Chapter 5

Posted on October 2, 2010. Filed under: Listen To Your Heart |

“PAKIULIT nga ng sinabi mo, Winnie?” tanong dito ni Lorin.

“I said I can’t date Chad.” Bumuntong-hininga ito. “I’m sorry, Lorin.”

Kumunot ang kanyang noo. Winnie was a friend. Taga-editorial department ito. Mula nang mag-usap sila ni Chad sa restaurant ay sineryoso niya ang paghahanap ng makaka-date nito. Isa si Winnie sa mga alam niyang single sa companya nila kaya nga isa rin ito sa nilapitan niya. Kilala nito kahit paano si Chad dahil nga kung minsan ay sinusundo siya roon ng kinakapatid. Ito rin ang kasama niya kapag may mga company gatherings sila.

Sa pagkakaalam din niya, minsan ay naging crush ni Winnie ang kanyang kinakapatid kaya ipinagtataka niya kung bakit nito tinanggihan ang mungkahi niyang makipag-date kay Chad.

“Bakit ka nagso-sorry?” tanong niya rito. “And why can’t you date him? Is there something wrong with Chad? I thought you like him?”

Bumuntong-hininga uli ito. “Actually, there’s nothing wrong with him. And yes, I do like him. After all, Chad is the nicest person I know. Wala talagang problema sa kanya kung tutuusin. It’s just that I am currently unavailable right now,” paliwanag nito.

“Currently unavailable?” Ang alam niya ay single at available sa kasalukuyan ang status nito dahil  nabalitaab biyang break na ito at ang dating nobyo nito. “What do you mean currently unavailable?”

“Ahm…nagkabalikanna uli kami ng boyfriend ko,” nahihiya pang pag-amin nito.

“Ha? Hindi ba noong nakaraang linggo lang ay umiiyak ka dahil nakipag-break ka `kamo sa kanya dahil nahuli mo siyang may kasamang iba? Ano ang nangyari?”

“Uhm… well, we patched things up. Since I loved him, I accepted him again. Okay na kami ngayon kaya kami na uli.”

Gusto niyang pagtaasan ng isang kilay ito pero pinigil na lang niya ang kanyang sarili.

“Chad is really nice, Lorin. Not to mention he is handsome. At aaminin kong crush ko nga siya. Pero iba ang mahal ko, eh. And besides, bakit mo ba kina-career ang paghahanap ng makaka-date niya? Bakit hindi na lang ikaw ang makipag-date sa kanya?”

“And why would I date him?” Nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi niya inaasahang sasabihin nito iyon.

“Well, you should be the one to know the answer.” Nginitian siya nito at tinapik sa balikat. “O, siya, mauna na ako sa iyo at baka may naghahanap na sa akin sa cubicle ko.” Iyon lang at iniwan na siya nito.

Nananatili siya sa kanyang kinatatayuan. Sa limang inalok niyang makipag-date kay Chad, lima ang tumanggi. Lima rin ang nagsabi sa kanya na siya na lang ang makipag-date sa lalaki. “Bakit ba lahat ng tao sa kompanyang ito ay iyon ang sinasabi?” malakas na tanong niya sa kanyang sarili habang pabalik na siya sa kanyang cubicle. Pagbungad na pagbungad niya sa pinto ng kanilang opisina ay sinalubong kaagad siya ni Tin na may kakaibang ngiti at mukhang nag-aabang talag sa pagpasok niya.

“O, kumusta ang agenda mo? Successful ba?” usisa nito.

Sumalpak siya ng upo sa kanyang swivel chair at saka niya pinaikot iyon paharap sa kanyang computer. “Heh! Huwag mo akong kausapin. Naiinis ako.”

“Bakit ka naiinis?” Lumapit ito, sumandal sa kanyang desk at pinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib nito.

“Bakit kasi wala akong makitang babae na puwedeng maka-date ni Chad?”

“Kasi po, kung sinu-sino pa ang hinahanap mo. Sinabi na kasi sa iyong ikaw na lang. Sus!”

Humarap siya rito at pinandilatan ito. “Talaga bang hindi mo ako titigilan sa pang-iintriga mo, ha, Kristina?”

“Kung umaamin ka na ba at tinatanggap mo sa sarili mo ang katotohanang may gusto ka sa kinakapatid mo, di titigilan na kita,” sabi nito.

“Bakit ba ang kulit-kulit mo? Sinabi na kasing wala akong gusto sa kanya,” naiinis nang sabi niya. “At isa pa, saan mo ba napulot ang ideyang iyan at ayaw mo akong lubayan?”

“Hija, hindi ko napulot ang ideyang iyon. Masyaado ka kasing obvious kayay nahahalat ka tuloy. Besides, bakit ba hindi mo na lang kasi tanggapin nang maluwag sa dibdib mo na sa hinaba-haba ng prusisyon ay kay Chad din ang bagsak mo? Mas liligaya ang buhay mo kung tatanggapin mo sa sarili mo ang katotohanang iyon.”

“Ewan ko sa iyo.” Tinalikuran niya ito at hinarap na uli niya ang kanyang trabaho.

“Alam mo, Lorin, simple lang ang buhay. Nasa harap mo na ang kaligayahan mo, itinataboy mo pa sa iba. Ewan ko ba sa iyong babae ka.” tila nakokonsuming wika nito.

“Tapusin mo na lang iyang nile-layout mo at huwag ako ang iniintriga mo. Wala kang mapapala.”

Bahala ka na nga. Basta ipinapaalala ko lang sa iyo, kapag nahuli ang lahat dahil siyan sa mga kagagahan mo, huwag mo talaga akong lalapitan at ihahagis kita palabas ng kalawakan.”

Lumingon siya rito.

“Sinabi ko rin sa iyo na hindi mangyayari iyang sinasabi mo.”

“Ah, ewan! Inaaning mo ako. Makapag-trabaho na nga lang at nang may mapala pa ako.”

Nang humarap uli siya sa kanyang computer ay nahagip ng mga mata niya ang litrato nila ni Chad na nakadikit sa corkboard. Kuha iyon noong isinama niya ito sa company outing nila sa Batangas. Nakaakbay ito sa kanya habang siya naman ay nakangiti na tila wala nang bukas. Napabuntong-hininga siya habang tinitingnan ang litrato. Aaminin niya sa sarili na kung titingnan ay parang bagay nga sila.

Ano nga ba ang dahilan at pinagbabawalan niya ang kanyang sarili na magkagusto kay Chad? Bakit nga ba hindi puwede? Tama naman si Tin, kinakapatid lang niya si Chad. Hindi niya kapatid ito. At kung tutuusin, normal lang na magkagusto siya sa isang mabait, maginoo, at guwapong lalaki na katulad nito dahil normal na tao lang siya. Pero ano nga ba ang problema niya at pinagbabawalan niya ang kanyang sarili? Kung magkakagusto siya rito, di magkakagusto siya. Simple lang, ginagawa pa niyang komplikado. Baliw nga talaga siguro siya.

NAKASALAMPAK sa carpeted na sahig si Lorin habang ninanamnam niya ang katahimikan ng paligid nang biglang basagin iyon ng tunog ng doorbell. Wala sana siyang balak na pagnuksan kung sinuman iyong umistorbo sa pananahimik ng kanyang daigdig kaya nga lamang ay nakita niyang sumungaw sa bintana ang guwapong mukha ni Chad.

He was smiling cutely at her as he was peeping through the window curtains. Napabuntong-hininga siya habang pilit na isinasaksak sa isip na pangit ang kanyang kinakapatid. Because the more she looked at his handsome face, the more she thought she was indeed falling for him. Ano kaya ang puwede niyang gawin para papangitin ito sa kanyang paningin> Tumayo siya at pinagbuksan ito ng pinto.

“Bakit?” tanong niya.

“Mom’s coming over tomorrow. Could you help me buy some stuff at the grocery?”

“Hindi ba’t nag-grocery lang tayo no’ng isang linggo? Ubos na agad sng stock mo?” salubong ang mga kilay na tanong niya.

“Actually, no. Kaya lang, nag-request siya sa akin na magluto ng carbonara. Wala naman akong biniling pang-carbonara sa mga na-grocery natin,” anito, sabay hawak sa batok nito.

She sighed as she was looking at his sheepish smile. “Bibili ka lang pala ng pang-carbonara, bakit kailangan ko pang sumama?”

“Kasi po, ikaw ang eksperto sa pagpili ng mga ingredients para sa pasta,” katwiran nito.

“Hindi naman ako ang magluluto, ah.”

“Hindi nga. Pero malamang sa hindi, kakain ka n’on, hindi ba?” Nginitian uli siya nito. Kapag ngumingiti ito nang ganoon ay hindi na niya kayang pahindian ito. Bacause he just looked so…adorable. Balak pa naman niyang pansamantalang dumistansiya rito dahil nga naguguluhan siya. Pero hayun ito, ngumiti sa kanya at sa isang iglap lang ay naglaho nang parang bula ang plano niyang pag-iwas dito.

“Sige na nga,” aniyang kunwari ay napipilitan lang. “Basta tiyakin mo lang na masarap ang lulutuin mong carbonara. Mahal ang talent fee ko sa pagsama sa iyo.”

“Iyon lang ba? Walang problema. Alam mo namang malakas ka sa akin,” anito, sabay hapit sa baywang niya. “Halika  na.”

Tila nakahawak siya ng live wire dahil pakiramdam niya ay may gumapang na malakas na boltahe ng kuryente sa buong katawan niya nang biglang hapitin siya nito at napadikit siya sa katawan nito. Saglit din siya napatulala habang nakatingin sa guwapong mukha nito. She was afraid he could hear the fierce thudding of her heart inside her her chest. Sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya at kung may mga paa lang iyon, malamang ay nasa finish line na iyon.

She never expected that kind of reaction towards him.

Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya?

“Okay ka lang, Lorin?” pukaw nito sa pananahimik niya. “Kung ayaw mong sumama, sige, okay lang.”

“Hindi. Okay lang ako. Samahan kita,” aniya. Ayaw talaga sana niyang samahan ito. gusto niyang mag-isip. Pero parang ayaw naman niya sa ideyang iiwasan niya ito. Mahirap na at baka masalisihan siya ng bruhang si Trixie. Malakas kasi ang radar ng babaeng iyon pagdating kay Chad.

“Are you sure?”

“Oo.” Niluwagan niya ang pagkakabukas sa pinto para makapasok ito. “Tuloy ka muna. Magpapalit lang ako ng damit.” Bago pa siya makaalis ay pinigilan na siya nito at hinawakan ang kanyang kamay. Muntik na siyang mapapiksi dahil pakiramdam siya ay may kuryente na namang gumapang sa buong katawan niya sa pagkakadaiti ng kanilang mga balat.

“Huwag na. Okay na iyan. Baka kapag nagpalit ka pa, magmukha lang akong alalay mo. Cute ka na sa suot mong iyan.”

Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag dahil hindi nito nahalata ang biglang pagkailang niya. At para pagtakpan ang kakaibang nararamdaman ay sumimangot siya. “Huwag mo akong sabihan ng cute dahil hindi ako cute. Tao ako at hindi aso.”

“Oo na po. Sorry na.” Kinurot pa nito ang baba niya. “Hindi ko na uuliting sabihin na cute ka. You are pretty, you are sexy, and you are the nicest person who walked this side of the planet. `Ayan, okay na ba?”

Pinagtaasan niya ito ng kilay. Pakiramdam kasi niya ay inuuto siya nito. “Niloloko mo ba ako, ha?” tanong niya.

“Hindi. Nagsasabi ako ng totoo,” anitong ngumiti nang maluwag. “Ikaw, kailan ko naman maririnig na pupurihin mo ako kahit paano?”

Muling tumaas ang isang kilay niya. Was Chad fishing compliments from her? “Bakit naman kta kailangang purihin?” tanong niya.

“Kasi close tayo, hindi ba? Sa tagal nating magkakilala, ni minsansy hindi kita naringgan na pinuri mo ako kahit pabiro lang.”

Napabuntong-hininga uli siya, sabay titig sa guwapong mukha nito.

Bakit ba kailangan mong maging guwapo, kurimaw ka? “Well, in firness, sige na nga, may hitsura ka naman kahit paano,” umpisa niya. “Maganda na rin ang pangangatawan mo at hindi katulad noong mga bata pa tayo na bukod sa payatot ka na ay lalampa-lampa ka pa. Mabait ka rin sa kapwa mo at matulungin ka. Feeling ko nga, kapag magkasama tayo, masusunog ako sa kabanalan mo. All in all, kung hindi lang kita nakilala mula pagkabat, iisipin kong anghel ka na itinapon dito sa lupa,” pagtatapos niya at saka tumikhim nang malakas.

Gumuhit ang isang magandang ngiti sa mga labi nito. May kakaibang kislap ang mga mata nito habang hindi rin inaalis ang tingin sa kanya. “I never thought you see me that way, Lorin,” he said, smiling. “Salamat.”

Walang anuman,” sagot na rin niya. She might sound derisive but she really meant all she said to him. “Hay naku, nagbobolahan na lang tayo.” Tinapik niya ito sa balikat. “Tara na nga . Ginutom ako sa mga sinabi ko. Ilibre mo ako.”

“Oo, bah. Basta ikaw, Lorin, nanginginig pa.”

Hinawakan nito ang mga kamay niya. Nailang siya pero pinigilan niya ang kanyang sarili na bawiin ang kamay niya na hawak nito. Besides, it was good to feel his warm hands holding her hands. It was as if he was silently telling her everything would be all right as long as she was with him.

Make a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: