Chapter 10 (Final)

Posted on October 12, 2010. Filed under: Listen To Your Heart |

HUMINGA nang malalim si Lorin bago niya pinindot ang doorbell ng pinto sa bahay ni Chad. Alam niyang naroroon ito dahil nakaparada na sa garahe ang sasakyan nito. Ilang beses itong tumawag sa kanyang opisina pero kahit isa sa mga tawag nito ay hindi niya sinagot. Halos mapuno na rin ang Inbox ng cellphone niya sa dami ng text messages na ipinapadala nito pero wala rin sa mga iyon ang ni-reply-an niya. Pinuntahan din siya nito sa apartment niya pero iniignora lang niya ito. So far, successful ang paninikis niya rito. Not until Tin made her realize she should not keep herself from denying everything.

Bumukas ang pinto.

“Lorin!” Halatang nagulat si Chad nang makita siya nito. He automatically smiled at her but she noticed his smile didn’t reach his eyes. Nonetheless, he was still the same as she remembered him. Parang may nabago nga lang dito kaya lang ay hindi niya masabi kung ano.

“Puwede bang tumuloy?” marahang tanong niya.

“Of course,” sabi nito na niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. “Tuloy ka.”

She stepped inside. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng bahay nito.

“Maupo ka muna, Lorin.” Itinuro nito ang sofa. “Ano nga pala ang gusto mo? Nagugutom ka ba? O gusto mo ng maiinom?”

Tumingin siya rito. Yeah, he was so handsome. Adorable. Fabulous. Gorgeous. Parang gusto na niyang isilid ito sa loob ng bulsa ng kanyang pedal pushers para wala nang ibang babaeng tumitingin dito. She was so used to being with him to having him around. Makakaya ba niyang ipaubaya ito sa iba? Lalung-lalo na sa taong kinaiinisan niya?

Hindi ako magtatagal. May sasabihin lang ako sa iyo kaya ako dumaan dito,” aniya.

Hindi ito nagsalita; nanatili lang nakatingin sa kanya. Ang akala nga niya ay hindi nito narinig ang sinabi niya kaya nagpatuloy na lang siya sa pagsasalita.

“I just came by to say I am sorry.”

“Why?” sa wakas ay sabi nito.

“Don’t pretend you don’t understand, Chad. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin.”

He heaved a deep sigh first and looked intently at her before he spoke again. “I know you’re trying to avoid me, Lorin. But I don’t know why.”

“Hindi mo alam?” Nagsalubong ang mga kilay niya.

“I have no idea, so please tell me why. Pinuntahan kita sa apartment mo pero palaging walang tao. Ilang beses din akong tumawag sa opisina ninyo pero palaging sinasabi sa akin ni Tin na busy ka at hindi puwedeng maistorbo. I texted you a lot of times but you didn’t reply even once. I eve called you up through your cellphone but it was always out of reach. So, tell me, why are you avoiding me?”

She looked at his face. Wrong move dahil habang nakatingin siya sa guwapong mukha nito ay parang unti-unting gumuguho ang pag-asa niyang layuan ito. Dammit! How could you be so perfect? Naghanap siya ng puwedeng maipintas dito pero sumakit na ang kanyang ulo ay wala pa rin aiyang naisip na posibleng flaw nito.

“I am not good at guessing, Lorin, so please, tell me, what I have done wrong with you.”

“Close tayo pero itinago mo sa akin na may relasyon kayo ni Trixie,” aniya. “Alam mo naman na hindi ko gusto ang babaeng iyon para sa iyo. Pero kung nagkakagustuhan na pala kayo, wala naman akong magagawa. You could have at least told me. I felt betrayed by you, Chad.”

“Lorin, mali ka. Hindi iyan totoo.”

“At ano ang totoo? Nakita ko kayo. Magkayakap. At aumiiyak siya. Why? Dahil ba hindi ninyo maipagtapat sa akin ang totoo? At kaya ba ayaw mong sabihin sa akin ang pangalan ng babaeng pakakasalan mo ay dahil si Trixie pala iyon?” Gusto na niyang umiyak. There was that familiar piercing inside her chest again. “Ang dami namang babae, Chad. Bakit siya pa? Bakit si Trixie pa? Bruha iyon, eh. I thought you are a sensible man. But you are dumb. Why did you choose her? Hindi kayo bagay.” Wala na siyang pakialam kung masaktan man tio sa mga sinabi niya dahil nasasaktan din naman siya.

“Lorin, I Know you don’t like Trixie. But please don’t say anything like that about her.” malumanay na sabi nito sa kanya.

Parang may pumitik sa tungki ng ilong niya sa  sinabi nitong iyon. Ipinagtatanggol na nito si Trixie sa kanya. There no further explanation. It was confirmed he had really chosen that woman. And she wanted to hate him for that but she couldn’t. Sa kabila ng lahat, mahal pa rin niya ito.

‘Wala siyang balak na magsalita ng hindi maganda laban kay Trixie o kahit na rito. Kaya lang sa sobrang sakit na nararamdaman niya ay parang gusto nang sumabog ng kanyang puso. Para ding unti-unti siyang nawawalan ng lakas dahil tila may humihigop doon na kung ano.

“You really love her then…” Tila nauupos na kandila siya kaya umupo siya sa sofa. Parang gusto na rin niyang umatungal ng iyak pero pinigilan niya ang kanyang sarili.  Dahil kapag ginawa niya iyon sa harap ni Chad ay lalo siyang magmumukhang kawawa. Pinagtakpan na lang niya ang sakit ng galit na nararamdaman niya at galit na hinarap uli ito. “How dare you! Itinatanggi mo pang mali ako pero ikaw na mismo ang nagbuking sa sarili mo.”

“I am not denying anything, Lorin. And for the record, wala kaming relasyon ni Trixie so you are definitely wrong.”

“At itinatanggi mo pa talaga? Ipinagtanggol mo na nga siya sa akin at lahat. At ano ang totoo? Ano ang ibig sabihin ng nakita ko? Hindi ako bulag, `no.”

“Sa palagay ko, ipagtitimpla muna kita ng jusice para lumamig ang ulo mo,” anito at saka bumuntong-hininga. “I understand you are jealous and—”

“Excuse me!” putol kaagad niya sa sasabihin nito. “At bakit ako magseselos? Ako, magseselos sa babaeng iyon? No way! Puwede ba.”

“Kung ganoon, hindi ka pala nagseselos nang lagay na iyan?”

Nagsalubong ang mga kilay niya nang mapansing nakangisi ito. He suddenly looked amused. Nang dumating siya roon kanina ay parang malungkot pa ito nang makita siya. But now… he looked lively and he looked so… happy? And for no reason, her heart had been joyous all of a sudden. Was it because the way he was looking at her as if he was in love with her instead? O nahibang na nang tuluyan ang puso niya at umasa na sa ilusyon? There was no way he could possibly be in love with her. Because he was in love with someone else.

“Let me explain everything, Lorin. At sana, patapusin mo akong magsalita.”

Tumaas ang isang kilay niya pero hinayaan na rin niyang magsalita ito. Her heart told her to listen to him, after all.

“Wala kaming relasyon ni Trixie,” umpisa nito. “Noong makita mong umiiyak siya at nakayakap ako sa kanya, inaalo ko lang siya noon. I’ve been her confidant for a while now. She had been into a bad relationship. And she needed someone to lean on. Her boyfriend had been treating her badly. Palagi pa niya itong nakikitang may kasamang iba’t ibang babae.”

“ah, ganoon? At ikaw ang napili niyang hingahan ng sama ng loob niya? Aba’y kabait mo naman pa lang talaga. At naniwala ka naman sa kanya? Hindi mo ba naisip na baka pinasasakay ka lang ng babaeng iyon para mahulog ka sa patibong niya?” Gusto na niyang batukan ito. She just couldn’t figure him out. For a sturdy-looking male, she couldn’t tell if he was just naïve or plain stupid.

“You just don’t know Trixie, that’s why you are saying those things. People’s perspective of her is different from what they don’t see. Ang alam ng marami ay ilang lalaki na ang dumaan sa buhay niya at madali kung palitan niya ang isang lalaki pero hindi totoo `yon. Those stories probably came from all of the men she turned down. You see, Lorin, Trixie had been loyal to her boyfriend for five years. Alam niyang maraming idine-date na babae ang nobyo niya pero pinipilit niyang intindihin ito. She was not blind of his flaws but she tried tried to understand. After all, she loves him.”

Hindi siya nakaimik sa mga narinig. Hindi rin niya alam kung maniniwala ba siya o hindi sa mga sinasabi nito. She looked into his eyes and all she could read was the truth in it. Napabuntong-hininga siya. Her heart was telling her she should believe him. After all, he was Chad. Ano ang mapapala nito kung sakaling magsisinungaling ito o kaya ay humahabi lang ng kuwento?

“Kung totoo iyang sinasabi mong mali ang perception ng mga tao kay Trixie at hindi rin totoo ang mga kuwentong mahilig siyang magpapalit-palit ng boyfriend, bakit hindi siya umiimik? Why didn’t she correct all those nasty rumors about her?”

“Because it was no use. People already made up their minds about her even though they really didn’t know her. Nakakalungkot isipin pero may mga tao talagang mahilig makinig sa sabi-sabi pagkatapos ay sila pa ang nagiging judgmental,” anitong tila nalulungkot. Hindi niya malaman kung para ba iyon kay Trixie o sa mga taong nanghuhusga sa babae. Gusto tuloy niyang mapahiya sa kanyang sarili dahil siya siya sa mga taong naniniwala sa sabi-sabi.

“Chad, bakit ikaw, hindi ka naniniwala na ganoon nga si Trixie? You even ended up being her confidant.”

He just shrugged. “Probably because I noticed that the façade she was wearing was not real. Or because I sensed that she was really lonely. You can see it through her eyes.”

Napangiti siya sa narinig. Kahit kailan ay hindi ito naging judgmental sa kapawa nito. And just like what Tin said, Chad was the nicest and the most understanding person who ever walked into their lives. Nakahinga na siya nang maluwag, not because she was relieved that he and Trixie didn’t have a relationship but because he never betrayed her.

“I am really sorry, Chad. Nagalit ako sa iyo kasi akala ko, niloko mo ako at nagtago ka ng sekreto. I guess I owe Trixie an apology, too. I misjudged her. I must admit I believed those nasty rumors about her. Nakakahiya ako,” pag-amin niya. “Nahihiya ako sa inyo.”

Ngumiti ito at pagkatapos ay lumapit ito sa kanya. He gently held her head as he pulled her closer to him. Nagulat siya pero hindi siya pumalag. After all, being this close to him was one of her dreams. And she had to admit, she really miss him.

“You shouldn’t be, Lorin. In fact, I am proud of you.”

Napatitig siya rito. “You are proud of me? but why?” naguguluhang tanong niya.

“Dahil hindi lahat ng tao, kayang tanggapin ang pagkakamali nila. Pero ikaw, tinanggap mong nagkamali ka.”

“That’s because I was wrong,” she said softly. She let herself held by him. She was starting to like the feeling Chad had awakened within her. And she knew her heart was beating again for him. “Chad?” mayamaya ay marahang sabi niya.

“Hmm?”

“May isa pa pala akong dahilan kung bakit ako pumunta rito sa bahay mo.”

“Ano iyon?”

Natigilan siya sandali. Sasabihin na ba niya rito ang nararamdaman niya? He may not be marrying Trixie because it was already clear they didn’t have any relationship. But even though it was not Trixie, it could be somebody else. Should she tell him about her feelings?

Sabihin mo na, Lorin, para wala kang pagsisisihan sa bandang huli, udyok ng kanyang isip.

“Lorin?” pukaw ni Chad sa pananahimik niya. “Ano pa ang sasabihin mo sa akin?”

Unti-unti siyang nag-angat ng mukha. Nang magsalubong ang kanilang mga paningin ay parang bigla siyang pinanghinaan ng loob. Kumawala siya sa pagkakayakap nito dahil lalo lang siyang hindi makapag-isip nang matino. “I… ah… actually…” Parang gusto na niyang batukan ang sarili dahil nagmumukha na siyang tanga. Relax, Lorin. Magtatapat ka lang naman. Kaya mo `yan.

“Actually…?”

“Actually…actually, I think I should be heading home. Ginagabi na tayo nang husto at may pasok pa tayo bukas pareho.” Tinalikuran na niya ito at nagtungo siya sa pinto. Now, she really wanted to hurt herself. Badly! Nanggigigil siya sa inis sa sarili. Ang tanga talaga niya. Sasabihin na lang niya na mahal niya ito ay hindi pa niya nagawa. Kung sinuman ang nagsabing madaling ma-in love ay sasaktan talaga niya.

“Lorin?”

“Bakit?” Naasar na nilingon niya si Chad.

“Come here,” sabi nito.

Sa pagkamangha niya ay sumunod siya. Lumapit siya rito. Nang isang pulgada na lang ang layo niya rito ay bigla siya hinapit nito sa baywang at walang sabi-sabing hinalikan siya. At dahil hindi niya inaasahan iyon ay nagulat siya. She held up her hand to his chest. But instead of pushing him away, her palm just rested there. And she was amazed because she could feel the fast beating of his heart.

Am I making him feel like this?

But he was kissing her deeply, leaving her no time to think of anything at all except his kisses.  And he was kissing her with a burning intensity that made her legs wobble. Alarm bells went off in her head, but she ignored them, reveling in his embrace. Then he slowly surfaced from the haze of passion enveloping them both. Siya naman ay tila tulala pa habang nakatitig sa guwapong mukha nito. And when he broke into a smile, doon lang tuluyang nagising ang naglalakbay na diwa niya.

Nanlalaki ang mga mata napatitig siya rito. “W-why… why did you…?”

“Because I wanted to,” he admitted immediately. “Because I have secretly longed to kiss you and let you know this bunched-up feelings.”

“H-ha?” aniyang tila nawawala pa rin sa sarili.

“I love you, Lorin. Mula pa noon. Lagi akong nasa tabi mo dahil iyon ang gusto ko. Gusto kong ako lang ang nakikita mo. Sa tuwing nakikipag-date ka, hinihiling ko na sana’y ako na lang ang lalaking kasama mo.”

“H-ha?”

“I just want to date you. I don’t care if it’s daytime or nighttime. As long as it’s a real date. I want to have babies with you. I want to marry you. And I want to spend the rest of my life with you. I love you.”

“I love you… too?”

Tumawa ito nang malakas. And with amusement in his eyes, he lovingly gazed at her. “Puwede na ang sagot mo kahit may question mark sa dulo,” he said smiling.

Doon lang tila tumuwid ang takbo ng nababalikong pag-iisip niya. “Teka muna. hindi ba ang sabi mo, may pakakasalan ka?” Seriously, her mind wa still a bit hazy with all his confession and their heated kiss. Iniisip pa niya kung totoo ba iyon o nananaginip lang siya nang gising.

“Yeah, I said that. But didn’t I also tell you I will if she will have me?”

Tumango siya.

“Ikaw ang tinutukoy ko nang sabihin ko iyon sa iyo.”

“Ako?” Itinuro pa niya ang kanyang sarili.

“Oo. Ikaw.”

Parang gusto niyang magtatalon sa tuwa. Kung anu-ano pa ang pinag-iisip niya, kung sinu-sino pa ang pinagseselosan niya, at kung anu-ano pa ang planong binuo niya para ipa-realize dito na walang ibang babaeng nababagay eito kundi siya, pagkatapos ay siya naman pala ang babaeng iyon. Tatalon ba siya sa tuwa o iiyak siya? Kahit alin sa mga iyon ang gawin niya ay siguradong magmumukha siyang nawawala sa sarili.

“Chad?”

“Yes?”

“Bakit ngayon ka lang nagtapat?”

“Well, sabihin na lang nating natakot ako na layuan mo ako.”

Kung ganoon ay pareho pala sila ng iniisip nito. Bagay nga talaga sila.

“Nabuhayan lang ako ng pag-asa nang mapansin kong nagseselos ka kanina. And Tin helped a bit by giving me a hint.”

“Sinabi sa iyo ni Tin na may gusto ako sa iyo?”

“Actually, she didn’t tell me anything. Pero tuwing tinatawagan kita sa opisina ninyo, sinasabi niya sa aking intindihin na lang kita dahil sumasakit ang puso. Of course, I really thought you had a heart ailment. But eventually I realized she was only speaking figuratively.”

“Pero totoo namang sumasakit ang puso ko. Isipin ko pa lang na magiging ninang ako ng panganay na anak mo ay naiiyak na ako.” She gently held his face. Iniisip ko kung paano na ako kung mawawala ka sa tabi ko.”

“And I am glad you always need me, Lorin.”

“I just don’t need you Chad. I want you and I love you. I want to spend the rest of my life with you.” Ngumiti siya at saka niya ipinulupot sa leeg nito ang kanyang mga braso. “Pa-kiss nga uli. Kapag hinalikan kita, para akong lumulutang sa alapaap. Muntik ko na ring makalimutan ang pngalan ko kanina, akala mo ba?”

“Obvious nga. Parang wala ka sa sarili mo noong natatapat ako sa iyo kanina.”

Siya na ang unang humalik dito para matigil na ito sa kakasalita. After all, marami pang panahon para sa mahabang usapan. Right now, all she wanted were his gentle embrace and his kisses. Tin was right, if she really wanted to be happy, she should do something about it. Mabuti na lang din at pinakinggan niya ang tibok ng kanyang puso.

 

 

 

THE END

Make a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: