Chapter 9

Posted on October 10, 2010. Filed under: Listen To Your Heart |

“WHAT the heck am I doing in front of his house?” malakas na tanong ni Lorin sa kanyang sarili.

Buong araw siyang nag-iisip ng puwede niyang gawin para magpapansin kay Chad. Mabuti na lang at wala silang gaanong trabaho dahil hindi pa deadline ng monthly magazine na inire-release nila kaya wala silang rush. That was why she spent half of her day at work thinking what shw should do to approach him.

Kailangan ba niyang bigyan ng regalo ito? O mga bulaklak kaya? Pero siya ang babae, siya ang sapat na nililigawan. Ano ang naisip niya ay bigla at bigla yatang nabaliktad ang mundo dahil binabalak niyang manligaw kay Chad? Well, kapag nagpatumpik-tumpik siya ay baka maunahan pa siya ng iba. Hindi siya papayag na hindi siya lumaban. Tama si Tin, single pa naman si Chad kaya may pag-asa pa siya. At habang may panahon pa siya ay gawin na niya ang nararapat.

Ang kaso, wala siyang maisip na paraan. Hindi niya puwedeng basta na lang ideklara sa harap ni Chad na mahal niya ito at pipigilan niya ang kasal nito dahil baka bigla siyang layuan nito. She should know how to play her cards. She should execute her plans, slowly but surely.

“Pero ano nga ba ang plano ko?” aniya sa sarili. Bumuntong-hininga siya. She might have spent half of her day thinking for the perfect plan to make Chad fall for her but she never came up with anything. At ngayon nga, naroroon siya sa harap ng bahay nito at hindi pa rin niya alam ang gagawin. “Hay, naku, bakit ba ako sumugod dito nang  walang matinong plano?”

“Lorin?”

Nilingon niya ang nagsalita. Nakita niyang naroroon si Chad at palapit sa kanya.

“What are you doing in front of my house? May kailangan ka ba?”

“Ah… eh…” Work, you dimwitted brain! “I was actually passing by,” she said with a slanted smile. Was that the best excuse you could produce, Lorin? Mag-isip ka pa! Para kang tanga! Obvious kasi na palusot lang ang sinabi niya dahil magkaiba ang direksiyon patungo sa mga bahay nila. Chad lived on the next street. At mula sa village entrance, mauunang  madaraanan ang kalye kung saan naroroon ang apartment niya bago ang kalye kung saan naroroon nahay nito. Unless trip niyang mag-stroll sa loob ng village o kaya ay mag-long cut patungo sa apartment niya, talagang madaraanan niya ang bahay ni Chad.

“I see,” sagot nito at hindi na nagtanong pa sa kanya.

“Ah, actually, dadalhin ko sana iyong pinaglagyan mo ng carbonara kagabi kaya lang nakalimutan ko naman.” Now, I know I am with lame excuses. I wanna die!

But Chad, with all his understanding nature, didn’t comment on anything she had said. Alam niyang nahalata na nito na nagpapalusot lang siya. But he was just a kindhearted person not to make fun of her acting so stupid in front of him.

“Malamig dito sa labas. Gusto mo bang pumasok muna sa loob?” yaya naman nito sa kanya habang binubuksan ang gate.

“Ah, sige.”

Pinauna muna siya pumasok nito bago ito sumunod.

“Maupo ka muna.” Iminuwestra nito ang upuan sa sala. “Naghapunan ka na ba? Kung hindi pa, dito ka na maghapunan.”

“Sure!” mabilis na pagpapayag niya. Sa tingin niya, umaayon sa kanya ang pagkakataon.

“Kaya lang, nagluluto pa lang ako. Okay lang ba sa iyo na maghintay sandali?”

“Okay lang. Walang problema. Kung gusto mo nga, tulungan na kita.” Bago pa ito nakahuma ay tumayo na siya at dumiretso sa kusina. “Ano ba ang lulutuin natin?”

“Balak ko sanang mag-menudo pero matagal pa iyon kaya adobo na lang ang lulutuin natin.”

“Ikaw ang bahala.” Lumapit siya sa kitchen sink at isinuot ang apron na nakasukbit doon. “Okay, ano ang gagawin ko?”

“Wala,”anito.

Her forehead knotted, contrasting with the smile on his face. “Wala?” ulit niya. “Bakit wala?”

Lumapit ito sa kanya at may inabot na kung ano sa likuran niya. “Because all I need is this,” wika nito na ibinaba sa lababo ang bote ng toyo at suka. Kumuha rin ito ng bawang at paminta. “So, there. That’s all that I need.”

“Kung ganoon pala, hindi mo na kailangan ng tulong?” Napabuntong-hininga siya. Ang akala pa naman niya, pagkakataon  na niyang magpa-impress sito. Iyon pala, ito na naman ang magluluto.

“Maupo ka na lang at hintayin mong matapos ito. Sandali lang namang lutuin ang adobo.”

“Okay.” Humila siya ng isang dining chair at umupo roon. Nakapangalumbaba siya habang pinapanood niya ito. Parang déjà vu ang  eksenang iyon. Ano kaya ang magiging reaction nito kapag niyakap niya ito mula sa likuran? At ano kaya ang pakiramdam ng nakayakap sito? Utang-na-loob, Lorin, alisin mo nga ang agiw sa utak mo. Masama sa kaluluwa ang magnasa. Nakakahiya ka!

At katulad ng nangyari noon, hindi niya inaasahan na biglang lilingon si Chad kaya nahuli siya nito na nakatitig sa likuran nito. hindi ito nagsalita pero nakita niyang may kumislap na kung ano sa mga mata nito. Pagkatapos ay sumilay ang misteryosong ngiti sa mga labi nito. And that smile reached his brown ayes before it reached his lips. Darn it! Huwag mo akong ngingitian ng ganyan kung ayaw mong magahasa nang wala sa oras!

“Nagugutom ka na ba?”

“Ah, hindi pa naman,” mabilis na sabi niya. Parang gusto niyang palakpakan ang kanyang sarili dahil hindi nagkandabuhul-buhol ang dila niay nang magsalita. She looked at him again and she saw something mysterious in his eyes. Hindi siya nakakatiyak pero para kasing may ibang kahulugan ang mga tingin nito sa kanya. He was looking at her as if he was admiring her so much.

He was silently looking at her. He never uttered a word though but his silence only intensified what she was feeling right now. Sa sobrang bilis nga ng tibok ng puso niya, pakiramdam niya ay bibigay na ang mga tuhod niya. Mabuti na lang at nakaupo siya. She had never expected he was capable of disorganizing her already disorganized mind. Because with that mere smile of him, she knew she had already lost her heart to him.

Biglang nag-ingay ang doorbell kaya naputol ang daloy ng iniisip niya. Sabay pa silang napalingon ni Chad sa direksiyon ng pinto.

“May bisita ka yata, Chad,” sabi niya dahil hindi pa rin ito kumikilos at nananatiling nakatingin lang sa kanya.

“Sandali lang. Titingnan ko muna kung sino. Wait here, Lorin.”

“Okay.”

Hindi niya alam kung magpapasalamat siya o hindi sa biglang umistorbo sa kanila ni Chad. She sighed just to calm herself for a bit. Ngayong tinanggap na niya sa sarili na mahal niya si Chad, hindi na yata niya makakayang mawala ito sa kanya. She was used to having him around because he was always around whenever she needed him. She wanted to take the risk. She wanted to tell him she loved him, that she wanted to spend the rest of her life with him. She wanted to share her future with him. She wouldn’t give him up that easily, especially now that she couldn’t picture her future without him already.

Dapat na talaga siyang kumilos. Tumayo siya at lumapit sa gas range dahil nakita niyang kumukulo na ang adobong niluluto niya. Kumuha siya ng sandok at binuksan ang takip ng kaldero saka hinalo ang karne. Sumandok siya ng maliit na piraso ng karne ng baboy at tinikman iyon pagkatapos ay nnapatangu-tango siya.

“Hmm… ang sarap. Masarap talagang magluto si Chad,” aniya saka ngumiti. “Puwede na talaga siyang mag-asawa.” At titiyakin kong ako ang mapapangasawa mo. He-he!

Tinakpan uli niya ang kaldero at hininaan ang apoy ng kalan. Hindi na siya bumalik sa dating kinauupuan. Nanatili na lang siyang nakasandal sa kitchen sink. Doon na niya hihintayin si Chad. Buo na ang pasya niya na magtapat ng damdamin dito. Pero ilang minuto na siyang naghihintay sa pagbabalik nito ay hindi pa rin ito bumanalik roon. Pumunta siya sa sala ngunit wala ito roon. Nasaan kaya ito?

Nang mapagawi ang tingin niya sa labas ng bahay ay biglang kumunot ang kanyang noo. Naroon si Chad at kausap si Trixie. Ano kaya ang ginagawa ng magaling na babaeng iyon doon? Akmang aalis na siya nang makita niyang niyakap ni Trixie si Chad. Nanlaki ang kanyang mga mata. At hindi lang iyon, gumanti ng yakap si Chad. Hindi niya napaghandaan ang eksenang iyon lalo na nang tamaan ng liwanag na galing sa ilaw ng poste ang mukha ni Trixie na umiiyak. Then Chad gently wiped away her tears.

Tumalkikod siya. Ayaw na niyang makita ang susunod na eksena dahil pakiramdam niya ay mayroon na namang dumaklot sa puso niya palabas sa dibdib niya. She suddenly felt numb. Para siyang nauupos na kandila na napaupo sa pinakamalapit na sofa. Ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita? Did Chad have a secret relationship with that woman? Si Trixie ba ang tinutukoy nito na babaeng balak pakasalan nito? Was that the reason why he didn’t tell her in the first place?

Alam nito na ayaw na ayaw niya kay Trixie kaya siguro itinago nito sa kanya ang pakikipagrelasyon sa babae. Iyon ba ang dahilan ng nakita niya? That the two had a relationship behind her back? Pakiramdam niya ay tinarakan siya ng samura sa dibdib.

Tumayo siya at nagtungo sa pinto. Gusto niyang magpakita sa mga ito. Gusto niyang ipamukha sa dalawa na buking na niya ang sekreto ng mga ito. Gusto niyang umiyak lalo nang gulat na mapalingon sa kanya ang dalawa, lalung-lalo na si Chad.

Hah! Buking ko na ang sekreto ninyo. Mga taksil! Iyon sana ang gusto niyang isigaw kay Chad pero ano naman ang karapatan niya na umarte nang ganoon? Oo nga’t close sila sa isa’t isa pero hindi pa rin sapat na batayan iyon para umarte siya na tila pinagtaksilan ng kasintahan dahil unang-una, hindi naman sila magkasintahan. Dire-diretso siyang lumakad patungo sa gate. Wala siayng sinabi na kung ano; basta dinaanan lang niya ang mga ito.

“Lorin, saan ka pupunta?” tanong sa kanya ni Chad.

“Uuwi na,” sagot niya na hindi ito nililingon.

“But why? Akala ko ba, dito ka maghahapunan.” Akmang bubuksan na niya ang gate pero naramdaman niyang pinigilan siya nito sa braso.

“Wait, Lorin—” Natigil ito sa pagsasalita nang marahil ay makita nito ang ekspresyon ng kanyang mukha.

She didn’t try to hide the hurt she was feeling inside. Gusto niyang ipakita rito na nasaktan siya sa paglilihim nito. Effective naman dahil mukhang tinablan ito. Unti-unti ring binitiwan nito ang braso niyang pinipigilan nito.

“Sige. Mauna na ako. Ayokong makaistorbo sa inyo.” She slanted a glance at Trixie, there was a triumphant smile on her lips. She knew she had won Chad over her. And she just wanted to scratch off that stupid grin off her lips, including her face. Lumabas siya ng gate at mabilis na naglakad pabalik sa kanyang apartment. Kahit parang pinipiga pa rin ang puso niya ay nagtaas-noo pa rin siya. Hindi ang katulad ni Trixie ang magpapabagsak sa self-esteem niya.

Magsama kayong dalawa sa impiyerno! Mga buwisit kayo!

But then again, she still felt that painful stab in her heart.

NAG-ANGAT ng mukha si Lorin mula sa ginagawa niyang layout para sa magazine nang maramdaman niya ang presensiya ni Tin sa kanyang tabi. Actually, kanina pa niya alam na naroroon ito pero iniignora lang talaga niya. Kaya lang, mukhang wala talaga itong balak na bumalik sa puwesto nito hangga’t hindi niya ito pinapansin.

“Bakit?” tanong niya rito.

“Anong bakit?” Tumaas ang isang kilay nito. “Ako ang dapat nagtatanong sa iyo niyan. Bakit ka nagkakaganyan?”

“Ano ang ibig mong sabihin?” Nagsalubong ang mga kilay niya.

“Naku naman, Lorin, Puwede ba? Huwag ka ngang magmaang-maangan. Ilang araw ka nang matamlay kahit nagbi-busy-busy-han ka riyan…” Inginuso nito ang computer niya. “Umamin ka nga sa akin. Buntis ka ba?”

“Puwede ba, Tin, paano ako mabubuntis kung wala akong boyfriend?” balik tanong niya.

“Actually, iyan nga rin ang ipinagtataka ko,” wika nito na kakamut-kamot sa noo. “But anyway, may isa pa akong napapansin sa iyo. Bakit parang iniiwasan mo si Chad? Sa tuwing tatawag dito iyong tao, palaging ako ang pinasasagot mo sa linya mo. At ito pa, noong coding ang sasakyan mo, hindi ko yata nakitang sinundo ka niya.?”

“Ayoko nang istorbuhin pa si Chad. Busy siya sa girlfriend niya,” walang kasigla-siglang sabi niya.

“Ah, correct me if I am wrong, hija. But did you just say Chad has a girlfriend?”

“Didn’t you hear what I just said?”

“I did. But is this the real thing? I mean, boyfriend-girlfriend. Romance. Kissing. That kind of stuff?”

Tiningnan niya ito ng masama. Kung nakamamatay ang tingin ay tiyak na bumulagta na sa sahig ito. “Inaasar mo ba ako, ha, Kristina?”

“O, o, high blood ka kaagad, eh. Kasi naman, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na tigilan mo na ang kakakain ng baboy. `Ayan tuloy, na-high blood ka na naman.”

Hindi na lang niya pinansin ito at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa niya. Hindi na uli umimik ito pero nanatili pa rin sa kinapupuwestuhan. Ilang saglit pa ay narinig niyang nagpakawala ito ng pagkalalim-lalim na hininga.

“Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa pagitan ninyong dalawa.” wika nito. “Pero kung nauman iyan, resolbahin na agad ninyo. I mean, look at you, you look horrible! You’re working your ass off. Hindi ka ganyan kasipag sa trabaho. Although hindi ko sinasabing nai-slack off ka. Pero ngayon lang nangyaring malayo pa ang deadline ay halos tapos ka na. It so not like you. Para kang sinaniban ng mabuting espiritu.” Hinawakan siya nito sa balikat at iniharap kaya napatigil siya sa pagki-click  sa mouse. “Revert back! Revert back! Revert back!”

Nagsalubong ang mga kilay niya at tinampal ang mga kamay nitong nakahawak sa balikat niya. “Puwede ba, Tin, tigilan mo ang kakaalog sa akin at nahihilo ako,” aniyang sumimangot pa. “Ikaw yata ang sinaniban ng masamang espiritu dahil para kang timang.”

Again Tin heaved a deep sigh. “Kasi naman, umakto ka ngang nasa sarili. Hindi ka magkakaganyan kung wala ka ngang iniisip na problema,” pahayag nito. “Dahil ba ito sa sinasabi mong alleged girlfriend ni Chad, ha?”

“Ano ba’ng pinagsasabi mo riyan? Mukha bang may pinoproblema ako, ha?” tanong niya. “And besides, this has nothing to do with Chad having a girlfriend. Naisip ko lang na hindi mabuti ang madalas akong nagka-cram kapag malapit na ang deadline kaya tinatapos ko na ang trabaho ko para sa next issue ng magazine na ire-release. That way, wala na akong masyadong iisipin.”

Nakatingin lang ito sa kanya at hindi nagkomento. But Tin’s disapproving look said she did not believe anything she was saying. “Ako ba naman, Lorin, ay paglalakuan mo pa? Huwag na nga tayong magbolahan dahil dalawa lang tayong naririto. Hindi ka magkakaganyan kung hindi ka apektado sa nalaman mo. At hindi ko na kailangang maging magaling na manghuhula para malaman na nagkakaganyan ka dahil apektado ka sa pagkakaroon ni Chad ng girlfriend.”

“Hindi sabi ako apektado, eh,”naiinis nang sabi niya. “At bakit ako maaapektuhan? Ano ba ang pakialam ko kung magka-girlfriend man siya? Kungmagpakasal siya? Kung kukunin niya akong bridesmaid sa kasal niya at ako ang magiging ninang ng panganay niya? Ano ba ang pakialam ko sa kanilang dalawa ng impaktang Trixie na iyon? Wala akong pakialam sa kanila! Magsama silang dalawa kung gusto nila!”

She thought that by avoiding Chad, it could be her resolve. She thought by busying herself with work could let her forget all about that unbearable thought of Trixie in Chad’s arms. Pero dahil sa pangungulit ni Tin, nanumbalik sa kanyang isip ang pinipilit niyang ibaon sa kasuluk-sulokang bahagi ng kanyang utak. Her self-denial had ended that very moment.

“Ah, tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi mo? Si Trixie `kamo nag girlfriend ni Chad?”

“Oo. Tama ang dinig mo. Pinatulan ni Chad ang bruhang iyon.”

“Sigurado ka?” nananantiyang tanong nito. “Baka naman hindi.”

“Magkakaganito ba ako kung mali ako?”

“Kung ganoon pala, aaminin mo ngatong nagseselos ka?”

“I am not jealous!” mabilis na wika niya.

“Ah, hindi ka pa pala nagseselos nang lagay na iyan?”

“Hindi,” mariing wika niya. “Naaasar lang ako dahil sa dinami-dami ng puwedeng patulan na babae, si Trixie pa ang pinatulan niya. Bruha iyon, eh. To the highest level.”

“Umiling-iling ito. “For once, Lorin, why don’t you just accept the fact that you are inlove with Chad? Na nagseselos ka kay Trixie dahil iniisip mong pinatulan siya ng lalaking mahal mo. Why can’t you just listen to your heart? Alam mo, ikaw lang ang nagpapakomplikado ng sitwasyon. Akala ko ba, okay na ang napag-usapan natin no’ng isang linggo? Akala ko ba, nahimasmasan ka na sa kahibangan mo? Akala ko ba, malakas ang loob mong gawin ang lahat para lang ipa-realize kay Chad na wala nang ibang babaeng nakalaan sa kanya maliban sa iyo? Akala ko ba, matapang ka?”

With those words from Tin, she was silent. Oo nga naman. Bakit bigla siyang naduwag?

“You see, Lorin, walang mangyayari kung iiwasan mo na lang si Chad. Why don’t you tell him how you feel? Why don’t you tell him everything?” Tin looked into her eyes. We both know Chad is the nicest and the most understanding person we know of. Maiintindihan ka niya. Hindi ka niya huhusgahan kung ang ikinakatakot mo ay layuan ka niya. Just tell him how you feel. If you really love, though it isn’t easy to let him go, you should learn to let him go. If he chooses to love a sinner and not a saint and spend the rest of his life with Trixie, just accept it. Pero sa ngayon, pakinggan mo muna kung ano man ang sinsabi ng puso mo.”

She looked at Tin. Noon lang ito nagpayo sa kanya nang ganoon. Tama ito. Nagbibingi-bingihan nga siya sa idinidikta ng kanyang puso. She knew she was in love with Chad, and she had accepted that. Pero nang malamn niyang girlfriend nito si Trixie, bumalik na naman siya sa pagse-self-denial niya. But for how long was she going to fool herself? Forever?

“Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo, Lorin. If you want to be happy, do something about it. Hindi makakatulong kung magmumukmok ka lang at walang gagawin.”

Hindi uli siya nagsalita. Humarap uli siya sa kanyang computer. Pero sa halip na balikan ang trabaho ay nanatili lang siyang nakatitig sa computer monitor. Her friend was right. She should do something. Kung patuloy lang silang maglolokohan ng sarili niya, baka may pagsisihan siya sa bandang huli. She should tell Chad how she felt for him. At kung talagang mahal niya ito, makakaya niyang palayain ito kung saka-sakali. Na matatanggap niya kahit sino ang babaeng mamahalin at pakakasalan nito.

Make a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: