mga ito kung susuway siya. At malabong gawin niya ang nais ng mga ito.

“Bahala kayo.” Tumayo siya at iniwan ang mga ito.

Paglabas niya ng silid ay naroon ang mga kapatid niya, mukhang nakikinig sa usapan. Nilampasan lamang niya ang mga ito at tumuloy sa kanyang silid.

She would not marry any man because of money. She would not do such thing even if it would cause her to defy her parents.

Narinig niyang bumukas ang pinto. Hinayaan lamang niya iyon. Alam niyang ang mga kapatid niya ang pumasok.

Kailangan niyang makaisip ng paraan upang masolusyunan ang kanyang problema. Wala siyang balak na matali sa sinumang lalaki kung hindi rin niya ito mahal. At kahit anong paraan ay gagawin niya upang huwag matuloy ang balak ng kanyang mga magulang.

“Yelle,” pukaw ng ate niya sa kanya.

Kahit paborito ang dalawa ng mga magulang nila, kapatid pa rin niya ang mga ito. At kahit hindi siya malapit sa mga ito, alam niya at nararamdaman niya ang respeto sa kanilang tatlo.

“I’m not marrying him. I’m sorry kung itinuro ko kayong dalawa. Naiipit na ako,” aniya sa mga ito.

“I understand.” Umupo sa gilid ng kama ang Ate Mira niya. “What are you planning to do?”

“Hindi ko alam. Basta hindi ako magpapakasal, kahit ano’ng mangyari.”

“Bakit hindi mo subukan?” tanong ni Maya.

Hindi niya napigilang mainis dito. “Why don’t you try it and see for yourself?”

Hindi na siya nagulat sa sinabi ni Maya. Her sister was a Papa’s girl. No wonder she would agree to their father’s decision. At nasasabi nito ang bagay na iyon dahil wala ito sa sitwasyon niya.

“Why don’t you look at the brighter side, Yelle?” anang Ate Mira niya. “If you marry Angelo, you would be the queen of Nexxus. Makukuha mo ang lahat ng gusto mo.”

“I’m not listening,” she said flatly. “Please leave me alone. Gusto ko sanang mag-isip.”

Walang nagawa ang mga ito kundi iwan siya. Nahiga siya sa kama at tumitig sa kisame.

Brighter side, huh? Hindi siya tulad ng mga ito. Hindi niya kailangan ang pera ni Angelo Salonga. May sarili siyang pera. Hindi rin siya katulad ng mga kapatid niya na mahilig sa materyal na bagay. Hindi iyon ang gusto niya. At hindi rin niya kailangang maging reyna ng Nexxus para lang mapansin ng mga magulang niya.

Sawang-sawa na siya sa pagiging masunurin. Wala rin namang magandang naidulot iyon sa kanya. Hindi na siya magtataka kung pagkatapos makuha ng mga magulang niya ang stocks ng Nexxus ay wala na uli siyang papel sa mga ito.

Maybe it was time for her to forget what she wanted. She could never please her parents even if she married Angelo Salonga. She could never be a good daughter to them. Hindi naman kaligayahan niya ang dahilan kung bakit siya nais ipakasal ng mga ito kundi sariling ambisyon.

Maybe it was time to give herself a break—for being a good daughter. She wasn’t seeing any good from it anyway.

Make a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: