Chapter 5

Posted on October 16, 2010. Filed under: Stolen Heart |

ILANG minuto nang nakatayo si Anica sa harap ng pinto ng suite ni Xandrick pero hanggang nang mga sandaling iyon ay hindi pa rin niya makuhang kumatok. Hindi pa rin kasi matanggal-tanggal sa isip niya ang insidenteng nangyari nang huli siyang pumasok doon.

“Ano ka ba, Anica?” sita niya sa sarili. Ibibigay mo lang naman ang folder na ito, hindi ka magtatagal sa loob. In fact, you don’t even have to go inside. Just hand it over to him as soon as he opens the door.”

“Sino’ng kausap mo riyan, Anica?”

Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang marinig ang boses ng isang lalaki sa kanyang likuran. Again she almost cursed herself for not calling up first before going up there. Akalain ba niyang lumabas na si Xandrick ng suite nito? It was only nine o’clock in the morning.

“I was just talking to myself,” simpleng sagot niya habang pilit na itinatago ang kanyang pagkapahiya. “Anyway, ipinabibigay ito ni Kuya Aron sa iyo. Nakalimutan niyang ibigay iayn sa iyo kagabi.”

Walang salitang kinuha nito ang folder. Binuklat nito iyon at pinasadahan ng tingin ang laman bago muling tumingin sa kanya. “Would you like to join me for a cup of coffee?”

“Ha?” gulat na wika niya.

“Iniimbitahan kitang magkape,” he restated.

“I know,” naiinis na sagot niya. “Nakakaintindi ako ng Ingles.”

“So?”

“So?” ulit niya. “So what?”

Tumingin ito sa kanya na para bang nagdududa kung totoo ang sinabi niyang nakakaintindi siya ng Ingles.

He heaved out an impatient sigh. “So would you accept? O gusto mong maubos ang maghapon sa kakaulit mo sa mga sinasabi ko?”

She could almost feel her blood rushing through her head. Bastos! Presko! Insufferable! Ibinuka niya ang kanyang bibig para bigyan ito ng leksiyon nang makita ang bahagyang pag-angat ng mga labi nito. Hell! He was teasing her!

“No thank you,” tanggi niya. “Marami pa akong gagawin. I have to go. Kung may tanong ka raw regarding sa files na iyan, tawagan mo lang si Kuya Aron.”

Hindi na niya hinintay na sumagot pa ito. Tumalikod na siya at humakbang patungo sa elevator. Paghinto niya sa tapat niyon, halos mapasigaw siyang muli sa gulat nang makitang sinundan pala siya ni Xandrick sa halip na pumasok sa suite nito.

Hinarap niya ito, hindi na napigilan ang inis. “Hindi ka ba marunong gumawa ng kahit kaunting ingay?” sita niya rito. “You almost scared me out of my skin! And that’s twice this morning.”

Tiningnan lang siya nito, tila walang interest sagutin ang kanyang tanong.

Huminga siya ng malalim. At nang muling makabawi ay taas-noong hinarap ito. General manager siya ng hotel na iyon, she deserved respect even from guests. “May maipaglilingkod pa ba akop sa iyo, Mr Jemosa?”

A slow, lazy grin suddenly spread across his face. Kung noon ay hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng “mesmerizing smile,” nasisiguro niyang alam na alam na niya. His smile took her breath away.

“You could…” He left his words hanging while slowly… very slowly, his eyes roamed all over her body, staring momentarily at her chest. “Definitely so something for me.”

Isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa kaliwang pisngi nito. “How dare you!” Halos hindi lumabas sa pagitan ng mga ngipin niya ang mga salita dahil sa sobrang galit niya.

Dahan-dahang ibinaling muli nito ang mukha paharap sa kanya. Pagkatapos ay nakakalokong ngumiti ito. Umangat ang kanyang kamay para muling sampalin ito pero agad na pinigil niya ang sarili nang marinig ang pagtunog ng elevator, senyales na may bababa sa floor na iyon.

Bagama’t galit na galit, hindi pa rin niya nakalimutang batiin ang mag-asawang guest na lumabas ng elevator, pagkatapos ay dali-daling pumasok siya roon at pinindot ang Close button.

NAGPUPUYOS sa galit si Anica habang palakad-lakad siya sa loob ng kanyang opisina. That man! Ano ang karapatan nitong bastusin siya nang ganoon? He scanned her body as if she was a common slut!

Huminga siya nang malalim para kalmahin ang sarili. she didn’t know what came over her. Sanay siya sa mga guests na may pagkapresko at bastos. Kung tutuusin, hindi pa malala ang ginawa ni Xandrick kompara sa na-experience niya sa ibang lalaking guests. She always maintained her icy coolness when dealing with guests—formal yet polite. Pero bakit bigla-bigla ay nawalan siya ng kontrol sa sarili at sinampal niya ito?

Maybe because she didn’t expect that from him.

May kung anong init ang gumapang sa kanyang pisngi pababa sa kanyang katawan nang maalala ang matamang titig na ibinigay nito sa kanyang katawan. He smiled when he was finished scanning her, like he was satisfied with what he saw.

Naiinis na naupo siya sa swivel chair. Bakit nagpapaapekto siya sa isang simpleng tingin lang? Hindi siya mayabang pero alam niya sa sariling may angking ganda ang kanyang mukha at katawan, kaya sanay na siya sa mga humahangang tingin ng mga lalaki. Pero noon lamang siya naapektuhan nang ganoon.

Goodness! At kay Xandrick Jemosa pa!

HINDI mapigil ni Xandrick ang mapangiti habang hinihimas ang namumulang pisngi. Anica Cuervo had a strong right arm, he mused. Alam niyang hindi niya dapat ginalit ito. Hindi lang ito ang general manager ng hotel na kanyang tinutuluyan, ito rin ay kapatid ng may-ari ng kompanyang mahigpit na kakompetensiya niya. The same company which wanted to buy his company.

Hell! Sa umpisa pa lang ay ipinaalam na niya kay Aron Cuervo na wala siyang balak ipagbili ang kompanyang pinagsikapan nilang itayo ng kanyang papa. But the guy didn’t seem to know  the meaning of “no”. Patuloy pa rin itoi sa pagsuyo sa kanya, sa pagre-request ng business appointments kapag nasa Maynila siya at sa pag-offer ng pataas nang pataas na halaga kapalit ng kanyang kompanya.

As for Anica, well, masisisi ba niya ang kanyang sarili kung pagdudahan niya ito? Aron had tried all tricks to persuade him to sell his company, pero matigas na “hindi” pa rin ang sagot niya. Paano kung isa na naman iyon sa tricks nito para mapapayag siya? Did Aron really think he could easily be persuaded by a beautiful woman alone?

Somehow, parang hindi niya kayang paniwalaan iyon. Kakompetensiya niya ang mga Cuervo pagdating sa negosyo pero alam niyang patas lumaban ang mga ito. They were tough; still they were honest and good men.

But I can never be too sure.

And that left Anica in his “doubt” list.

Napapitlag siya mula sa pag-iisip nang marinig ang pag-ring ng telepono. Dali-daling dinampot niya iyon at sinagot.

“Hello?”

“Xandrick, si Martin ito.”

“O, Martin. Kumusta ang product development? May problema ba?” kunot-noong tanong niya.

Tumawa ang nasa kabilang linya. “Do you always expect a problem when you hear my voice on the phone?”

“Always,” nakangiting sagot niya sa kanyang kaibigan. “So, mayro’n bang problema?”

“Wala. In fact, I have good news for you.”

“Talaga?” Hindi niya mapigil ang excitement sa boses. “Stay there, papunta na ako riyan. This phone might be tapped.”

Agad na ibinaba niya ang telepono at lumabas ng suite. Sana nga ay maganda ang ibabalita ni Martin sa kanya. Ang tinutukoy nilang product development ay ang piyesa ng sasakyan na kasalukuyan nilang dine-develop. Sila ang gagawa ng specification niyon at ipapadala iyon sa contact nilang supplier sa Japan. Highly confidential ang proyektong iyon kaya ayaw niyang makipagsapalaran sa paggamit ng telepono habang pinag-uusapan nila ni Martin ang specification ng piyesa.

Ang alam na lahat ay inaasikaso niya ang pagpapatayo ng branch kaya siya buwan-buwang pumupunta saMaynila. Ang hindi alam ng lahat ay inaasikaso nila ni Martin ang kanilang proyekto. Kapag nagtagumpay sila sa kanilang plano, siguradong malaking halaga ang kanilang makukuha. At iyon ang magiging daan para maisakatuparan nila ang kanilang planong mag-expand ng business hanggang sa Maynila.

Papalabas na siya ng lobby nang makita niya si Anica na may kausap na isang guest. Napangiti siya nang muling maalala ang galit na galit na mukha nito nang sampali siya. Man, she was more beautiful when she was angry!

Nagtama ang kanilang mga paningin. And before he could help it, he winked at her.

“BAKIT masyado ka yatang tahimik ngayon?” nagdududang tanong ni Yza kay Anica. Kasalukuyan silang kumakain sa Latino, ang favorite restaurant nila.

“Wala lang,” sagot niya, kapagkuwan ay ipinagpatuloy ang pagkain. Ang totoo ay naalala niya si Xandrick. Nagawa pa nitong kindatan siya gayong wala pang isang oras mula nang bigyan siya ito ng isang malakas na sampal.

Kakaiba talaga ang lalaking iyon. He managed to make her angry, then amused her next.

“Sinungaling.”

“Yza…”

“Kumusta na si Xandrick?” nakakalokong tanong nito. “Naipakilala mo na ba siya sa parents mo?”

“Alam mong hindi mangyayari iyon kaya tigilan mo na ang pang-aasar,” malumanay na sagot niya. “And by the way, I’m going to tell them on Sunday that I’m over him. Kaya tigilan mo na ang pagtawag sa mama ko para magbalita ng kung anu-ano.”

“Hindi ako ang tumatawag sa kanya. Siya ang tumatawag sa akin para makibalita,” depensa nito. Nang tingnan niya ito nang masama ay ngumiti ito nang matamis. “Okay, okay. Ako ang tumatawag sa kanya. Pero, Anica, you don’t honestly expect me to just sit back while you take my jewelry, do you?”

“No, I don’t,” sagot niya. “But please, leave my family alone. Kapag hindi mo sila tinigilan, ako naman ang hindi nila titigilan sa kakakulit kung kailan ako mag-aasawa.”

“Iyon nga ang gusto kong mangyari.”

“I will not give up my tiara,” she said with a shrug. “Kaya `wag mo nang pagurin ang sarili mo sa kakaisip kung paano ka mananalo.”

Dinampot nito ang baso ng juice nito at dahan-dahang uminom habang tinititigan siya. “Immuned ka ba talaga kay Xandrick? He’s gorgeous. He’s rich, he’s—”

“He’s an insufferable brute,” pagtatapos niya sa litanya nito. Nang tumingin siya rito ay agad na nagsisi siya sa kanyang sinabi.

“What do you mean by that?” nakangiting tanong nito. “Nagkausap na ba kayo? Magkakilala na kayo? Bakit hindi mo ikinukuwento sa akin?”

Wala siyang nagawa kundi ang ikuwento rito ang lahat ng engkuwentro nila ni Xandrick. Wala siyang iniwang kahit isang detalye dahil nais niyang makita nito ang kasamaan ng ugali ng lalaking iyon.

“Oh, my gosh! Nakita mo talaga si Suzzaine na ipinipilit ang sarili kay Xandrick? I can’t believe it.” Waring tuwang-tuwa ito sa “tsismis” na nalaman.

“Oo at hindi mo ikukuwento iyan kahit kanino.”

Kitang-kita niya ang panghihinayang sa mukha nito. Tuloy ay hindi niya napigil ang matawa. “Goodness, Yza! You’re such a grapevine.”

“Only because I’m so bored,” nakangiting sagot nito.

Lumapit sa kanila ang isang waiter. “Ma’am, may nagpapabigay po sa inyo,” anito sa kanya.

Nagulat man ay inabot niya ang isang pumpon ng puting rosas na ibinigay nito. “Kanino galing ito?” nagtatakang tanong niya.

“Sa kanya po.”

Sinundan niya ang mesang itinuro ng waiter at laking gulat niya nang makilala kung sino ang nakaupo roon.

It was Xandrick. And with him was her grinning brother Aron!

Lord! Parang gusto niyang lumubog sa kahihiyan!

HINDI alam ni Anica kung paano nangyari pero dahil sa pasimpleng pagpipilit at pambubuyo ni Yza at ng Kuya Aron niya, nauwi ang lahat sa paghahatid sa kanya ni Xandrick sa kanyang town house. Hindi siya mapakali habang sakay ng kotse ng lalaki dahil alam niyang napilitan lamang ito sa paghahatid sa kanya. Laking pagsisisi tuloy niya at tinamad siyang dalhin ang sariling sasakyan, di sana ay hindi niya kasama ang lalaking ito.

“Anica…” tawag nito sa pansin niya. “I’m sorry for what I did earlier. It was rude of me.”

“Okay lang. Let’s just forget about it,” maikling tugon niya.

“Then try to relax. I promise I won’t bite,” pabirong sabi nito.

Pinilit niyang sundin ang payo nito na mag-relax. Tutal ay mukhang sincere naman ito sa paghingi ng tawad at mukhang wala ring nahalata ito sa pinaggagawa ng kanyang kapatid at best friend. She would just pretend he was too stupid to notice anything.

Nang sa wakas ay makarating sila sa town house niya ay dali-daling nagpasalamat siya rito. Akmang bababa na siya ng kotse nang bigla siyang pigilan nito.

“Why?” tanong niya.

“Nagtataka lang ako,” anito. I stay in your hotel every time I come to Manila. Pero bakit ngayon lang yata ako nagkaroon ng pribilehiyong makaharap ang general manager? Lahat ba ng guest ay dinadalaw mo?”

Napakunot ang noo niya sa tanong nito. Ano naman ang kataka-taka roon? “Hindi. Dinadalaw ko lang ang guest kung kinakailangan. O `di kaya ay sobrang importanteng tao. Sa dami kasi ng ginagawa ko, hindi ko na kayang harapin pa lahat ng guest sa hotel. Ipinauubaya ko na iyon sa mga supervisors at ibang staff.”

“So, why bother with me now? I’m not that important.”

“Every guest is important in our hotel, but some are just more important than others,” depensa niya sa inaakalang kasiraan sa sinabi niya. “At kaya naman napadalas ang pagkikita natin ay dahil kay Kuya Aron.”

Sukat doon ay biglang naningkit ang mga mata nito. Kung hindi siya nagkakamali, parang nagalit ito. May nasabi ba siyang hindi maganda?

“Precisely. Ano ba ang ipinagagawa sa iyo ni Aron?”

“Hindi kita maintindihan,” nagtatakang sabi niya.

“Don’t play games with me, Anica. Akala mo ba, hindi ko nahahalatang halos ipagduldulan ka ng kapatid mo sa akin?”

Biglang gumapang ang init sa kanyang mukha. Pakiramdam niya ay namumula pati anit niya dahil sa pakapahiya.

Who was she fooling? This man was far from being stupid.

“Answer mw,” he demanded impatiently.

“I-I didn’t realize that—”

“Answer me honestly, Anica,” he said with a hint of threat in his voice.

Patay na! Ano ang sasabihin niya? Alangan namang aminin niya rito ang totoo?

“Anica?”

“Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo!” mariing sagot niya, pagkatapos ay ibinaling niya ang namumula pa ring mukha sa labas ng bintana ng sasakyan. Mabuti na lamang at madilim na, kung hindi ay siguradong mapapansin nito ang pamumula ng kanyang mukha.

“Is your brother ordering you to spy on me?” Dumagundong ang boses nito nang muling magtanong. “Akala ba niya ay mapapayag niya ako kapag ikaw na ang humikayat sa akin?”

“What?” gulat na gulat na tanong niya. “Are you insane? Ano’ng akala mo sa kapatid ko, hindi marunong lumaban nang patas? Para sabihin ko sa iyo, Mr. Jemosa, respetado ang pamilya ko sa business world. Hindi gawain ng kahit na sinong Cuervo ang manlinlang makaangat lang sa negosyo. We don’t stoop down for money.” Halos lumabas ang mga litid niya sa leeg dahil sa tindi ng inis dito.

How dare him accuse her and her brother. Matagal na ang negosyo ng pamilya nila at kahit kailan ay wala silang sinagasaang tao. How dare him!

“Kung ganoon, bakit halos ipagtulakan ka ni Aron sa akin?” naghahamong tanong nito sa kanya. Halatang hindi ito naniwala sa mga sinabi niya. “Pagpasok pa lang ninyo ni Yza sa restaurant kanina, nag-umpisa na siyang magparinig kung gaano mo kagusto ang white roses. And he didn’t stop until I ordered those damn flowers!”

Kung hindi lang siya galit na galit ay baka napahiya na siya sa pinanggagawa ng kanyang Kuya Aron. She was never a violent person. Pero nang mga sandaling iyon ay parang nagkulay-dugo ang paligid sa paningin niya. She wanted to slice off Xandrick’s ear!

Sa halip na makipagtalo rito ay agad na bumaba siya ng sasakyan. Mahirap na, baka hindi siya makapagpigil ay masakal niya ang lalaking ito.

Tuluy-tuloy siya sa pinto ng kanyang town house. Nang lingunin niya si Xandrick, nakita niyang bumaba na rin ito ng sasakyan at galit na lumapit ito sa kanya. Parang gusto tuloy niyang magsisi kung bakit walang gate ang town house na binili niya. Di sana ay madali niyang masasaraduhan ito ng gate.

“Anica!”

She sighed and turn around to face him. gusto nito ng giyera, puwes ibibigay niya ang gusto nito. “What?” galit na sabi niya.

“Don’t you ever turned your back on me again when I’m talking to you,” he ordered.

“Bakit? Tatay ba kita?” pamimilosopo niya.

“Just answer me, dammit!” galit pa ring sabi nito. Biglang hinila siya nito sa kanyang braso. What the hell is your brother uo to?”

Lalong nadagdagan ang galit niya nang makaramdam ng sakit dahil sa ginawa nito. “Bitiwan mo ako!” sigaw niya habang nagpupumiglas.

“Answer me!” nanggagalaiting sigaw rin nito.

“Because he thinks I’m in love with you, dammit!”

Make a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: