Chapter 3

Posted on September 29, 2010. Filed under: Listen To Your Heart |

“LORIN, ano naman ang pumasok sa kukote mo at nakasuot ka ng ganyan?” tanong sa kanya ni Tin nang makasalubong niya ito. Kasamahan niya ito sa layout and design department ng publikasyon na pinagtatrabahuhan niya. Magkaiba sila ng posisyon. Graphic artist siya at layout artist naman ito. “Saan ang lamay?”

She was wearing an all-black getup. Wala lang.Feel lang niya. Pakiramdam kasi niya ay kasing-boring ng itim na kulay ang buhay niya. Walang kabuhay-buhay. Walang excitement. Monotonous. At higit sa lahat, wala siyang boyfriend.

“Walang pakialaman sa getup ng may getup.” Inihagis niya sa ibabaw ng desk niya ang itim ding tote bag niya. Pagkatapos ay pabagsak na umupo siya sa office chair at binuksan niya ang kanyang computer.

“Hindi k ba naiinitan sa suot mo, ha?”

“Paano ako maiinitan, eh, my aircon naman sa buong opisina?” papilosopong sagot niya.

“Hay, naku, inatake ka na naman ng pagiging pilosopo mo, umiiling na sabi nito. Humarap na lang uli ito sa computer nito.

Ganoon din ang ginawa niya. Pero wla pa siya sa mood na magtrabaho kaya inilabas niya ang stuffed pan de sal at ang C2 apple flavor niya na binili niya sa convenience store sa ibaba ng kanilang gusali. Pagkatapos ay nilingon niya si Tin.

“Sabihin mo nga sa akin, tin, pangit ba ako?” tanong niya rito habang ngumunguya.

Nagsalubong ang mga kilay nito nang lumingon sa kanya.

“Kung anu-ano ang pumapasok sa kukote mo. Maanong kumain ka na nga lang.”

“Hindi. Sagutin mo ang tanong ko. Pangit ba ako? Kasi, nagtataka na rin ako sa sarili ko kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong boyfriend. Hindi naman ako pangit, ‘di ba? kompleto ang lahat ng parte ng katawan ko. Buo ang lahat ng organs ko. Matino ang takbo ng pag-iisip ko. Medyo tagilid nga lang kung minsan pero most of the time ay matino ako, hindi ba?”

“Ah, oo,” sagot nito na nakakunot pa rin ang noo.

“Pero bakit ganoon na lang kung pagtampuhan ako ng panahon? Last week, nakatanggap ako gn wedding invitation galing sa college friend ko. Ikakasal na siya sa susunod na buwan. Lahat ng kakilala ko, nasisipag-asawa na. Ako na lang ang hindi pa.”

“At kaya ka nakaitim ngayon ay dahil nagluluksa ka sa pag-iisa mo, ganoon?”

“Well, medyo. Sino ba kasi ang hindi made-depress? Lahat ng kaibigan o kakilala kong kasing-edad ko, may mga nobyo na. Ako, umabot na ako sa edad kong ito pero hanggang ngayon, wala pang first kiss!” Uminom siya ng C2 bago nagpatuloy. “Katulad mo, hindi ba ikaw, may boyfriend ka?”

“Break na kami,” sabi nito sa kanya.

“Atleast , nagkaboyfriend ka na. Pero ako, kahit ka-MU, wala. Imagine that?”

“At gusto mong magka-boyfriend, ganoon ba?

Napaisip siya sa tanong na iyon. gusto na nga ba niyang magka-boyfriend? Well, malamang. Sasayangin ba niya ang oras niya sa pakikipag-date sa kung kani-kanino kung hindi siya naghahanap ng “the one?”

“Naiinis lang ako kasi malapit na naman ang Valentine’s Day pero hanggang ngayon, wla pa rin akong ka-Valentino.”

“Gusto mo ng ka-date sa Valentine’s Day? May ipapa-blind date ako sa iyo.”

Tumaas ang isang kilay niya. “No, thanks. I had enough of blind dates. The last time I had one, muntik na akong pulutin sa presinto. Mabuti na lang at napigil ko ang sarili ko. Hindi ko nasaksak ng tinidor iyong ipina-blind date sa akin ni Marie.”

“Kung bakit naman kasi hindi mo na lang itigil ang pagbo-boyfriend hunting mo?”

Noong isang araw tumawag ito sa bahay niya ay naikuwento na niya rito ang kinahinatnan ng date niya. Wala siyang in-edit na detalye. “Kasi naman po, buong buhay ko ay single ako. Ako na nga ang gumagawa ng paraan para hanapin ang Prince Charming kong naliligaw ng kandungan, pero hindi ko pa rin siya makita-kita. Nasaan na ba si Kupido at parang hindi niya ginagawa ang trabaho niya?”

“Baka kasi kung saan-saan ka pa naghahanap? Iyon pala, nasa harap mo na ang hinahanap mo.”

Nagsalubong ang mga kilay niya. Para kasing may laman ang sinasabi nito. “Ano’ng ibig mong sabihin, ha?”tanong niya.

“Well, naisip ko lang kasi, baka si Chad pala ang Prince Charming mo, hindi mo lang pinapansin o ayaw mo lang tanggapin.”

Naubo siya. Sa palagay niya ay bumara sa kanyang lalamunan ang palaman na ham ng tinapay niya. Mabilis na uminom siya ng C2. “Puwede ba, Kristina, huwag mo ngang masabi-sabi ‘yan. Kinakapatid ko si Chad. We’ve been together since were little. Kilala namin ang likaw ng bituka ng bawat isa at ako na ang nagsasabi sa iyo na imposible ang sinasabi mo na siya ang Prince Charming ko,” mariing wika niya.

“O, eh, bakit nanggigigil ka riyan? Defensive din ang tono ng pananalita mo. Baka may nangyayari na sa inyong dalawa na hindi ko nalalaman, ha?”

“Huwag ka ngang mang-intriga riyan. Kinakapatid ko si Chad. Hindi kami talo.”

“Talaga lang, ha?” wika nito na nakataas ang isang kilay. “Ano ang masama kung magkagusto ka sa kinakapatid mo? Kinakapatid mo lang siya. Hindi kayo magkadugo. At isa pa, wala sa batas na nagsasabing bawal magkagustuhan ang magkinakapatid. Hindi kayo ili-lethal injection. Hindi rin kayo babatuhin ng mga tao. Normal lang ang ganoon.”

Sinimangutan niya ito. Parang inaasar pa siya nito. The other day, she started to see Chad in a different way. Kaya nga kahit nagpumilit ito na samahan niyang mag-grocery ito ay tigas ang pagtanggi niya. Para kasing bigla siyang natakot na dumikit dito. Iyon nga lang, sumama pa rin siya rito dahil biglang may bruha na sumulpot sa eksena. but there was something with Chad that frightened her, something she didn’t know yet the answer.

“Hay, naku, tigilan mo na nga ang pang-iintriga sa amin ni Chad. Platonic lang ang relasyon namin kaya huwag ka nang umasa na may uusbong pang iba.”

Tin shrugged. “Ikaw kasi. Ang sabi mo, gusto mong magka-boyfriend. Hindi ba’t single si Chad ngayon?”

“So, ano ang koneksiyon?”

“Well, naisip ko lang kasi na baka ito na ang pagkakataong ibinibigay sa iyo ng tadhana para mas maging malapit kayo sa isa’t isa.”

“Malapit na po kami sa isa’t isa.”

“Di mas malalapit pa.”

“Hay, naku, tigilan na nga natin ang usapang ito. Magtrabaho na lang tayo,” aniya, sabay hagis ng wrapper ng pan de sal sa basurahan na malapit sa kanya.

“Ang sarili mo dapat ang pinagsasabihan mo dahil ikaw ang kumakain sa ating dalawa at ako po ay nagtatrabaho.”

Hindi na lang siya kumibo. Hinarap na rin niya sng kanyang trabaho. Pero sa likod ng isip niya ay umuukilkil ang sinasabi ni Tin sa kanya. Hindi nga kaya si Chad na ang Prince Charming na matagal nang hinihintay niya? Na hindi lang niya nakikita iyon dahil sa iba niya ibinabaling ang kanyang pansin? Ipinilig niya ang kanyang ulo.

“Hindi puwede! Hindi maaari!” bulalas niya.

“`Oy, Lorin! Ano’ng problema mo?” nakakunot ang noong tanong ni Tin sa kanya.

Wala. Huwag mo na lang akong pansinin,” sabi niya.

Gumuhit ang kakaibang ngisi sa mga labi nito. “Hmm… siguro, napag-isip-isip mong may point ako sa sinabi ko, ano?”

“Heh! Ewan ko sa iyo!”

“LORIN?”

“O?” hindi lumilingong sabi niya kay Tin. Busy siya sa pag-e-edit ng nile-layout niya.

“May naghahanap sa iyo sa labas,” sabi nito.

“Sabihin mo, busy ako at ayoko ng kahit anong istorbo,” aniyang hindi pa rin tumitingin dito. Alam ng boss niya at ng mga kaopisina niya na ayaw niyang naiistorbo kapag nagtatrabaho. Mabuti na lang at maunawain ang mga ito. Naiintindihan ng mga ito ang pagkakaroon niya ng “sayad.” Ganoon talaga ang mga artists na katulad niya.

If she hadn’t ended up as a graphic artist, she would have wanted to be a painter or a professional photographer. She had a keen eye for details. Gusto sana niyang i-pursue ang alinman sa dalawa kaya lang ay nag-e-enjoy naman siya sa kasalukuyang trabaho niya kaya hobby na lang niya ang pagpipinta at pagkuha ng mga litrato.

Kinalabit uli siya ni Tin. “Lorin.”

“Bakit ba?” Napilitan na siyang humarap dito dahil nakukulitan na siya. “I’m in the middle of my work, can’t you see?”

“Oo nga, nakikita ko. Pero tanghalian na at may naghahanap na tao sa iyo sa labas.”

“Sino ba ang naghahanap sa akin at talagang desidido kang harapin ako? Si Boss ba?” Pero kung ang boss nila ang naghahanap sa kanya, pupunta na lang ito sa puwesto niya o kaya ay ipatawag siya nito sa sekretarya nito.

“Hindi si Boss. Si Chad po ang naghihintay sa iyo sa labas.”

Nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi iyon ang unang pagkakataon na pinuntahan siya ni Chad sa opisina. Pero iyon ang unang pagkakataon na dinayo siya nito roon nang breaktime. “Bakit daw?” tanong niya.

Nagkibit-balikat ito. “Malay ko. “Puntahan mo sa reception at nang malaman mo.”

I-s-in-ave muna niya ang kanyang ginagawa bago niya pintay ang computer at pinuntahan si Chad. “Naligaw ka?” tanong agad niya nang lapitan ito.

“Hi,” bati nito, sabay tayo nang makalapit siya. Are you free for lunch?”

“Why?” Nagtaka siya. First time din kasi na niyaya siya nitong kumain ng tanghalian sa labas.

“We won the bid and we closed the deal with our Japanese clients.” Ngumiti ito. “And I want to celebrate.”

“Nai-close mo ang deal sa mga Hapones?”  Natuwa siya sa nalaman. Halos isang buwan din kasing niligawan nito ang mga Japanese investors na iyon para maging foreign business partner nito. Chad was a marketing officer of a computer company.

“Yup!” he said, beaming at her.

“Congratulations!” wika niyang niyakap pa ito. At hindi niya alam kung ano iyong sumanib sa kanya dahil bigla niyang hinalikan sa pisngi ito.

Kung nagulat siya sa ginawa niyang iyon, mukhang ganoon din ito. Oo nga at close sila nito pero kahit kailan ay hindi niya hinalikan ito o siya nito maski sa pisngi lanh.

“Eherm!” Malakas na tumikhim si Tin sa kanilang likuran.

Tila parang napaso na kumalas siya sa pagkakayakap kay Chad at lumingon kay Tin.

“Huwag n’yo kaming inggitin sa sobrang sweetness ninyo dahil baka pati kami rito ay langgamin,” wika nito na kinindatan pa siya.

Luminga-linga siya. Nakatingin  na rin sa direksiyon nila ni Chad ang mga tao sa reception area. Mapanukso ang ngiti ng mga ito. Breaktime na nga pala kaya karamihan sa mga empleyado ay naglalabasan na.

Lumapit si Tin at tinapik-tapik nito sa balikat si Chad. “Kung ako sa iyo, pare koy, sagutin mo na ang kaibigan ko at nang hindi na siya kung saan-saan naghahanap ng magiging boyfriend niya kuno. Tingnan mo naman ang getup niya, parang nagluluksa. Ipinagluluksa raw niya na hanggang ngayon ay single pa rin siya.

Pinandilatan niya si Tin pero hindi siya pinansin nito. Si Chad na lang ang binalingan niya. “Hay, naku, huwag mo na lang pansinin ang mga pinagsasabi ni Kristina. Nalipasan lang iyan ng gutom kaya siya nagkakaganyan. Tara na, ililibre mo pa ako ng lunch, `di ba? Tamang-tama, nagtitipid ako ngayon.”

“Sus! Ang sabihin mo, nagkukuripot ka na naman,” singit uli ni Tin. “Magkaiba ang ‘nagtitipid’ sa ‘nagkukuripot.”’

“Ewan ko sa iyong babae ka. Kumain ka na nga lang.”Binalingan uli niya si Chad na nakatingin lang sa kanila ni Tin. “Halika na. Baka maubusan tayo ng mapupuwestuhan.”

“Ikaw, Tin, sumama ka na rin sa amin,” alok dito ni Chad.

“Salamat na lang sa alok mo pero hindi bagay sa kagandahan ko ang maging chaperone ninyo. Sige na, sige na. Humayo kayo at magparami,” pagtataboy nito sa kanila.

Gusto niyang hilahin ang mahabang buhok nito dahil sa mga pinagsasabi nito. Okay lang na ibuyo siya nito kay Chad basta silang dalawa lang ang magkaharap. Pero ang ibuyo siya nito mismo sa harap ni Chad ay nakakahiya talaga. Ano na lang ang iisipin sa kanya ni Chad kung saka-sakali?

Ipingpasalamat na lang talaga niya na ipinanganak si Chad na may mabuting puso at kayang sakyan ang takbo nga pag-iisip ni Kristina. Natitiyak niyang hindi nito papatulan ang mga pinagsasabi ng naaaning na kaibigan niya.

“Are you sure, ayaw mong sumama, Tin?

“Uh-huh. Positive. Hindi ako nagtitipid. Iyang kuripot na babae na lang ang ilibre mo. Siya, mauna na ako sa inyo,” paalam ni Tin. Pero may ibinulong pa ito sa kanya. “Gahasain mo na siya at nang mapasaiyo na siya.”

Muntik na niyang patirin ito sa sobrang inis.

Make a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: