Chapter 2

Posted on October 1, 2010. Filed under: Stolen Heart |

WALANG imik si Anica habang nagmamaneho siya papunta sa bahay ninaYza. Ihahatid niya ang kanyang kaibigan dahil iniwan nito ang kotse nito sa basement parking ng King’s Palace at ipapasundo na lang daw  nito sa driver nito.

Mula nang lisanin nila ang bahay ni Madam Virginia—ang ipinagmamalaki nitong fortune-teller—ay hindi na napayapa ang kanyang isip. Bago kasi sila umalis doon ay hinawakan nito ang kanyang kamay, pagkatapos ay ngumiti nang makahulugan sa kanya.

“Matalino ka… May mga matang mapag-obserba. Dahil diyan ay hindi kita masisisi kung magduda ka sa aking kakayahan.”

“Ho?” nagtatakang tanong niya. Nagkatinginan sila ni Yza, parehong nagulat sa sinabi ng matandang manghuhula.

“Patingin ng kamay mo, hija.”

“Hindi po ako magpapahula,” tanggi niya.

“Ang paghula sa hinaharap ay iba sa  pagsilip sa hinaharap,” makahulugang sabi nito. “Kung ako ang tatanungin, mas gusto kong sabihing sinisilip ko ang mga nakalaang mangyayari. Tinitingnan at pinag-aaralan… hindi hinuhulaan.”

Ngumiti siya. “Pasensiya na po kayo, Madam Virginia. Wala po talaga akong hilig sa ganyang mga bagay,” muling tanggi niya.

Hindi ito sumagot, basta tumitig lamang ito sa kanya. Mayamaya ay ngumiti ito na tila may nakitang nagustuhan. “Magagalit ka ba kung sasabihin ko  sa iyo kung ano ang nakikita ko sa iyo ngayon?”

“Hindi po siya magagalit,” mabilis na sagot ni Yza, halatang gustong-gustong malaman ang hula ng matanda sa kanya. “Ano po iyon?”

“Iibig ka…” sagot ni Madam Virginia. “Bumilang ka ng isang taon mula ngayon. Sa loob ng panahong iyon ay magmamahal ka nang labis at masasaktan nang labis. At dahil sa sobrang pagmamahal, isusuko mo ang lahat ng mahalaga sa iyo, mapasaiyo lamang ang pag-ibig ng lalaking mamahalin mo…”

“Hoy! Are you with me? Kanina pa ako salita ng salita rito, hindi mo ako pinapansin.”

“Ano ba’ng sinabi mo?”

Yza looked at her intensely. “You look worried,” deklara nito. “Ganyan ang reaksiyon mo kapag nag-aalala ka. What’s bothering you? Don’t tell me na iyong hula?”

She would die first before she would admit her worries. “Pagod lang ako.”

“Akala ko ba, hindi ka naniniwala sa hula?” anito, hindi pinansin ang kanyang pagdadahilan. “Bakit masyado kang affected?”

“I’m not affected,” she answered in an even tone, carefully hiding her apprehension. “Maybe I”m a little curious. The way she said it, parang sobra-sobrang sakit at paghihirap ang daraanan ko. Bakit niya sinabi ang mga iyon? Parang hindi ako ang tinutukoy niya. Kilala mo ako. Hindi ako ang tipo ng nai-in love nang ganoon katindi.”

“Maybe because you still haven’t met the right one.”

“Or maybe because I’m simply not the type of woman. Besides, hindi ko hahayaang saktan ako nang ganoon katindi ng isang lalaki, kahit pa sabihing mahal na mahal ko siya.”

“Paano mo naman nalaman, eh, hindi ka pa nga nai-inlove?”

If love will give me that kind of pain, to hell with it! Parang mas gusto niyang huwag na lang magmahal. “Kilala ko ang sarili ko, hindi ako ganoon. I have complete control over my emotions. I can stay single and loveless for a year or two. That will prove her wrong.”

“Wanna bet on that?” hamon nito.

Inihinto niya ang kotse sa tapat ng mansyon nina Yza, pinatay sng makina at tumingin sa kaibigan. “Shoot. Anong deal?” confident na sagot niya.

Hindi muna umimik ito, waring pinag-iisipang mabuti kung ano ang sasabihin. “Stay loveless for a year,” mayamaya ay nakangiting wika nito. “Kapag nanalo ka, I’ll give you half of my jewelry collection.”

“What?” gulat na tanong niya. Hindi niya inakalang ganoon kaseryoso ang kaibigan niya sa pustahang iyon. “Ganyan kalakas ang bilib mo sa manghuhulang iyon? Paano ang daddy mo?”

“Akong bahala sa daddy ko. Ang problemahin mo ay kapag natalo ka.”

I won’t lose.”

Umayos ito ng pagkakaupo at nakangiting sumandal sa kinauupuan. “Then there’s no reason why you shouldn’t bet your tiara,” naghahamong sagot nito.

“Ano? Nasisiraan ka na ba ng bait?” gulat na kapalit nito. “Tiara has belonged to my family even before my grandparents were born. Family heirloom iyon, hindi isang ordinaryong alahas lang. If my mother does not kill me for betting it, surely my ancestors will. Baka atakihin ako sa puso kapag gabi-gabi nila akong minulto!”

“Anong ikinakatakot mo? Akala ko ba, kontrolado mo ang sarili mo?”

It was a challenge! Hindi siya nakaimik. One thing she hated about herself was her inability to turn down a challenge. Ang sabi ng kanyang papa, daig pa niya ang kanyang mga kuya. Ayaw niyang masasabihan na hindi niya kayang gawin ang isang bagay.

“You will not lose if you can truly control yourself. Nasa win-win situation ka nga, eh. Kontrolado mo ang galaw ng pustahan natin,” panggagatong pa nito. “But if you’re too afraid to—”

“I’m not afraid!” she snapped. Another thin, ayaw rin niyang nasasabihang takot o duwag.

Tumahimik ito ngunit nanatiling nakangiti. Kung hindi lang niya kaibigan ito, malamang ay nasakal na niya ito. How could Yza push her into that kind of situation?

Nag-isip siya. Kailangang si Yza ang umatras sa pustahan. She looked looked at her friend and changed her tactic.

“It’s unthinkable. Magkasinghalaga nga siguro ang tiara ko at ang kalahati ng mga alahas mo, pero hindi naman antique ang mga iyon tulad ng tiara ko. I’ts unfair.”

Saglit na nag-isip ito bago muling sumagot. “I’ll give you all of my jewelry collection. Normally, hindi ako papayag na mawala sa akin ang mga iyon. Since bert friend naman kita, okay lang kung sa iyo mapupunta.”

“There’s no doubt you’re insane!” bulalas niya, lalong hindi makapaniwala. “This is ridiculous! Mali na ang ginagawa mo. Paano kung matalo ka? Itataya  mo ang mga iyon para patunayang tama ang hula? You need psychiatric help!”

“Maybe I just want to emphasize a point. Or maybe trip ko lang sakyan ang hula. Nevertheless, seryoso ako sa pustahang ito.”

You’re insane.”

Ngakibit balikat ito. “Kung hindi mo kaya, sumuko ka na.”

Nag-isip siya nang saglit. She didn’t want to take chances on the tiara because of its sentimental value. Pero sa sitwasyon niya nang mga sandaling iyon, wala siyang choice kundi ang isugal iyon. Unless, umatras siya.

No way! Wala pa akong hamon na inatrasan. Besides, I know I can win this.

“So what’s your decision?” tanong ni Yza.

Huminga siya ng malalim. Hindi siya matatalo dahil wala siyang balak magpatalo. “Call. Kailan ang start?” walang gatol na sagot niya.

“How about today?”

SIX MONTHS had passed and Anica was still holding her end of the bet. Para masigurong mananalo siya sa pustahan nila ni Yza ay lalo niyang isinubsob ang sarili sa pagtatrabaho. Bihira siyang lumabas o mamasyal, at kadalasan ay hindi siya pumupunta sa mga party. Tila may mga nakahahawang sakit ang mga lalaki kung iwasan niya ang mga ito. Masaya siya at kontento sa mga nangyayari. SA takbo ng mga pangyayari, halos nasisiguro na niyang siya ang mananalo sa pustahan.

Napangiti siya habang bina-brush ang kanyang mahabang buhok. Nang matapos ay lumabas siya ng kanyang silid nang makarinig siya ng busina ng kotse. Si Yza iyon, sinusundo siya para pumunta sa bahay ng kanyang mama at papa. Thirty-eight wedding anniversary ng kanyang mga magulang at magkakaroon sila ng kaunting salu-salo. At dahil wala siyang boyfriend, naisipan niyang si Yza ang isamam sa okasyong iyon.

Pagdating na pagdating nila sa bahay ng kanyang mga magulang ay agad na sinalubong sila ng kanyang makukulit at maiingay na pamangkin. Natutuwang niyakap niya ang mga ito.

“Bakit ngayon ka lang, Tita Anica?” tanong ni Budz, ang anak ng kanyang Kuya Angelo.

“Oo nga, kanina ka pa hinihintay nina Lola Mama,” singit ni Nicholo, ang anim na taong anak ng kanyang Kuya Alejandro.

Tumawa si Yza sa sinabi ni Nicholo. “Sinong ‘Lola Mama’?”

“Ang mama,” sagot niya. “Nakasanayan na ng mga pamangkin kong tawagin siyang ‘Lola Mama’ dahil naririnig nilang ‘Mama’ ang tawag naming magkakapatid sa kanya. ‘Lolo Papa’ naman ang tawag nila kay Papa.”

“Ang cute naman,” nangingiting sabi ni Yza.

“Dumating na pala kayo. Kanina pa kayo hinihintay ni Mama, Anica.”

Sabay silang napalingon napalingon ni Yza  nang marinig ang boses ng kanyang Kuya Alejandro, ang panganay na kapatid niya. Lumapit siya rito at masayang humalik sa pisngi nito. “Traffic. Anyway, were here. Puwede na ba tayong kumain? I’m starving.”

“Naghihintay na sila sa garden. Yza, how are you?” tanong ng Kuya Alejandro niya kay Yza. “I’m glad you came.”

“I’m okay. I’m glad to be here,” nakangiting sagot ni Yza.

“I hope you’re starving you’re starving, too. Maraming ipinaluto si Mama.”

Dumiretso na sila sa garden kung saan nakaayos ang isang mahabang mesa. Naroon na ang lahat ng kanyang mga kapatid, pati ang mga asawa at anak ng mga ito. Siya na lamang talaga ang hinihintay.

Makalipas ang ilang saglit ay masaya na nilang pinagsaluhan ang mga pagkaing inihanda ng kanyang mama. Masaya at maganang kumain ang lahat habang siya ay medyo hindi mapakali sa kanyang kinauupuan. Alam kasi niyang ano mang sandali ay isisingit na ng kanyang mama ang tungkol sa kanyang “pag-aasawa.”

“Ano ka ba?” sita ni Yza sa kanya. “Why don’t you just enjoy your food? Hindi ka mabubusog sa kakaisip mo.”

Hindi lngid dito na halos magtatatlong taon nang nangungulit sa kanya ang kanyang pamilya na mga-asawa na siya. Sa pamilya kasi ng kanyang mama, kadalasang nagiging matandang dalaga ang mga babaeng hindi nakakapag-asawa bago lumagpas sa edad na beinte-siyete.

“Anica…” Pinigil niya ang mapasimangot nang marinig ang pagtawag ng kanyang mama. Nasisiguro niyang mag-uumpisa na ang litanya nito. “Bakit bihira ka nang pumunta rito? Dati-rati, narito ka linggu-linggo. Ngayon nama’y hundi ka pupunta kung hindi ka pa tatawagan?”

“`Ma, alam mo naman kung gaano ako ka busy sa trabaho,” pangangatwiran niya sa pagitan ng pagsubo.

“Paano namang uuwi rito si Anica, `Ma, eh, wala kayong ginawa kundi kulitin siya kung may boyfriend na siya,” natatawang singit ng Kuya Angelo niya.

“Angelo, tama na iyan,” saway rito ng asawa nitong si Meg. “Aasarin mo na naman si Anica.”

“What’s wrong with that, Angelo?” her mother asked innocently.

“Nothing,” singit naman ng kanyang Kuya Alejandro. “Kung hindi ninyo halos ipagtulakan si Anica sa mga binatang anak ng mga kaibigan ninyo.”

Malakas na tawanan ang sumunod dahil sa sinabi ng kanyang kuya. Pangiti-ngiti lang siya at hindi umiimik. She had learned long ago that in this family, the only way she could remove herself from the center of the conversation was by not joining it. Lalo lang matutuwa sa pang-aasar ang kanyang mga kuya kapag nakitang nag-react siya.

“`Ma, bata pa si Anica. And from the looks of it, she has many plans with her life before settling down. Pabayaan ninyo na lang siya.”

She shot a grateful look at her Kuya Aron. Magkasunod lang silang ipinanganak at halos buwan alng ang pagitan kaya dito siya naging pinakamalapit. Pakiramdam niya ay mas naiintindihan siya nito kompara sa dalawa pang kuya niya.

Tumikhim ang kanyang papa at sumali na rin sa usapan. “She turned twenty-nine last month. At kung ako ang tatanungin ninyo, hindi na bata ang ganoong edad.”

“Papa’s right. You might have problems during pregnancy if you get married at forty,” pang-aasar pa rin ng Kuya Alejandro niya.

“Goodness, Anica!” her mother groaned. “Huwag mong sabihing magpapaabot ka pa sa ganoong edad bago ka mag-asawa?”

It took all her willpower to stop herself from rolling her eyes. Araw-araw ay parang lumalala ang kanyang mama. Pasimpleng siniko niya si Yza para tulungan siya pero nagkibit-balikat lamang ito, waring tuwng-tuwa pa nga sa nakikitang pagkainis niya dahil nakangiti ito habang sumusubo ng pagkain.

“Bakit ba kasi ayaw mong magpaligaw?” tanong ng Kuya Alejandro niya.

“Hindi ka naman man-hater. Tomboy ka ba?” pang-aasar ng Kuya angelo niya.

Kulang na lang ay kagatin niya ang kanyang dila para pigilan ang sariling sagutin ang mga kapatid niya. Lalo lang siyang aasarin ng mga ito kapag napikon siya.

“Or baka naman takot kang makipagrelasyon nang seryosohan?” tanong muli ng Kuya Alejandro niya.

“I’m not afraid of anything,” nanggigigil na sagot niya. Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay agad din niyang pinagsisihan iyon dahil sa halip na tumahimik ay nagtawanan lamang ang mga kapatid niya.

“Leave her alone,” saway ng Kuya Aron niya sa mga ito.

“Hindi ka pa rin nagbabago, Anica. you still go mad whenever they call you a ‘coward’,” nangingiting sabi ng kanyang papa.

“What’s wrong with being single?” tanong niya sa kanyang ama. “I’m happy ang I”m enjoying my life.”

“Walang masama ro’n. It’s just—”

Hindi na natapos ng kanyang ama ang sinasabi nito dahil sumingit na naman ang kanyang Kuya Angelo. “It’s just that Mama can’t sleep at night worrying about you turning into an old maid.”

“Wala akong planong maging matandang dalaga,” naiinis na sagot niya rito. Kung hindi lamang niya kapatid ang mga ito, malamang ay binato na niya ng pinggan ang mga ito.

“Sigurado ka, anak?” nag-aalalang tanong ng kanyang mama.

Lalong nagtawanan ang kanyang mga kapatid nang marinig ang tinuran ng kanilang mama. Naiinis na tumahimik na lamang siya. Bago pa man siya pumunta roon, alam na niyang maaring mangyari iyon. Kaya nga hanggang makakaiwas ay iniiwasan niyang pumunta sa bahay nila.

As if taking pity on her, Yza put down her fork. “Don’t worry, Tita. Hindi tomboy si Anica at wala talaga siyang balak magpakatandang dalaga.”

She smiled when she heard what Yza said. Ang akal niya ay pababayaan na lang siyang kaibigan niya. She looked at her brothers and gave them a challenging smile. Ngayong nadagdagan na ang kanyang kakampi say hindi na siya mahihirapang ipagtanggol ang kanyang sarili.

“In fact, in love na nga siya right now. Iyon nga lang, hindi siya pinapansin no’ng lalaki.”

“Ano!” halos sabay-sabay na bulalas ng mga ito.

Kahit siya ay natulala sa sinabi ni Yza. Siya? In love?

“In love ka? Bakit hindi mo ikinukuwento sa akin?” tanong ng Kuya Aron niya.

“Sino ang malas na lalaki?” pang-aasar ng Kuya Angelo niya.

“Bakit hindi ka pinapansin?” tanong naman ng Kuya Alejandro niya.

“Kailan ang kasal?” tanong ng kanyang mama.

“Stop!” Itinaas niya ang kanyang mga kamay para patahimikin ang mga ito. Ang tuwang naramdaman niya kay Yza kanina ay napalitan ng inis. She would pull at Yza’s hair later. “Hindi ako in love!”

Kitang-kita niya kung paano unti-unting naglaho ang saya sa mukha ng pamilya niya. Bahagyang sinundot siya ng kanyang konsiyensiya. Alam niyang kaligayahan lang niya ang hangad ng mga ito.

“Hindi totoo?” dismayadong tanong ng kanyang mama.

Pasimpleng sinipa ni Yza ang kanyang paa sa ilalim ng mesa. Nang tingnan niya ang ito, kulang na lang ay pandilatan siya nito , at sabihin sa kanyang “Makonsiyensiya ka naman!”

“Well… I mean…” Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin. Ayaw niyang lokohin ang mga ito pero alam niyang lalo lang siyang hindi titigilan ng pangungulit ng mga ito kapag nalamang hindi totoo ang sinabi ni Yza. Bukod doon, nakita niya kung paano naging masaya ang mga ito sa kaalamang may napupusuan na siya.

Napabuntong-hininga siya.

Fine! Just for one tiny lie. Sasabihin ko rin ang toto after two weeks.

“Well?” tanong ng kanyang mama.

Pasimpleng huminga siya ng malalim bago sinimulang dugtungan ang kuwento ni Yza. “Okay…okay… I’m in love. Pero tulad ng sabi ni Yza, ay hindi niya ako pinapansin. hindi niya nga alam na nag-e-exist pala ako sa mundo. So don’t let your hopes go high. I’m sure I’ll get over him soon.”

“That man is insane! Bakit ayaw niya sa iyo? You’re beautiful, you’re smart and you’re kind. Ano pa ba’ng hahanapin niya?”

Napangiti siya sa nakitang reaksiyon ng kanyang mama. Katulad ng lahat ng ina, hindi nito mtanggapna inayawan ang pinakamamahal na anak nito.

“Bakit nga ba ayaw niya sa iyo?” tanong din ng kanyang papa.

She couldn’t think of a reason. Bakit nga ba?

“May pagka-woman-hater po yata iyong guy, Tito,” Yza said without blinking an eye. Kung titingnan ay parang totoo ang lahat ng sinasabi nito. “I think he has had a traumatic experience with women kaya parang isinumpa na niya kaming mga babae.”

“Bakit naman sa dinami-rami ng puwede mong mahalin ay iyong woman-hater pa?” naiiling na tanong ng kanyang mama.

“How about you, Mama? Bakit pinili mo si Papa gayong alam mo naman mula sa umpisa pa na mainitin ang ulo niya?” ganting tanong niya.

“I didn’t choose to love him,” nakangiting sagot ng kanyang mama habang nakatitig sa kanyang papa. “But I couldn’t stop myself  when I started falling for him.”

“That’s the same with me. I didn’t chose love… Love chose me.”

“So, sino ang malas na lalaki?” tanong ng kanyang Kuya Angelo.

Hindi siya nakaimik. Wala siyang ideya kung sino o anong pangalan ang sasabihin. Hindi siya makapag-imbento ng pangalan dahil sa takot na alamin ng kanyang mga kapatid ang pagkatao niyon. Ano na lang ang sasabihin niya kapag nabuko ng mga itong gawa-gawa lamang niya ang lalaking iyon?

“Jemosa…” mayamaya ay sabi ni Yza. Napatingin silang lahat dito. “Xandrick Jemosa.”

“Well, that’s interesting,” narinig niyang komento ng kanyang Kuya Aron.

Make a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: