Chapter 4

Posted on October 4, 2010. Filed under: Stolen Heart |

“I. ..” PAKIRAMDAM ni Anica ay nanigas ang mga kalamnan niya dahil sa tindi ng pagkapahiya. Pati yata kalamnan niya ay namanhid na kaya hindi siya makapagsalita.

“Just make her go away,” sabi ni Suzzaine ikinawit ang mga braso nito sa katawan ng lalaki. “Marami tayong dapat pag-usapan.”

Hindi ito pinansin ng lalaki, bagkus ay tinanggal nito ang mga braso ni Suzzaine na nakapulupot dito, at nilapitan siya. “What are you doing here? What’s your name?”

“I’m t-the m-manager,” she managed to say.

“And what are you doing inside my suite?” galit na tanong ng lalaki. “Invading my privacy?”

“Xandrick!” galit na tawag muli ni Suzzaine. “There’s no need for interrogation. She’s Miss cuervo, the hotel general manager. Paalisin mo na siya, ngayon din.”

She felt her blood drain from her facewhen his name finally sunk in her brain. Tinawag ni Suzzaine na “Zandrick” ang lalaki. This man was Xandrick Jemosa? The one who she was supposed to be in love with! Well … Well … Well …! Dahil sa mga nangyari ay nakalimutan niyang sa silid nga pala siya nito pumasok.

“Go home, Suzzaine,” mahinang utos ni Xandrick habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. “We will call just tonight.”

“What?” tila hindi makapaniwalang bulalas ni Suzzaine. “Siya ang dapat mong paalisin at hindi ako!”

Kulang na lang ay mapatango siya sa pagsang-ayon sa sinabi ni Suzzaine. Nabibingi na siya sa lakas ng pintig ng puso niya, idagdag pa ang lakas ng boses ng dalawa at ang patuloy na pag-ring ng telepono.

“I said, go home,” utos uli ni Xandrick.

Galit na tumayo  si Suzzaine at inayos ang damit nito. Pagkatapos siyang tapunan ng matalim na tingin ay taas-noong lumakad ito palabas ng suite.

Nang tuluyan na silang mapag-isa ni Xandrick ay lalong lumakas ang tibok ng puso niya. Sobra-sobrang kahihiyan na nga ang nasuungan niya, may interrogation pa!

Sinagot ni Xandrick ang telepono. “Hello? Martin? Ano’ng balita?”

Kitang-kita niya kung paanong ang kunot ng noo nito ay lalo pang nagusot habang nakikipag-usap.

“What? Paano nangyari iyon? No, tell me later.” Matalim ang mga matang tumingin ito sa kanya. “May aayusin lang ako rito, pagkatapos ay pupunta na ako riyan. Bye.”

Ibinaba nito ang telepono at humarap sa kanya. “Uulitin ko ang tanong ko, Miss Cuervo,” he said in a dangerously low voice. “Ano’ng ginagawa mo rito sa loob ng suite ko?”

She took her time gathering her scattered senses, Which was very much unlike her. Nang mapayapa na ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso at bumalik na ang init ng kanyang palad ay nagawa na niyang tumingin nang diretso sa mga mata nito.

Ang ganda ng mga mata niya.

“Answer me,” he ordered in an impatient tone.

Napapitlag siya. “Pumunta ako rito para kausapin ka sana tungkol sa kaunting problema,” simula niya. She wanted to praise herself when she did not stammer. “To put it bluntly, I wanted to talk to you about the scandals your girlfriends are making while you’re here.”

“Wala akong girlfriend,” tila bale-walang sagot nito. “Hindi ko sila inutusang manggulo, kaya wala akong kinalaman diyan. You can not possibly expect me to be responsible for another person’s actions.”

“Ikaw ang dahilan kung bakit nangyari iyon. At sa tingin ko, that will be a good basis to say you’re responsible for their actions. It affects the hotel’s reputation. Hindi naman sa pinakikialaman ko ang personal na buhay mo — “

“Na siyang eksaktong ginagawa mo ngayon,” sarkastikong pamamatlang nito sa sinasabi niya.

Bahagya siyang nairita. Ganunpaman, nagpatuloy siya sa kanyang sinasabi. “Trabaho ko ang pangalagaan ang pangalan ng hotel na ito. This is a five-star hotel Mr. Jemosa. A prestigious one. We do not want that image to be destroyed simply because of your women.”

“Okay, I’ll take care of it. My apologies.”

Parang ayaw niyang maniwala na narinig niyang humingi ito ng paumanhin. Sa loob ng wala pang sampung minuto niyang nakilala ito, isa lang ang tumatak sa kanyang isip: hindi ito ang tipo na mabilis sumang-ayon o ang humingi ng paumanhin.

“Tapos ka na?”

“Ha? I mean … yes,” he answered. “And apologies accepted.” Tatalikod na sana siya para umalis ngunit napahinto siya nang hawakan nito ang kanyang braso. She looked at him inquiringly.

“Anong ginagawa mo rito sa loob ng suite ko? Hindi ka ba marunong kumatok?” Dumagundong na naman ang boses nito nang magsalita.

Sa halip na kabahan katulad ng naramdaman niya ilang minuto lang ang nakaraan, nakadama siya ng bahagyang pagkainis. Kailangan ba siyang sigaw-sigawan nito? Her voice was calm when she answered, the way she always spoke when dealing with hardheaded guests.

“Bukas ang pinto mo nang dumating ako . And I did knock, But I heard your angry voice so I decided to leave and talk to you another time. Pero hindi pa ako nakakalayo ay nakarinig ako ng mga pagbabasag. I thought there was trouble and I decided to check. I am sorry. “

“To check or to spy?” sarkastikong tanong nito.

Mabuti na lamang at sanay na siya sa mga ganitong uri ng mga guest, mga tipo na hindi marunong tumanggap ng paliwanag kahit kapakanan na nila ang iniisip. Kung hindi ay baka nasigawan na niya ito o hindi kaya ay nilayasan dahil sa pang-iinsulto nito sa kanya.

“I have no interest in your personal affair, unless it’s something that affects our hotel. It’s my duty to ensure the safety of our guests, that’s why I came in. Kung alam ko lang na hindi mo kailangan ng tulong ay hindi na ako papasok,” sagot niya. “Again, I’m sorry.”

Nilabanan niya ng tingin ang mga tinging ipinukol nito sa kanya. Being a guest didn’t give him the right to insult her. At kahit nasaan pa silang lugar ay hindi siya papayag na basta na lamang insultuhin ng isang lalaki. She was just doing her job, plain and simple!

“How about my business affair?”

“Your what?” tanong niya. “Look, Mr.. Jemosa, I’m sorry I came in here without permission. I did it with good intention. If we’re finished,  aalis na ako. Marami pang trabahong naghihintay sa akin.”

Matagal siyang tinitigan nito bago nagsalita, waring sinusukat kung totoo ba ang kanyang sinasabi o hindi.

“Pwede ka nang umalis,” aroganteng sabi nito. “But in any case that I can prove you were up to something …” Dahan-dahang lumapit ito sa kanya habang hindi inaalis ang pagkatitig nito sa kanya. “I’ll make sure you will regret it.”

She held her ground and stared defiantly back at Him. Wala siyang kinalaman sa ibinibintang nito kaya hindi nito magagawang takutin siya. She tilted her head and smiled innocently. “Sure. Good-bye, Mr.. Jemosa.”

She took several deep breaths to sticking her heart. God! Xandrick Jemosa was dangerously hamdsome and unbelievably sexy. He was also one hell of paranoid and incredibly annoying!

Napailing na lamang siya nang maalala si Suzzaine. Sigurado siyang walang relasyon ang dalawa. Kung mayroon man ay bakit ganoon na lang kung paalisin ni Xandrick ang babae? At bakit kailangan pang ipagpilitan ni Suzzaine ang sarili nito mayakap lamang si Xandrick? Naalala niya kung paano nito ipinagdidiinang walang girlfriend ito.

Bakit kaya? Hindi kaya totoo ang sinabi ni Yza na woman-hater ito?

“BAKIT isinama mo pa ako rito sa appointment mo?” tanong ni Anica sa Kuya Aron niya pagbaba nila ng kotse. He asked her to accompany him that night. They would be having with the owner of Silver Go, a fast-growing automotive spare parts company, which their company wanted to buy.

Iginiya siya nito papasok sa restaurant kung saan naghihintay ang ka-appointment nito. “I need your charm to pursuade him to sell his company. Masyadong matigas ang lalaking ito, ayaw ibenta ang kompanya niya kahit binigyan ko na siya ng mataas na offer. And I admit, bumilib ako sa kanya dahil doon. hindi siya basta-basta bumibigay sa harap ng pera.”

“Nagpapatawa ka ba, Kuya? hindi ko linya iyang ipinagagawa mo. Isa pa, wala akong alam tungkol sa negosyo natin. Paano ko siya kukumbinsihin?”

Huwag kang nang magtanong. Hindi ka ba natutuwa? Finally, you’re helping your family’s business,” sabi nito.

Ilang saglit pa ay sinalubong na sila ng receptionisy at itinuro nito sa kanila ang mesang naka-reserve sa kanila.

“There he is. Punctual sa ever,” bulong ng Kuya Aron niya sa kanya habang naglalakad sila palapit sa mesa.

Nakatalikod ang lalaki sa kanila kaya hindi niya nakita ang mukha nito. Pero ganoon na lang ang kanyang gulat nang humarap ito at ipakilala siya rito ng kuya niya.

“Xandrick, meet my baby sister, Anica. Anica, this is Mr. Xandrick Jemosa, the president and owner of Silver Go.”

“Kilala ko na siya,” pormal na sabi ni Xandrick. I’m staying at their hotel.”

“In that case, there’s no need for further introductions,” anang kuya niya. “Let’s get down to business.”

Nang makaupo sila ay agad na lumapit ang isang waiter at hiningi ang kanilang order. Pagkaalis ng waiter ay nagsimulang mag-usap si Xandrick at ang kuya niya.

Parang gusto niyang mailing habang nakikinig sa usapan ng mga ito. Ang Kuya Aron talaga niya hindi siya isinama nito para makatulong sa negosyo nila. Isinama siya nito sa pag-aakalang hindi pa sila magkakilala ni Xandrick.

Her Kuya Aron was playing cupid!

She almost groaned at the thought of it. At kung kilala niya ang kanyang kapatid, nasisiguro niyang umpisa pa lang iyon ng “pagtulong” nito sa kanya.

This was not good.

“What can you say, Anica?”

Gulat na napatingin siya kay Xandrick. Tinatanong siya nito? Himala! Ang akala niya ay kinalimutan na nitong naroon siya.

“I’m sorry. Ano’ng itinatanong mo?”

“Looks like your baby sister’s not with us,” sabi nito sa Kuya Aron niya.

“She’s not in her usual self. Kaya nga isinama ko siya ngayon para ma-distract kung ano man ang gumugulo sa isip niya,” nakangiting sabi ng Kuya Aron niya. Kapagkuwan ay pasimpleng kumindat ito sa kanya.

Parang gusto niyang sipain ang kanyang kuya dahil sa tindi ng inis dito. Mabuti na lamang at dumating ang kanilang order. Kung hindi ay hindi pa rin niya alam kung ano ang kanyang sasabihin.

Muli ay kinalimutan na siya ng dalawa nang ituloy ng mga ito ang pag-uusap habang kumakain. Pilit na inalis niya sa isip ang mga alalahanin at nakinig na lang sa mga ito. Mahirap na, baka bigla na naman siyang tanungin at wala na naman siyang maisagot.

Napag-alaman niyang ang Silver Go ay ang pinakamalaking importer-distributor ng spare parts sa Davao. Ang area of distribution niyon ay nasa Visayas at Mindanao.

Gusto ng kanyang mga kapatid na bilhin ang Silver Go para maging subsidiary ng kanilang kompanya, ang Cuervo’s Parts Corporation, isang nationwide distributor. Sa palagay ng kanyang mga kapatid ay magiging mas matatag ang kanilang kompanya kung mapapasakanila ang kakompetensya nito sa Visayas at Mindanao market.

Natapos ang gabi na hindi man lang siya kinausap muli ni Xandrick. Hindi niya maintindihan kung may personal bang galit ito sa kanya o sadyang galit lang ito sa babae. Sobrang ilap nito at hindi niya maintindihan iyon.

“Nagustuhan mo ba ang sorpresa ko?” nakangiting tanong ng Kuya Aron niya sa kanya habang nagmamaneho ito. “Tama nga yata ang sinabi ni Yza. Hindi ka talaga pinapansin ni Xandrick. Pero huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa iyo.”

Kung hindi lang siya namomroblema kung ano ang mga plano nito, malamang ay natawa na siya sa reaksiyon ng mga mukha nito. He was obviously pleased with himself for bringing her with him. Halatang umaasa itong may mangyayaring maganda sa love life niya.

“Kuya, I will appreciate it very much if you would just stop what you’re doing,” napapailing na sagot niya. Hindi puwedeng magpatuloy ang kalokohan nito, kung hindi ay baka makahalat si Xandrick.

“Anica, alam kong hindi mo gustong pinakikialaman ka sa mga ganitong bagay. But are your brothers’ for if we can’t help you? Pasalamat ka nga’t ako ang personal na may kakilala kay Xandrick at hindi sina Kuya angelo. Kung hindi baka mas matindi pa ang gawin ng mga iyon kaysa sa akin,” mahabang paliwanag nito.

“Kailan mo pa nakilala si Xandrick?” curious na tanong niya.

“I had known for years that he’s our competitor in Davao, but I only met him a couple of months ago. Hindi kita masisisi, he’s a good man and a good catch,” maikling sagot nito. Inihinto nito ang kotse sa tapat ng kanyang town house. Iniabot nito sa kanya ang isang folder. “Ibigay mo ito bukas kay Xandrick. Tell him I forgot to give it to him.”

Nakalimutan mo o sadyang kinalimutan?” nagdududang tanong niya habang kinukuha ang folder.

Tumawa ito. Ginulo nito ang kanyang buhok katulad ng nakagawian nito noong mga bata pa sila. “Just trust me, okay? Come to think of it, kapag nagkatuluyan kayong dalawa, hindi na ako mahihirapang kumbinsihin siyang ibenta ang kompanya niya. Isn’t it great?” biro pa nito.

“Ewan ko sa iyo.” Bumaba na siya ng kotse nito. Habang tinitingnan niya ang papalayong kotse ng kanyang Kuya Aron ay hindi niya napigilan ang mapasimangot. She had to tell her family the truth. And she had to do it as soon as possible. God! Hindi niya kakayanin ang kahihiyan kapag nahalata ni Xandrick na ibinubuyo ito ng kapatid niya sa kanya.

Naman! I have to fix this or else, baka sabunutan ako ng woman-hater na iyon.


Make a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: