Chapter 2

Posted on October 15, 2010. Filed under: Kahit Maputi Na ang Buhok Ko |

NAPABALIKWAS ng bangon si Ginger nang mapanaginipan na naman niya ang pag-uusap nila ni Ulysses dalawang araw na ang nakaraan. Pagkatapos siyang sabihan nito na maganda ay pumasok na ito sa apartment nito. Naiwan siyang nakaawang ang bibig. Ni sa panaginip ay hindi niya naisip na mangyayari iyon.

“Beautiful… I never thought you’re beautiful…”

Paulit-ulit na umuukilkil sa isip niya ang pangungusap na iyon. Parang magandang linya sa pelikula iyon na hindi niya makalimutan. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil natahimik siya nang sabihin ni Ulysses iyon. Pakiramdam pa nga niya ay huminto sa paggalaw ang lahat, na tanging sila lamang nito ang may buhay sa mundo. It was as if it was the perfect and sweetest time she had ever had. And it was so weird. Bakit siya kikiligin nang ganoon sa simpleng mga katagang iyon? Kung iisipin mabuti, lumalabas na iniinsulto siya ng supladong iyon.

The man never thought she was beautiful. Kung ganoon ay ano kaya ang ibig ipakahulugan nito? Na dati ay pangit siya at hindi kaakit-akit? Ang ibig bang sabihin, the whole time na nagkikita sila at nagkakasalubong ay pangit ang tingin nito sa kanya? The nerve of that man!

Hindi tuloy siya mapakali. Ni hindi man lang niya ito natanong kung ano ang nais nitong ipakahulugan sa sinabi nito. Sa halip ay para siyang timang na tumitig dito. At bakit dalawang gabi na niya itong napapanaginipan? Nakasuot daw ito ng damit ng isang prinsipe habang siya ay nakasuot ng magarbong gown. Worst, ikinakasal silang dalawa ni Ulysses sa panaginip niya.

Eeeww! Yuck! How cheap could she get? hindi niya maipaliwanag sa kanyang sarili kung bakit mula nang ma-usap sila sa terrace ay hindi na ito nawala sa isip niya. Parang gusto nga niyang idemanda ito dahil sa panggugulo nito sa isip at katinuan niya. Iyon ay kung hindi siya lalabas na kahiya-hiya kapag ginawa niya iyon. Natural na itataning sa kanya kung ano ang nagawa nitong offense. At tiyak na hindi katanggap-tanggap sa korte kapag sinabi niyang ginugulo nito ang isip at katahimikan niya dahil sinabihan siya nito na maganda.

Ipinilig niya ang kanyang ulo. Tama. Ayaw na niyang isipin ito. Kung makapagsalita ito ay akala mo kung sino. Ang akala yata nito ay napakaguwapo nito. Bakit? Ano ba ang hitsura niya nang titigan siya nito at masabi nito na maganda siya? Hindi pa siya naliligo noon, naka-clamp lang ang buhok niya, T-shirt at pajama lang ang suot niya. Ni wala siyang suot na ano mang burloloy  sa katawan. Wait a second. Exactly! Wala siyang suot na mga silver accessories. She wasn’t even wearing her shade of brown lipstick. Wala rin siyang makeup.

Yeah, right. Iyon ang unang beses na nakita siya ni Ulysses na very plain ang hitsura. But that was the time he realized she was beautiful. Weird. Maganda pala siya sa paningin nito kapag wala siyang kaayus-ayos. Grrr! Bakit ba kita pinag-aaksayahan ng panahon? naiinis na sabi ng isip niya. Humiga uli siya sa kama at tumitig sa kisame. Parang tukso na nakita na naman niya roon ang nakangising mukha ni Ulysses.

“Marami akong problema kaya puwede ba, tantanan mo ako? Leave me in peace, you brute!” wika niya na para bang nasa harap niya ang lalaking laman ng kanyang panaginip. “Hindi ko pa rin nakikita si Alex at paubos na ang pera ko kaya puwede ba, huwag ka nang dumagdag sa mga problema ko, damuho ka? I don’t want to think about you. I don’t want to dream about you. I don’t want to keep on analyzing why I couldn’t get you out of my mind. I don’t want to contemplate why it is a big deal to me whether you think I’m beautiful or not. Hah! In short, lubayan mo ako. I don’t—”

Napahinto siya sa paglilitanya nang marinig niyang tumunog ang kanyang cellphone. Hinayaan lamang niyang tumunog iyon dahil wala siya sa mood na makipag-usap sa kahit sino. Ngunit sadyang makulit ang tumatawag. At nang maisip niya na baka si Alex iyon ay bumalikwas siya ng bangon. Kinuha niya ang cellphone na nakapatong sa bedside table niya. Tama ang hinala niya. Si Alex nga ang caller niya. Pinindot niya ang Answer button.

“Where are you? Where have you been? Ano’ng nangyari sa iyo? Bakit hindi ka man lang nagpapakita sa akin at hindi ka man lang tumatawag? Alam mo namang mag-aalala ako. May nangyari bang masama? Apat na gabi na akong nagpapabalik-balik sa bar pero hindi ka na raw pumapasok doon. Alex, what is going on? Tell me what is the pro—”

“Ginger, listen…” putol nito sa pagsasalita niya. Narinig pa niya ang pagbuntong-hininga nito.

“What? Where are you?” tanong niya.

“Out here”

“Where?”

“Tagaytay.”

“Tagaytay? What the hell are you doing there?”

Huminga uli ito ng malalim. At dahil mukhang hindi ito sasagot ay nagtanong na naman siya ng sunud-sunod.

“Alex, I’m asking you. What are you doing in Tagaytay? Nag-resign ka na ba sa bar at diyan ka na nagtatrabaho? Bakit hindi mo man lang ipinaalam sa akin? Bakit hindi mo nabanggit sa akin na pupunta ka riyan? What? Aren’t you going to explain? Halos maloka na ako sa kakaisip kung ano ang nangyayari sa iyo. Para akong tanga na balik nang balik sa bar para lang magtanong kung nagpakita ka na ba o hindi pa. I’m worried about you.”

“Ginger—”

“Alex, what is happening? Please come back. I need you right now. Maraming mga nangyari mula nang huli tayong nagkita. Ang daming kong pinoproblema. Please come back. I need you here.”

“I’m getting married.”

“I need to talk to you. I need you to tell me that everything is going to be all right. I—”

“Ginger, did you hear what I said?”

Kumunot ang kanyang noo. Wala siyang narinig na sinabi nito dahil tuluy-tuloy ang pagsasalita niya. “What? Did you say something?” tanong niya rito.

“Yes,” mahinang sabi nito na para bang nag-aalala ito.

“What was it?”

“I’m… I’m—”

“You’re what? Tell me you’re not in jail.”

“No. Please listen,” anito.

“I’m listening.”

“I didn’t mean this to happen, Ginger,” wika nito pagkatapos ng mahabang sandali. “I did’nt… I didn’t plan this. It just happened and—”

“Go straight to the point, Alex. You know I had beating around the bush,” naiinip na sabi niya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin nito pero nagsisimula na siyang kabahan. Parang nararamdaman niya na hindi niya magugustuhan ang kung ano mang sasabihin nito. “Tell me straight what it is you want to tell me. ” Muli niyang narinig ang pagbuntong-hininga nito. This is not good, she thought.

“I’m getting married, Ginger,” anito sa mahinang tinig.

“You’re what?”

“I’m getting married. Abby, the woman I’m marrying, she’s… she’s pregnant.”

Napaawang ang bibig niya sa labis na pagkabigla. Hindi siya makapaniwalang pahkatapos ng pag-aalala at paghahanap niya rito ay iyon pa ang ibabalita nito sa kanya. “Is this some kind of a joke? Who the hell is Abby?” galit nang tanong niya. Kung nasa harap lamang niya ito ay baka nasampal na niya ito.

“I met her in the bar.”

“And you got her pregnant?”

“I’m sorry, Ginger. I—”

“I couldn’t believe you’re telling me this, you jerk! Pagkatapos kitang ipaglaban sa papa ko? Pagkatapos kong umalis ng bahay dahil pinili kita, ito pa ang sasabihin mo sa akin ngayon? Alex, hindi mo puwedeng gawin sa akin ito. Naririnig mo ba ako?”

“I’m sorry.”

“Sorry? Sorry and you’re done with me? Gano’n lang ba iyon? After all what I have been through because of choosing you, all I got now is a sorry? Are you kidding me?” sigaw niya rito. Isipin pa lang niya na makakarating sa papa niya ang nangyayari sa kanya ay halos sumabog na ang dibdib niya sa sobrang galit kay Alex. Mapapahiya siya sa kanyang ama. Ipinaglaban niya si Alex pero bibigyan lang pala siya nito ng malaking kahihiyan.

Nasaan na ang pag-ibig na ipinangako nito sa kanya? Nasaan na ang pangako nito na hindi siya nito iiwan ano man ang mangyari? Na mananatili ito sa tabi niya? Just to find out that all the time he was telling her that, he was screwing another woman. “Tell me this is not real, Alex.” Halos magmakaawa siya rito. “Tell me you cannot do this to me. Tell me!”

“Ginger, it’s final.”

Pinigilan niya ang kanyang mga luha. Sa halip ay pinatigas niya ang kanyang boses nang muling magsalita. “When?”

“What?”

“When exactly is the wedding ceremony?”

“Ginger, please don’t make a scene. Huwag mong ibaba ang sarili mo.”

“Hah! Don’t make me laugh, Alex,” aniyang  puno ng sarkasmo ang boses. “I just want to know when.”

“T-this Saturday.”

Two days from now, she thought. “Where?”

Napatangu-tango siya nang sabihin nito ang chapel na pagdarausan ng kasal nito.

“Ginger, I repeat, don’t make a scene. Alam kong hindi ka ganoong klase ng babae,” wika nito.

Napangisi siya. How dare him assess her like that! Hindi siya papayag na maisahan na lang nang ganoon. Hindi siya makakapayag na basta-basta na lang siya iwan ni Alex. Hindi pa nga siya nito kilala. “You’re right. Hindi ako ang tipo ng babae na pupunta sa kasal ng isang walang kuwentang lalaki para manggulo. That’s not my cup of tea.”

“Yeah, I know taht.” Tila nakahinga ito nang maluwag. “May pinagsamahan din naman tayo at masakit para sa akin na nangyari ang lahat ng ito.”

Naglatang ang galit sa dibdib niya. She knew Alex wasn’t sincere when he said those words. She felt it. hindi siya makapaniwala kung paano siya napaniwala nito nang sabihin nito na mahal siya nito at mananatili ito sa tabi niya hanggang wakas. Masakit man ay naisip niyang marahil minahal lang siya nito dahil sa kanyang pera.

“Ginger, don’t be harsh on yourself, okay? Tanggapin na lang natin na hindi tayo para sa isa’t isa. Hindi ko puwedeng takbuhan ang responsibilidad ko kay Abby. I’m sorry for hurting you like this. I—”

“Are you insinuating I’m going to commit suicide just because you’re going to marry someone else?”

“Well—”

“Well, you’re wrong, Alex. Kung ayaw mo sa akin, fine with me. I wish you and Barbie well.”

“It’s ‘Abby,'” pagtatama nito.

“Whatever. Good luck!” Pinindot na niya ang End call button ng cellphone. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga dahil nanikip ang kanyang dibdib. Nanghihinang napasandal siya sa headboard. Galit ang nararamdaman niya para kay Alex.

She knew he was just pretending. He was putting her on. Noon niya napatunayang tama nag impresyon dito ng kanyang papa. Oportunista ito. Nagsimula lang naman ang panlalamig sa kanya ni Alex nang i-freeze ng papa niya ang bank account niya at wala na siyang pera.

She hated him more just thinking her father would laugh at her. Magkakaroon ito ng dahilan pagtawanan siya. Sasabihin nito na all the while ay alam nitong siya ang lalabas na mali at talunan. At igigiit na naman nito na ito ang dapat pumili ng lalaking dapat niyang pakasalan.

Hindi siya papayag na basta na lang sila matatapos ni Alex sa ganoon. Kung inaakala nito na wala sa kalibre niya ang gumanti, puwes, nagkakamali ito. Hindi nito alam kung paano magalit ang isang Ginger de Belen.

Sa magkakahalong emosyon ay hindi na niya namalayang lumuluha na pala siya. Because the truth was, she was hurting. Ang akala niya ay natagpuan na niya sng kanyang prinsipe sa katauhan ni Alex. And she was so sure she had love him so much! Pero nagkamali siya.

“I’m going to get even,” aniya habang patuloy sa pagluha.

Make a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: