Chapter 8

Posted on October 6, 2010. Filed under: Listen To Your Heart |

”ALAM mo, kanina pa ako nahihilo sa iyo, babae ka,” sabi ni Tin kay Lorin. “Kanina ka pa paroo’t parito. Nakakahilo ka na, ha? May problema ka ba?”

Huminto siya sa paglalakad at humarap dito. She had been restless since last night, since Chad told her he wanted to get married to someone she didn’t know, someone who wasn’t her. “Tin, hindi ba sinabi mo sa akin na may ipapa-date ka sa akin?”

Nagsalubong ang mga kilay nito. “Oo. Pero hindi ba sinabi mo sa akin na hindi ka na interesadong makipag-date?”

“Ye, I did. But that was last week.”

“And now?”

“I’ve already changed my mind,” she said quickly. “I need a date. Tonight. Tomorrow night. Or even the next night.”

“What with you, Lorin?” Hindi na nawawala ang gatla sa noo nito. “Para kang timang. Alam kong magulo ang isip mo pero parang mas lumala yata ngayon. Ano ba ang nangyari sa iyo?”

Paano ba niya sasabihin dito na kailangan niyang magka-boyfriend dahil nagkakagusto na siya kay Chad? O mas tamang sabihin na may gusto na siya rito? Sa dinami-rami ng mga lalaki, bakit dito pa siya nagkagusto? Off-limits dapat ang kinakapatid niya lalo na ngayong magpapakasal na ito. Pero paano ba niya sasabihin iyon sa puso niyang makulit at ayaw makinig?

“O, nawalan ka na naman ng imik diyan. Nakikipag-intrapersonal ka na naman sa sarili mo?” pukaw sa kanya ni Tin. “Hay, naku, hindi na ako magtataka kung isang araw ay magising kang neurotic na.”

“Ah, excuse me lang, hindi mangyayari ang iniisip mo, hija. I have a strong mind. So I am far from being crazy.”

“Yeah. You’re far from going crazy, but the people around you would sure go crazy because of your hazy mind. Kung nagkataong hindi kita naging kaibigan, lalayuan talaga kita. And by the way, why the sudden change of mind about dating again?”

“Because I need a boyfriend. Fast.”

“And why is that?”

“Bakit ba tinalo mo pa ang fact-finding committee sa pagtatanong mo, ha? Sa kailangan ko nang magkaroon ng boyfriend, eh. Ano ang masama?”

“Wala ngang masama. Kaya lang, hindi ko ma-gets kung bakit ora-orada naman yata. Alam kong matagal mo nang gustong magkanobyo pero ngayon, bakit parang mas desperada ka?”

“Hindi ako desperada, `no!”

“O, eh, kung hindi pala, bakit parang hindi ka mapakali riyan? Aba, tinalo mo pa iyong naka-shabu dahil sa pagiging maligalig mo ngayong araw na ito. As in.”

Napabuntong-hininga siya pagkatapos ay umupo sa kanyang silya. Wala siya sa mood na gumawa ng kahit ano. Wala siyang ganang magtrabaho. At kasalanan lahat ni Chad iyon dahil hindi na mawaglit sa isip niya ang sinabi nito nang nagdaang gabi. “Kasi naman si Chad, sinabi niya sa akin na balak na niyang magpakasal,” sumbong niya kay Tin.

“Ha? Talaga?” Halatang nagulat ito. “Pero hindi ba’t wala `kamo siyang girlfriend kaya ka nga nag-volunteer na hanapan siya ng girlfriend?”

Tumango siya.

“O, eh, kung ganoon pala, sino ang pakakasalan niya?”

“Aba, malay ko sa kanya.”

“Ay, tange!” Tinampal nito ang sariling noo. “Ano bang sagot iyan? Dapat, tinanong mo siya. Hindi ba’t close naman kayo? Bakit hindi mo inalam?”

“Bakit kailangan kong alamin? Kahit close kami ni Chad, may mga bagay pa rin na hindi namin pinanghihimasukan. Ayokong itanong sa kanya kung sino ang pakakasalan niya. And besides, malalaman ko rin eventually dahil imposibleng hindi niya ipaalam sa amin kung sinuman ang babaeng iyon,” aniyang sumimangot pa. She was curious as hell.

“So, okay lang sa iyo na malamang balak na palang mag-asawa si Chad?” tanong ni Tin.

“Okay lang,” sagot niya. But of course, there was a different thing swirling at the back of her mind.

“You would wish them happiness for the rest of their lives?”

“Oo naman.”

“Okay lang sa iyo na maging bridesmaid ka kapag ikinasal si Chad?”

Hindi niya alam kung iiling o tatango. Pero tumango siya.

“At okay lang sa iyo na maging ninang ng panganay nila?”

“Bakit mo ba ako tinatanong ng kung anu-ano, Kristina, ha?”

“Sagutin mo ang tanong ko,” she demanded.

“I am fine with that. So?”

Syet na malagket! May diperensya ka na nga sa pag-iisip!” bulalas nito.

“What?”

“Isang daan at isang porsiyento akong nakatitiyak na nababaliw ka na nga!”

“Excuse me?” Pinagtaasan niya ito ng isang kilay. “Wala akong diperensiya sa pag-iisip. Ano ba ang pinagsasabi mo riyan? Ikaw yata ang nababaliw sa ating dalawa, eh.”

“Para sa kaalaman mo, ang pangungumbinsi sa sarili mo na wala kang gusto sa isang tao na sa totoo lang ay gusto mo ay senyales na may diperensiya ang pag-iisip mo,” she said, pointing a finger at her. “And you said it was okay for you to be a bridesmaid on his wedding? At okay lang din na maging ninang ng magiging panganay ni Chad? Luka-luka ka nga talaga.”

“Puwede ba, Kristina? Hindi ka nakakatulong.” Sinimangutan niya ito. Isipin pa lang na ikakasal si Chad sa ibang babae ay gusto na niyang umatungal. Bakit hindi na lang siya ang pakasalan nito at siya ang maging nanay ng magiging anak nito? She held back her thoughts for a moment. Did she really think of being married with Chad? Of having children with him? Was she really thinking of her future spending it with him?”

Isang malaking “oo” ang naging sagot niya sa lahat ng tanong na iyon. She wanted to be his wife and the mother of his children. She wanted to be with Chad for the rest of her life. It all came to her now. Tama ang lahat ng sinabi ng kanyang mama. She sighed upon realizing that fact. Was she too late?

“`Oy, bakit panay ang pagbuntong-hininga mo riyan?” tanong sa kanya ni Tin. “Let me guess, mahal mo na siya, ano? Umamin ka na kung hindi ay ihahagis talaga kita palabas ng planet Earth.”

“Bakit ba ang bayolente mo?”

“Kasi po, naiinis na ako sa pagiging in denial mo. Sarili mo na, niloloko mo pa. C’mon, Lorin, I know you’re not okay knowing Chad is getting married to a mystery girl.”

“Right. I am not okay with taht,” she admitted, not just to Tin but also to herself. “Ano ang gagawin ko ngayon? Ayokong maging bridesmaid sa kasal niya at maging ninang ng panganay niya.”

“Madali lang iyan. Kapag ikinakasal na sila, di sumigaw ka ng, ‘Itigil ang kasal!’ Kapag tinanong ka ng pari kung ano ang dahilan mo at pinapatigil mo ang kasal nila, sabihin mong buntis ka, five months na at si Chad ang ama. Simple, `di ba?”

“Alam mo, Tin, kung hindi lang kita friendm ikaw ang ihahagis ko palabas ng building na ito. Luma na ang ganyang gimmick. Wala ka namang originality. Hindi na iyan benta sa mga peri.  Sus!”

“Nanghihingi ka ng suggestion, di binigyan kita.”

“Ang kaso, iyong suggetion mo naman, bulok. Passe na.”

Ito naman ang napailing sa reaksiyon niya.

“Ikaw talaga. Masyado mo namang sineseryoso ang mga sinabi ko,” anito at saka ngumisi. Tumingin ito sa labas ng gusali. “Relax. It’s raining outside, aren’t they?”

“Ano?” aniyang hindi maintindihan ang ibig sabihin nito. Para kasing walang sense ang sinabi nito.

“Hindi pa naman sila ikinakasal, hindi ba? At single pa rin siya sa kasalukiuyan,” wika uli nito. “Well, gawin mo ang lahat hanggang ma-realize niya na ikaw ang babaeng nakalaan sa kanya at wala nang iba pa.”

“At paano ko naman gagawin ang sinasabi mo, aber?”

“Aba, malay ko sa iyo. Diskarte mo na iyan. Bahala kang gumawa ng paraan. Adviser lang ang paperl ko.”

Napabuntong-hininga na lang siya at muling umiling.

Make a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: