Chapter 3

Posted on October 3, 2010. Filed under: Stolen Heart |

“SINO si Xandrick Jemosa?” tanong niya kay Yza pagkasakay na pagkasakay nila sa kotse nito.

“Don’t you remember him?” ganting-tanong ni Yza habang binubuhay ang makina ng kotse. “He’s the rich, handsome and yummy businessman we saw six months ago. Iyong delegate sa conference na ginanap sa hotel ninyo.”

Tumango siya nang maalala ang sinasabi nitong lalaki. “Hindi ko nakita ang mukha niya, nakatalikod na kasi siya nang dumating ako. Bakit siya ang sinabi mo sa mga kapatid ko?”

“He’s the perfect guy,” sagot nito. “Kaunti lang ang nakakakilala sa kanya rito sa Maynila dahil sa Davao naka-base ang negosyo niya. Four months ago ay inumpisahan niyang itayo ang branch nila rito, so he comes here from time to time. And if he doesn’t stay here a lot, maliit ang possibility na kakilala siya ng pamilya mo. By the way, totoo iyong sinabi kong woman-hater siya.”

“Sa pagkakatanda ko ay wala kang alam tungkol sa lalaking iyon. Bakit ngayon ay parang nag-research ka sa dami ng alam mo sa kanya?” Napataas ang isang kilay nito nang marinig ang pagdududa sa kanyang boses.

“Come on, Anica. Alam mong crush ko siya noon pa lang. Natural lang na i-research ko siya.”

“Bakit mo naisip iyon?”

Hindi na niya kailangan pang i-elaborate ang tanong dahil sigurado siyang maiintindihan na nito iyon. Sa sobrang tagal ng pagkakaibigan nila, kaya na nilang basahin ang takbo ng isip ng bawat isa.

“I saved your butt, didn’t I? Kung hindi ko sinabi ang mga iyon, baka hanggang ngayo’y kinukulit ka pa rin ng parents at mga brothers mo. At least, you’ll have your peace even for a while.”

“Are you honestly saying that your little drama earlier has notthing to do with our bet?”

“Yes. And even if it has, what can I do about it?” painosenteng tanong nito. “You’re the one who’s in control of the situation. Walang mangyayari kung hindi mo gustong mangyari.”

Tumango lamang siya. She instinctively knew that Yza was up to something but she couldn’t prove it. Isa lang ang ugaling pareho sila nito, at iyon ay ang hindi pagsuko nang walang ginagawang laban.

“Ano na ang plano mo?” mayamaya ay tanong nito.

“I’ll go with the flow. After a few weeks or a month, I’ll tell them that I’m over him.”

Ngumiti ito nang ubod ng tamis. “Good luck,” sagot nito.

KATULAD ng kanyang nakasanayan, pasado alas-siyete ng gabi ay nasa hotel pa rin si Anica. Pagod na isinandal niya ang kanyang likod sa kanyang swivel chair. Ipinikit niya ang mga matang napagod sa maghapong pagharap sa computer.

Anim na buwan na lang at matatapos na ang pustahan nila ni Yza. The tiara would finally be safe. At isinusumpa niyang kahit ano ang mangyari, hindi na niya iyon ikokompromiso.

Ang tiara ay pamana sa kanya mula sa pamilya ng kanyang mama. Ipinagawa iyon ng isa sa mga ninuno niyang lalaki at ibinigay iyon sa babaeng minamahal nito. Ang tiara ay unang isinuot ng kanyang mga ninunong babae sa araw ng kasal ng mga ito. Sa bawat henerasyon ay ipinapamana iyon sa panganay na anak na babae upang isuot sa araw ng kasal.

Nagpasalin-salin na ang tiara sa iba’t ibang henerasyon ng kanilang pamilya. Ngayon nga ay nasa kanya na iyon kaya gagawin niya ang lahat huwag lamang lumabas iyon sa kanilang pamilya. Kung hindi ay baka multuhin siya ng mga ninuno niyang babae.

Natigil ang pagmumuni-muni niya ng biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Gulat na napatingin siya sa isang galit na galit na babae. Hindi nito pinansin ang pagpigil ng kanyang seckretarya, dire-diretso ito sa kanyang harap.

“Are you the manager?” galit na tanong nito.

Sinenyasan niya ang kanyang sekretarya. Nasa mukhaa nito ang pag-aalala nang iwanan sila at lumabas ng opisina. Tumayo siya at nakangiting inilahad ang kamay sa babae. “I’m Anica Cuervo, the hotel’s manager. What can I do for you?”

Ni hindi nito tiningnan ang kanyang kamay. “I’m Suzzaine Rivas, daughter of one of the stockholders of this hotel. I asked for the room number of my boyfriend and your stupid receptionist won’t give it to me. Wala raw sa master list ninyo ang pangalan niya.”

Tumango siya. Ito pala ang nag-iisang anak ng mga Rivas. Kilala niya ang ama nito na isa sa anim na stockholders ng hotel pero ngayon lamang niya nakita nang personal si Suzzaine. Maganda pala ang babae. Maganda pero antipatika.

“Then that only means he’s not here. Baka sa ibang hotel siya nagpunta,” malumanay na sagot niya. Bakit hindi na lang sa supervisor ito nagpunta?

“Imposible. Dito lang siya tumutuloy kapag narito siya sa Manila. Ang sabihin mo, incompetent ang staff dito. Simpleng room number lang ipinahahanap ko’y hindi pa mahanap,” mataray na sagot nito. “I’ll make sure my dad will know about this.”

Pinigil niya ang pag-iinit ng ulo. Iyon ang nag-iisang bagay ba hindi niya kayang tagalan, a typical spoiled brat!

“We have a computerized system on signing in our guests. Kung narito nga ang taong hinahanap mo, imposibleng hindi makita iyon sa computer.”

“The hell with that!” sigaw nito, pagkatapos ay lumbas na ito.

Naiiling na sumunod siya sa babae. Sumisigaw pa ito nang dumaan sa reception area. Nang makarating siya sa reception area ay agad na hinanap niya ang supervisor.

May inihatid po siyang guest sa suite, Ma’am,” sagot ni Gina, isa sa mga staff doon. “Regular guest po kasi natin kaya sumama siya sa paghatid.”

Napatango siya bago muling nagtaning. “Sino ba ang hinahanap ni  Miss Rivas?”

Pinigil niya ang pagtaas ng kilay nang mapansin ang kakaibang ngiti ni Gina nang sumagot. “Si Mr. Jemosa po. Regular guest, every month po ay narito siya.”

Parang sumikdo ang puso niya nang marinig ang apelyidong “Jemosa.” Parang bigla siyang kinabahan. Baka si Xandrick ang “Jemosa” na naroon sa hotel nila.

Ano naman ngayon? Wala namang alam si Xandrick sa kuwentong ginawa namin ni Yza. At isa pa, maraming “Jemosa” sa Pilipinas.

She cleared her head. “Bakit ipinagpipilitan ni Miss Rivas na narito siya?”

“Narito naman po talaga siya ngayon,” nakangiting sagot ni Gina. “But he registered under a different name to avoid any unwanted visitor. Masyadong busy po kasi siya. He has been doing this for three months now.”

“Ngayon lang ba nangyari ang ganito?”

Saglit na nag-iisip ito. “Siguro po, mga apat na beses na. Madalas po nagagalit lang, pero minsan po ay nagwawala tulad n’ong kanina. Every time na narito siya ay may babaeng naghahanap sa kanya. Dati po ay walang nagiging problema dahil itinatawag lang namin sa kanya kung may bisita siya at pagkatapos ay pinatutuloy na sa suite niya. Pero nitong huling tatlong bulan, mahigpit niyang ipinagbilin na huwag tatanggap ng bisita, unless may prior notice mula sa kanya.”

Napailing siya. Hindi niya gusto ang paggawa ng eksena ng mga babae ni Mr. Jemosa. Malaking hotel iyon at malaki at kilalang tao ang pumupunta roon, hindi maganda para sa imahe ng hotel ang makitang may babaeng nagwawala roon, lalo na kung isa roon ay anak ng stockholder.

Bumalik siya sa opisina niya para maghanda nang umuwi. Usually, they did not concern themselves with the guests’ personal problems but that one was different. Kapag may pagkakataon ay kakausapin niya si Mr. Jemosa.

KINABUKASAN, hindi napigil ni Anica ang inis nang malamang bumalik si Suzzaine nang nagdaang gabi. Dumiretso raw ito sa bar ng hotel at doon nanggulo. Dahil anak ng big boss at bahagyang lasing ang babae, nahirapan nag security staff na paalisin ito.

May mga ilang guest daw ang nagreklamo at ang ilan ay umalis at lumapit na lamang sa ibang bar. Natigil lamang daw ang gulo nang mismong si Mr. Jemosa na ang bumaba at kumausap kay Suzzaine.

Bakit hindi niya harapin ang mga babae niya? Hindi iyong pagtataguan niya. Anong klaseng lalaki siya?

Alas-diyes nang magsimula siyang maghanda. Syon kay Gina, alas-onse ng umaga madalas umaalis si Mr. Jemosa at kadalasan ay gabi na kung bumalik ito. Sobrang busy na tao. She figured that ten o’clock in the morning was decent enough to make a visit. Ayaw niyang masyadong maistorbo ito kaya siya na lamang ang pupunta sa suite nito, tutal ay hindi naman siya magtatagal doon.

Pumunta siya sa suite nito. Room 884, ayon kay Gina. Nang makarating sa right floor, dumiretso agad siya sa suite ni Mr. Jemosa.

Nakaawang ang pinto nanag makarating siya roon kaya narinig niya ang galit na boses ng isang lalaki. She presumed it was Mr. Jemosa. Wrong timing yata siya, mukhang hindi maganda ang mood nito.

She cursed herdelf for not setting an appointment before going up to his room. Ano ang magagawa niya? Baka madagdagan na naman ang babaeng nag-eeskandalo sa ibaba kapag pumila pa siya sa mahabang listahan ng mga appointments nito.

Nag-iisip pa rin siya kung tutuloy o hindi nang makarinig siya ng tila nabasag na bagay. Kinabahan siya. Baka nagkakasakitan na sina Mr. Jemosa at ang kasama nito sa loob.

Lalong nagtalo ang kanyang isip kung tutuloy o hindi.

“Hear nothing… see nothing.” Iyon ang golden rule nila sa hotel pagdating sa personal na buhay ng kanilang mga guests. Maliban na lang siyempre kung madadamay na ang hotel sa problema ng mga ito.

Nakailang hakbang na siya palayo ng suite nang makarinig na naman siya ng pagkabasag mula sa loob kasunod ng malakas na pagkalabog sa dingding.

Kinakabahang bumalik siya at kumatok sa pinto ng suite. Ayaw niyang makialam pero kailangang alamin niya kung ano ang nangyayari sa loob. It was her responsibility to check if something was wrong.

Nang walang sumagot ay pumasok siya sa loob. Sinalubong siya ng isang maliit na receiving room. Napabilis ang kanyang paghakbang nang makarinig ng isa pang pagkabasag. Sa kitchen, sa isip-isip niya. Dahil kabisado niya ang halos pareh-parehong layout ng mga hotel suite ay hindi siya nahirapang tuntunin kung saan nanggaling ang tunog.

She was expecting a fight, a violent one. Never, as in never did she expect to see Suzzaine Rivas in a semi-nude state trying desperately to kiss a man, surrounded by broken vases, glasses and who knew what else!

She was speechless. Nalulon yata niya ang dila niya sa sobrang gulat sakanyang nakita. Kitang-kita niya kung paano pilit na niyayakap ni Suzzaine ang lalaki habang ang lalaki naman ay pilit lumalayo rito.

Hindi agad siya napansin ng dalawa dahil ang pinasukan niyang pinto ay nasa gilid at parehong bahagyang nakatalikod ang mga ito sa kanya. Dahan-dahang umatras siya bago mabilis na tumalikod. ang balak niyang tahimik na paglabas ay hindi natuloy dahil biglang nag-ring ang telepono malapit sa kanyang kinatatayuan. Sa sobrang gulat ay napatili siya.

“Shit!” mahinang sambit niya na baka narinig siya ng dalawa. Dahan-dahang umikot siya at sinalubong ang gulat na tingin ng dalawa.

“Who the hell are you?” dumagundong ang boses na tanong ng lalaki sa kanya.

Make a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: