Chapter 7

Posted on October 5, 2010. Filed under: Listen To Your Heart |

NAGLALAKAD si Lorin pabalik sa apartment unit niya ng maramdaman niya na tila may sumusunod sa kanya. Galing siya sa bahay ng kanyang mga magulang. Nag-commute lang siya dahil iniwan niya ang kanyang sasakyan. She was already inside the subdivision and only few houses from her apartment. Safe sa lugar nila pero sa dami ng krimen na nangyayari sa buong bansa, hindi pa rin siya ganoong nakatitiyak para sa sariling kaligtasan. It was only past nine in the evening but the  road was already deserted. Iyon yata ang disadvantage ng mga subdivision. Maagang nagsisipasukan ang mga tao sa kanya-kanyang mga bahay.

Maliban sa mga ilaw sa poste ay wala na siyang nakita na ibang tao. Malayo na rin siya sa guardhouse para humingi ng saklolo kung saka-sakali. Binilisan niya ang paglalakad. Lakad-takbo ang ginawa niya para makapasok agad siya sa loob ng kanyang apartment. Ngunit biglang may dumantay na kamay sa balikat niya na tila pumipigil sa kanya. Titili na sana siya pero isang kamay naman ang tumakip sa bibig niya.

“Relax, Lorin, it’s just me,” ani Chad malapit sa kanyang tainga. Inalis nito ang kamay nito na nakatakip sa kanyang bibig.

She felt a shiver run through her veins when his breath fanned her ear. And he was so damn close she could feel his warm, soft, solid body at her back. Pakiramdam din niya ay bigla siyang sinilaban kaya nag-init ang buong katawan niya. She also felt that fast beating of her heart.

“Pasensya ka na kung natakot kita,” wika nito. “I didn’t mean to sneak up on you.”

Tumango lang siya bilang tugon. She didn’t trust herself to speak at that moment. Her heart was still beating so fast. Not because she was startled by him but because she was feeling something. And that “something” was something she kept on denying.

“Hindi ka ba papasok? Medyo malamig na dito sa labas,” sabi nito.

Noon lang niya napasinng naroroon na pala sila sa tapat ng kanyang apartment. Ito ang nagbukas ng gate para sa kanya. “Bakit ka nga pala narito?” tanong niya. “Gabi na, ah.”

I am waiting for you,” wika nito nginitian pa siya. “Dumaan kasi ako rito kanina pero nakasara itong apartment mo.”

“Dumaan ka rito at hinihintay mo ako? W-why?” Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Biglang na-excite iyon sa kaalamang hinihintay siya nito.

“Hindi ba nangako ako sa iyo na bibigyan kita ng carbonara na niluto ko?” Ipinakita pa nito sa kanya ang dalang plastic container. “Ininit ko na yan kasi medyo malamig na.”

Nadismaya siya. Akala pa naman niya ay iba ang dahilan nito. “Hindi ka na sana nag-abala pa,” walang kagana-ganang sabi niya. Gusto rin niyang mainis na hindi niya maintindihan.

Why, Lorin? Are you expecting something? tila nang-aasar pang tanong ng makulit na bahagi ng kanyang isip.

Of course not! I am not expecting anything so shut up.

Naiinis na pinihit niya ang seradura at itinulak pabukas ang pinto. Sumunod sa kanya si Chad. Pabagsak na umupo siya sa sofa.

“Mukhang pagod ka, ah. Saan ka ba galing. Hinahanap ka kanina ni Mama.”

“Galing ako kina Mama. Dinalaw ko sila ni Papa,” aniya habang nakapikit. bigla kasi siyang nakaramdam ng pagod.

“Ganoon ba?” sabi nito. “Sige, dadalhin ko muna ito sa kusina. Nagugutom ka na ba? Ipaghahain kita.”

“Bahala ka,” sabi naman niya.

Nanatiling nakapikit siya habang nakasandig ang ulo niya sa backrest ng sofa. Napagod siya sa layo ng nilakad niya. Medyo malayo rin kasi ang main gate ng subdivision hanggang sa apartment niya. Mayamaya ay naramdaman niyang may nagtatanggal ng sneakers niya. Pagdilat niya ay muntik pa niyang masipa si Chad nang makita niyang hawak nito ang kanyang binti.

“chad, ano’ng ginagawa mo?” nagtatakang tanong niya. “Ako na ang magtatanggal ng sneakers ko. Hindi mo na ako kailangang tulungan.”

“Okay lang. Akala ko kasi, nakatulog ka na at nakalimutan mong tanggalin ang mga sapatos mo.” Hindi ito nakinig sa kanay. Ipinagpatuloy lang nito ang ginagawa. Pagkatapos hubarin pati ang mga medyas niya ay saka lang nito binitiwan ang kanyang mga paa. He then stood up and put her sneakers on the shoe rack. Sinundan niya ito ng tingin. “Nakahanda na nga pala ang mesa,” wika nito. Bitbit naman nito ang isang pares ng tsinelas niya at ibinaba ang mga iyon sa kanyang paanan. “Puwede ka nang kumain.”

“Thank you,” sabi niya. Pagkasuot sa mga tsinelas ay tumayo siya at nagtungo sa dining area. Ipinaghila pa siya nito ang upuan at doon siya umupo. Wala pa rin siyang kibo habang iniisip kung ano ang nangyayari. She could sense there was something different with Chad. Para kasing may kakaiba rito na hindi lang niya matukoy kung ano.

“Ikaw, hindi ka kakain?” tanong niya.

Humila ito ng upuan sa tapat niya. “Kumain na ako kanina. At saka busog pa naman ako. Kaya sige, kumain ka na lang.” Ngumiti ito. “I’ll just watch you eat.”

“Tatanungin lang kita, ha?” Kumutsara siya ng carbonara at inilagay sa plato niya. “May sakit ka ba? Para kasing kakaiba ka.”

“Ano’ng ibig mong sabihing kakaiba?”

“Well… uhm…” Paano ba niya ipapaliwanag na parang mas attentive ito at mas sweet ngayon kaysa noon? It was true Chad was really sweet and attentive. Pero bakit noon lang niya napunaang mga katangian nitong iyon> Paano ba niya sasabihin dito na bawas-bawasan nito ang pagiging mabait sa kanya? Because how could she not fall for him if he was this caring and nice to her? “Ah, kalimutan mo na lang ang sinabi ko. Sige, kakain na ako.”

Nakangiting tumango lang ito at hindi na nag-usisa pa. She then attacked  her food. Para hindi gaanong mailang ay hindi na lang niya tinitingnan ito. Ang kaso, naramdaman niyang tila nakatingin ito sa bawat pagsubo niya kaya napilitan tuloy siyabg mag-angat ng tingin. Only to find out he was really looking at her with amused eyes.

“I really love watching you eat, Lorin. Parang masarap ang lahat ng pagkaing niluluto ko,” he said. “You still look cute even when you’re eating. Ahm… pretty I mean. And I just found out I like looking at you.”

Bigla siyang nasamid dahil namali ang pasok ng kinakain niya sa kanyang bibig. Naubo tuloy siya. Mabilis naman itong nakalapit sa kanya at hinagud-hagod ang kanyang likod habang pinaiinom siya ng juice na ito rin ang nagtimpla. “O-okay na ako,” aniya bilang pagpigil dito. “Salamat.”

“Sigurado ka?”

She nooded, still feeling the sudden rush of excitement. Nang bumalik ito sa kinauupuan nito ay saka lang siya nakahinga nang maluwag.

“KUMUSTA na nga pala sina Tita Lydia at Ninong Anton?” tanong ni Chad.

“Hayun, okay naman si Papa,” sagot ni Lorin. “Nasa Laguna siya ng dumating ako. Kasama raw nag-golf ng mga kaibigan niya. Si Mama naman, wala pa ring inatupag kundi ang mga bulaklak sa hardin niya.” She was still feeling the fast beating of her heart. Ayaw niyang ipahalata rito iyon kaya ipinagpatuloy niya ang kaswal na pakikipag-usap dito. “Si Ninang Evely nga pala, kumusta? Hindi na kami nagkikita.”

“Mom’s fine,” he said, smiling. “Actually, kinukumusta ka nga rin niya.”

“Ano’ng sabi mo?”

“I told her you’re still the sam Lorin—tall, pretty, and sexy.”

Napangiti siya. He was really good for her ego. “Inuuto mo na naman ako. Pero okay lang dahil totoo namana ang sinabi mo,”wika niyang ngumisi pa. “In fairness, masarap itong carbonara mo.”

“Mabuti naman at nagustuhan mo. Natuwa nga si Mama nang sabihin ko sa kanya na kasama ktang namili ng mga ingredients ng mga niluto ko para sa kanya.”

“Talaga?”

Tumango ito. “Oo. Alam mong paborito ka n’on. She’s actually asking me a lot about you.”

“Anu-ano naman ang mga itinanong sa iyo ni Ninang tungkol sa akin?”

“Marami. She’s asking me how you’ve been doing, what you’ve been doing, and if you already got a boyfriend.”

“What did you tell her?”

“I told her you are doing well and you are still dating.”

“Bakit ganoon ang isinagot mo?”

Kumunot ang noo nito. “Bakit? Mali ba anh sinabi ko?”

Huminga siya nang malalim. Wala ngang mali sa sinabi nito. Kaya nga lang ay nahihiya siyang malaman ng ninang niya na wala pa rin siyang boyfriend. Kunsabagay, sa dalas ng pag-uusap nito at ng kanyang ina, imposibleng hindi nito malaman ang tungkol sa bagay na iyon. Bakit nga ina-update pa ng nanay niya ang ninang niya sa kasalukuyang status ng love life niya. No wonder, naiisip ng ninang niya na ang anak nito ang makatululuyan niya.

“Wala naman,” sagot niya. “So, anu-ano pa ang napag-usapan ninyo?”

“Well, she asked me when I’d be getting married.” Tumawa ito “Hindi ko maintindihan kung bakit lately ay kinukulit ako ni Mama na mag-asawa.”

Kinabahan siya sa sinabi nito. She crossed her fingers behind her and hoped her Ninang Evelyn didn’t say anything about Chad and her getting married. Dahil kapag nangyari iyon, wala na siyang mukhang maihaharap kay Chad. Although he was the most sensible, most understanding, and micest person she knew, still, she was not comfortable with the idea of their parents pairing them up.

“A-ano pa ang sinabi niya sa iyo? Wala ba siyang i-s-in-uggest na pakasalan?” kinakabahang tanong niya. Utang-na-loob, huwag naman sanang sinabi ni Ninang na pakasalan mo ako.

“Wala naman. Ang sabi lang niya sa akin, hindi na sila bumabata ni Papa at gusto na nila parehong magka-apo,” sagot nito. “Bakit nga pala?”

Kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag. Kung ganoon ay wala pala dapat siyang ipag-alala. Ang nanay talaga niya ang umaasang si Chad ang makatuluyan niya. “Nothing. I’m just asking,” she said, already smiling. “Actually, pareho lang si Ninang at si Mama. Kanina, iyon din ang sinabi niya sa akin. Tinanong ako ni Mama kung kailan ko balak mag-asawa dahil gusto na raw niyang magka-apo,” aniyang natawa pa nang bahagya. “Paano naman mangyayari iyon kung hanggang ngayon ay ni wala nga akong boyfriend?”

“Parents…” wika nitong umiling-iling pa. “But anyway, walang problema sa akin kung gusto na ni Mama na mag-asawa ako. I’m to commit myself anytime.”

Nabitin sa ere ang tinidor niya at napatingin siya sa mukaha nito. Tama ba ang narinig niya? Chad was ready to commit himself anytime? Kung ganoon, nag-iisip nang mag-asawa ito? “May balak ka nang magpakasal?” tanong pa niya.

“Yup,” walang kagatul-gatol na sagot nito. “If she will have me.”

“Wala ka namang girlfriend ngayon, hindi ba? So, sino ang pakakasalan mo?” Hindi niya alam pero parang may pumiga sa puso niya sa isinagot nitong iyon.

Ngumiti ng makahulugan ito. “Tapusin mo na ang pagkain mo. May pasok ka pa bukas kaya dapat hindi ka nagpupuyat.,” pag-iiba nito sa usapan.

Gusto pa sana niyang usisain ito tungkol sa babaeng pakakasalan nito pero bigla siyang nanghina. Nawalan na rin siya ng ganang kumain. Just thinking of Chad getting married made her heart ache. Ayaw na niyang isipin na posibleng dumating  ang araw na maghihiwalay rin silang dalawa at magkakaroon ng kanya-kanyang pamilya. “Busog na ako,” wika niya. Tumayo siya. Akmang ililigpit niya ang mga pinagkainan pero pinigilan siya ni Chad.

“Sige na, magpahinga ka na. Ako na ang bahalang magligpit nito.”

“Pero—”

“Magpahinga ka na sa kuwarto mo, Lorin. Alam kong inaantok ka na.”

Hindi na siya nakipagpilitan pa rito. Somehow, knowing he wanted to get married to someone drained all her energy. “Sige. Goodnight na lang,” aniya.

“`Night, Lorin.” Ikinagulat niya nang labis nang halikan siya nito sa noo. “Sleep tight.”

Ilang sandaling nakatingin lamang siya rito bago siya tumango. Then she headed for the stairs. Pero bago siya umakyat doon ay sinulyapan uli niya ito. Please, don’t make me fall in love with you, lalo na ngayong nalaman kong may pakakasalan ka na palang iba. Lalo ka lang naging off-limits sa akin.

Make a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: