Chapter 6

Posted on October 20, 2010. Filed under: Stolen Heart |

KITANG-KITA ni Anica kung paano nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Xandrick. Mula sa matinding galit ay napalitan iyon ng pagkabigla. She shocked him. And that was good. Sinamantala niya ang pagkatulala nito. Isang malakas na piglas ang kanyang ginawa kaya nakawala ang mga braso niya mula sa pagkakahawak nito.

“You’re in love with me?” he asked incredulously.

“Of course not,” mariing tanggi niya. “Wala akong balak ma-in love sa katulad mo.”

“What the hell are you talking about then?” halatang naguguluhang tanong nito. At least, hindi na ito galit. “Kasasabi mo lang na in love ka sa akin.”

“Ang sabi ko, ang alam ni Kuya Aron ay in love ako sa iyo. Ang totoo, iyon ang alam ng buong pamilya ko,” naiinis pa ring sagot niya. “Pero hindi iyon totoo. I don’t even have plans of falling in love this year.”

Lalong kumunot ang noo nito sa isinagot niya. “Huwag mong sabihin sa akin na naka-schedule kung kailan ka mai-inlove?”

Dinig na dinig niya ang sarkasmo sa boses nito pero pinili niyang huwag patulan iyo. “Look, Xandrick. I’m sorry kung pati ikaw ay nadadamay sa kalokohan ng kapatid ko. Believe me, it’s harmless. Katulad ng sinabi ko sa iyo kanina, patas lumaban ang mga Cuervo. So please go home now and let me rest,” pigil ang inis na sabi niya.

“Okay. Uuwi ako pagkatapos mong sagutin ang huling tanong ko,” anito. “Bakit nila inakalang in love ka sa akin?”

“It’s a long story.”

“We have all night.”

“It’s none of your business.”

“I think it’s my business. Involved ako, remember?”

“Go to hell!”

“Would you be joining me?”

Tinitigan niya ito nang masama. Sa malas ay tila ayaw ring magpatalo nito. Pakiramdam niya ay pipigain siya nito kung kinakailangan para lang makuha ang sagot sa katanungan nito.

“Okay, sasabihin ko na,” sumusukong sabi niya. Walang mangyayari kung makikipagmatigasan siya rito. Baka umagahin sila sa labas ng pinto kung hindi niya pagbibigyan ito. “May family’s been hounding me to get married for a year now. At dahil wala akong boyfriend ngayon, walang ginawa ang mama ko kundi ireto ako sa mga binatang anak ng mga kaibigan niya. Last week, in one of our family gatherings, my bestdriend solved my problem by simply telling my family na in love na nga ako. Iyon nga lang, hindi ako pinapansin no’ng lalaki. At nang tanungin nila kung sino ang malas na lalaki, pangalan mo ang sinabi ni Yza. And only heaven know why she said yours.”

“And I’m supposed to believe that?” he said looking doubtful.

God! He was one paranoid man! “Huwag kang maniwala kung ayaw mo. Sinabi ko na sa iyo ang totoo kaya puwede ka nang umalis,” pagtataboy niya rito.

Muli ay tinitigan siya nito na parang pinag-aaralan ang katotohanan sa kanyang mga sinabi. “Kaya ka ba ibinubuyo sa akin ni Aron?” mayamaya ay sabi nito.

Napailing siya nang maalala ang kanyang Kuya Aron. Talagang gagawin nito ang lahat mapansin lang siya ng inaakala nitong mahal niya. “Oo. Ang sabi kasi ni Yza sa kanila, hindi mo ako pinapansin. Na hindi ka man lang aware na  nag-e-exist ako sa mundo.”

“That’s why Aron introduce you to me.”

“Yes,” sagot niya. “Pero`wag kang mag-alala. I’m planning to tell them I’m over you. Kaya nasisiguro kong titigilan ka na ni Kuya Aron.”

“Why such in a hurry?” Unti-unti nang ngumingiti ito. “I don’t mind.”

Sa kabila ng galit niya rito ay hindi niya napigilan ang sariling matawa. “No, thank you na lang.”

“Are you sure you’re not in love with me?”

He said the words so charmingly she didn’t have the heart to be angry at him.

“Ngumiti siya. “Positive,” sagot niya.

“Okay,” maikling sagot nito. “Kung ganoon ay uuwi na ako. Pasensiya ka na sa mga sinabi ko kanina.”

“Apologies accepted,” sagot niya. And she meant it. Hindi niya alam pero parang ang hirap talagang manatiling galit dito.

“Goodnight, Anica.”

“Goodnight.”

Pagtalikod nito ay hinarap niya ang pagbubukas ng kanyang pinto. Papasok na sa na siya nang bigla siyang tawagin ni Xandrick. Papalapit itong muli sa kanya, dala ang white roses na naiwan niya sa loob ng sasakyan nito.

“You forgot these.”

“Thank you.”

Ngumiti lang ito, pagkatapos ay tumalikod na. Nakakailang hakbang na ito nang maisipan niyang tawagin ito.

“Yes?” anito nang bumaling sa kanya.

“To set the record straight, I hate white roses.”

BAHAGYANG kinakabahan si Anica habang ipinapasok niya ang kotse sa loob ng bakuran ng tahanan ng kanyang mga magulang. Katulad ng sinabi niya kay Yza, nang araw na iyon ng Linggo niya sasabihin sa mga magulang niya na hindi na niya gusto si Xandrick.

Sinadya niyang hindi tumawag bago pumunta roon para maiwasan ang mga tanong ng kanyang mama. Mas mabuti nang sagutin niya iyon nang isang beses lamang, kaharap ang kanyang papa.

Sinalubong siya ng isa sa tatlong katulong nila at sinabing nasa garden ang kanyang mga magulang kasama ang Kuya Aron niya at ang bisita nito. Sa garden karaniwang kumakain ng tanghalian ang kanyang mga magulang dahil bukod sa mahangin doon, maaliwalas pa ang paligid.

Napangiti siya. Mukhang may babae na namang ipinakilala ang Kuya Aron niya sa kanilang mga magulang. Buwan-buwan na lang yata ay may bagong girlfriend itong dinadala roon. Minsan nga ay nagreklamo na ang kanilang mama dahil hindi na raw nito matandaan ang pangalan ng mga girlfriend ng Kuya Aron niya.

Papalabas pa lang siya sa garden ay naririnig na niya ang pagtawa ng kanyang papa at mama. Himala! Mukhang sa unang pagkakataon ay nagustuhan ng mga magulang nila ang babaeng ipinakilala sa mga ito ng kuya niya. Sa tuwina kasi ay may pintas ang mga ito sa mga ipinakikilalang babae ng kanyang kapatid.

Kung gusto ng mga magulang nila ang bagong girlfriend ng kuya niya, nasisiguro niyang magugustuhan din niya ito.

Isang malapad na ngiti ang inihanda niya paglabas na paglabas niya sa garden. “Hi, everybody!” bati niya sa mga ito. Ngunit ang ngiting iyon ay unti-unting napalis nang makita niya kung sino ang bisita ng Kuya Aron niya.

Oh my God!

“Anica, hija,” masayang bati ng kanyang mama. “Bakit hindi mo sinabing darating ka? Tamang-tama ang dating mo, may bisita ang Kuya Aron mo.”

Nooooooo!

“Anak, may sakit ka ba?” may pag-aalala sa tinig na tanong ng papa niya. “Parang namumutla ka.”

Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Si Xandrick Jemosa! Ito ang bisita ng Kuya Aron niya. Ito ang kasama ng kanyang mga magulang. Paano nangyari iyon? Bakit naroroon ang lalaki? Nakaupo ito roon at pinanonood siya na para bang pinipigil ang sariling tumawa.

“Anica!” halos  sabay-sabay na tawag sa kanya ng kanyang papa, mama at Kuya Aron.

Noon lang siya parang natauhan. I-I’m okay, `Pa,” parang nanghihinang sagot niya. “Gutom lang siguro ako.”

“Halika rito at kumain ka na,” nag-aalalang sabi ng kanyang mama. “Iyan na nga ba ang sinasabi ko sa kakapilit mong bumukod. Napapabayaan mo na ang sarili mo sa sobrang subsob mo sa trabaho.”

“`Ma, mamaya mo na lang sermunan si Anica. May bisita tayo,” paalala ng Kuya Aron niya.

“Oh, I’m sorry, hijo,” hinging-paumanhin ng kanyang mama kay Xandrick.

“Masyado lang akong nag-aalala para dito sa bunso ko. Masyado kasing dedicated si Anica sa trabaho niya kaya madalas ay hindi na kumakain. I’ very proud of my daughter. She’s very responsible and hardworking. Mabait na bata rin `yan.”

“At maganda pa,” dugtong ng kanyang papa.

She rolled her eyes. Daig pa niya ang isang batang nakatanggap ng medalya kung purihin ng kanyang mga magulang. Tanga lang ang hindi makakahalatang ibinebenta siya ng mga ito kay Xandrick.

Nang tingnan niya ang lalaki, waring hindi nito nahahalata ang mga nangyayari. Napaismid siya. Ang galing namang artista ng lalaking ito! Playing innocent, as if walang alam sa mga nangyayari.

Nang tingnan niya ang Kuya Aron niya, halos mangiwi ang mukha nito sa pagpipigil na tumawa. Pasimpleng sinipa niya ang paa nito sa ilalim ng mesa, pagkatapos ay pinandilatan ito. Nagkibit-balikat lang ito, pilit na inayos ang mukha.

“Anica?”

Bumaling siya sa kanyang mama. “Yes, Mama?”

“Mahilig pala si Xandrick na mag-mountain climbing. Hindi ba’t ikaw rin?” tanong nito. Sasagot pa sana siya pero lumipat na ang atensiyon nito kay Xandrick. “Dati nga’y laging nagyayaya si Anica sa mga kuya niya na umakyat sa bundok pero iba ang hilig ng mga anak kong lalaki.”

Goodness! She was eight or nine years old when she got the notion that climbing rocks was fun. Certainly she wouldn’t do that now.”

“Magaling ding magluto ang batang iyan.” Her mama beamed. “Specialty niya ang higado at dinuguan.”

“Talaga po?” kunwari ay interesadong sabi ni Xandrick. “Wala sa hitsura niya na marunong siya sa kusina.”

“Not only that, she’s—”

Hindi na niya napigil ang sarili. Bago pa man naituloy ng kanyang mama ang sasabihin nito ay tumayo na siya. “I’ll go get the dessert,” she blurted out.

Sabay-sabay napatingin sa kanya ang kanyang mga magulang at kapatid. Halatang nagulat ang mga ito sa biglang pagtayo niya. Si Xandrick naman ay ngingiti-ngiti lang. “Puwede ba akong sumama? I need to use your restroom.”

“Sure,” she answered between gritted teeth. Pagkatapos ay nauna na siyang pumasok sa loob ng bahay. Hinintay niyang makarating sila sa loob ng kusina kung saan walang makakarinig o makakakita sa kanila bago niya ito hinarap.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” she demanded.

Xandrick shrugged. Inimbitahan ako ni Aron. At since matagal-tagal na rin akong hindi nakakakain ng lutong-bahay, naisipan kong sumama.”

“Hindi ka ba natatatakot na pakana na naman ito ng pamilya ko para makuha ang kompanya mo?” she sarcastically asked.

“Ikaw na mismo ang nagsabi na hindi ganoon ang pamilya mo.”

Naiinis na binuksan niya ang refrigerator at kinuha ang salad bowl na naroon. Sinilip muna niya iyon bago inilabas. “Sinabi ko na sa iyo kung ano ang sitwasyon ko rito sa bahay. Bakit ka pa sumama rito? Lalo mo lang pinalalala ang sitwasyon. Now my mother would expect something more.”

“I’m sorry, I didn’t realize I’m not welcome here,” sagot nito. Ngunit nang tingnan niya ito ay parang hindi naman ito apektado.

“Alam mo kung ano’ng sinasabi ko kaya huwag ka nang magkunwaring hindi mo ako naiintindihan,” aniya. Kumuha siya ng mas maliit na lalagyan at nagsalin doon ng salad. “Don’t do this, Xandrick. Don’t play the nice guy in front of my parents.”

“You want me to be rude to them?”

“Of course not!” Naiinis na iniwan niya ang ginagawa at hinarap ito. “Ayaw ko lang na lalo ka nilang ibuyo sa akin. God! Daig ko pa ang paninda sa palengke kung ibida nila sa iyo.”

“Gusto ka lang nilang makitang masaya.”

“I know… I know…” Nanghihinang sumandal siya sa refrigerator. “Alam kong ginagawa nila ito dahil mahal na mahal nila ako. Pero kasi…”

Dahan-dahang lumapit ito sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi. Pakiramdam niya ay may mumunting kuryenteng gumapang mula sa kamay nito papunta sa kanyang balat. But instead of turning away, she let him continue touching her face.

“Sshh. You don’t have to explain.” Nang alisin nito ang kamay sa kanyang pisngi ay pilit na sinupi niya ang panghihinayang na unti-unting nararamdaman niya.

What’s happening to me? naguguluhang tanong niya sa sarili. “Do you want me to leave?” tanong ni Xandrick.

“I… I…” God! Ayaw niyang umalis ito! Ayaw niyang aminin dito pero ang totoo ay natuwa siya nang makitang nagustuhan ito ng kanyang mga magulang. Mahirap i-please ang kanyang mga magulang pagdating sa pakikipagrelasyon nilang magkakapatid. Hindi madali para sa nakarelasyon nila ang makipaglapit sa mga ito.

Pero nagawang paamuin ni Xandrick ang mga ito. Aprubado ang mga ito sa lalaki para sa kanya. Napagtagumpayan nito ang pinakamabigat na pagsubok para tanggapin sa kanilang pamilya. At dahil doon ay hindi niya mapigil ang sariling humanga rito.

“Yes or no, Anica?” mahinang tanong nito.

Oh, what the heck! Ano naman kung aminin niya ang totoo?

“No, I don’t want you to leave,” mahina ring sagot niya.

“Then just play along,” nakangiting sabi nito, halatang natuwa sa kanyang sinabi. “Gaano ba kahirap magkunwaring mahal mo ako?” kapagkuwan ay biro nito.

Not very hard, sa isip-isip niya.

“Xandrick…”

“Yes?”

“May I ask you a question? Personal masyado at kung ayaw mong sagutin, ayos lang. Maiintindihan naman kita.”

Go ahead.”

Tumalikod siya at hinarap muli ang pagsasalin ng salad sa bowl. Pakiramdam niya ay bigla siyang nawalan ng lakas ng loob na itanong ang gustong malaman. Pero baka hindi siya makatulog mamayang gabi kung hindi niya malalaman ang sagot nito.

“Anica?” untag nito sa kanya.

“Si… I mean… ano mo si Suzzaine?”

Mabuti na lamang at nakatalikod siya rito. Pakiramdam kasi niya ay nag-iinit ang kanyang mukha dahil sa pagkapahiya. Kailan pa siya nakialam sa buhay ng may buhay?

“Hindi ko siya girlfriend kung iyan ang iniisip mo,” sagot nito. “She was introduced to me by our mutual friend. Pero hindi ko siya naging girlfriend o niligawan man lang.”

Nakakunot ang noo niya nang humarap siya rito. “Pardon me for bringing this up, but the last time I saw the two of you together, Suzzaine barely had her clothes on.”

“Siguro naman, alam mo na ang reputasyon ni Suzzaine,” tila bale-walang sagot nito. Prente nang nakaupo ito sa isang kitchen stool. “Gagawin niya ang lahat makuha lang ang gusto. At sa ngayon, ako ang gusto niya. Nagwawala siya nang umagang iyon, galit na galit dahil sinabing kong hindi ako interesado sa kanya. she broke every damn glass in the kitchen. Out of desperation, she removed her top and tried to seduce me.”

“How about those other women?”

“Believe it or not, wala akong relasyon sa kahit kanino sa kanila.”

She snorted with disbelief. Tumawa ito. “Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito nang hindi ako nagmumukhang mayabang. I guess I just have to say it as simple as I can. Here it goes. Guwapo kasi ako kaya maraming nagkakagusto sa akin.”

Ang lakas ng tawa nito nang makita nito ang reaksyon ng mukha niya. Unti-unting napangiti siya nang makita ang saya sa mukha nito. “Kung tapos ka nang purihin ang sarili mo ay puwede mo nang sagutin ang tanong ko.”

Ilang saglit pang tumawa ito bago tuluyang huminto. “Wala talaga akong relasyon sa kanila,” sagot nito. “Pero tulad ni Suzzaine, hindi nila matanggap na hindi ako interesado sa kanila. Wala akong interes sa babaeng ang tanging alam sa buhay ay sabayan ang fashion trend at shopping.”

Surprisingly, gumaan ang kanyang pakiramdam.

“Am I off the hook?”

“What?”

“Malinis na ba ang pangalan ko sa paningin mo?”

“Xandrick, hindi naman mahalaga ang opinyon ko para sa iyo,” sagot niya.

“Iyan ang sabi mo pero iba ang iniisip ko.”

“What do you mean?”

Tumayo ito at dahan-dahang lumapit sa kanya. He stood so close in front of her, leaving her no choice but to tilt her chin up so she could face him. “Mahalaga sa akin ang opinyon mo tungkol sa pagkatao ko.”

She should step away from him, pero parang may magnet ang katawan nito kay hindi niya magawang lumayo. She looked into his beautiful eyes.

“Why?” she asked.

“Because of this.” Dahan-dahang bumaba ang mga labi nito papunta sa mga labi niya.

Isinisigaw ng isip niya na umatras at sampalin ito sa kapangahasan nito. Pero hindi iyon ang ginawa ng kanyang katawan. Napapikit siya at hinintay ang paglapat ng mga labi nito sa kanya.

Everything stopped when their lips finally met. Walang mahalaga sa kanya nang mga sandaling iyon kundi ang halik at ang lalaking gumagawa niyon. He touched her face with one hand and embraced her with the other. She moaned.

Her knees went weak when he finally ended the kiss. He smiled and released her. Pagkatapos ay walang salitang lumabas ito ng kusina.

Noon unti-unting bumalik sa katinuan ang kanyang isip. Goodness! Anong kabaliwan ang pumasok sa isip niya at pumayag siyang magpahalik kay Xandrick?

I’m screwed!

Make a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: