Chapter 1

Posted on September 29, 2010. Filed under: Stolen Heart |

NAPAPAILING na sinimulang ayusin ni Anica ang kanyang mga gamit sa kanyang mesa. Katulad ng dati, hindi niya namalayan ang bilis ng pagtakbo ng oras habang nakasubsob siya sa kanyang trabaho. Pasado alas-otso na pala ng gabi, at kung hindi pa kumulo ang kanyang tiyan dahil sa gutom ay hindi niya maisip tingnan ang kanyang relo.

Anim na taon na siyang nagtatrabaho sa King’s Palace, isang five-star hotel sa lungsod ng Makati, bago siya na-promote bilang general manager nang nagdaang taon. Sa loob ng mga taong iyon ay wala siyang ginawa kundi isubsob ang ulo sa trabaho.

She came from a respected family. Hindi sila sobra sa yaman pero mayaman sila kompara sa ibang pamilya. Retired businessman ang kanyang papa at retired school teacher naman ang kanyang mama. Siya ang bunso sa apat na magkakapatid. Pawang mga lalaki ang mga ito. Ang Kuya Alejandro at Kuya Angelo niya ay may mga asawa na. Siya at ang sinundan niyang si Kuya Aron ay wala pa.

Sa edad na beinte-otso — at sa kabila ng pangungulit ng kanyang mama  — ay wala pa siyang kabalak-balak mag-asawa. Nakasentro kasi ang buong atensiyon niya sa kanyang career.

She had her own house and her own car na pinaghirapan niya ipundar. May sarili negosyo ang pamilya niya at pinatatakbo iyon ng kanyang mga kapatid ngunit mas pinili niyang mamasukan sa ibang kompanya para mapatunayan sa kanyang sarili na kaya niyang umangat kahit wala ang tulong ng mga ito. In short, siya ang tipo ng babae na may mataas na prinsipyo at pride. Mga katangiang mas nababagay sa lalaki, ayon sa kanyang papa.

Kung may isa mang bagay ang hindi naging maganda ang takbo sa buhay niya, iyon ay ang kanyang love life. She was twenty-eight years old but she had never had a serious relationship. Mas priority niya ang kanyang career kaysa ang makipagrelasyon.

Maybe life wasn’t really perfect. Nasa kanya na halos ang lahat. Maganda siya, matalino, may sariling career, pero zero naman siya pagdating sa pag-ibig. Nevertheless, she was happy.

KATULAD ng mga nakaraang araw, maaga pa ay nasa King’s Palace na si Anica. Inihahanda niya ang hotel para sa gaganaping Annual Filipino Businessman Conference sa susunod na araw. Isang malaking event iyon na siguradong magpapataas sa imahe ng kanilang hotel.

Isa-isang kinausap niya ang mga supervisors na in-charge sa pagmo-monitor ng preparations para sa event. Binusisi niya lahat ng detalye — mula sa pa-aayosng pinakamalaking pavilion na gagamitin sa conference hanggang sa mga suite na tutulugan nga mga delegates na manggagaling pa sa malalayong lugar.

Kinahapunan ay nagsimul nang dumating ang mga delegado. She stationed at the reception area and welcomed each of them, offering the hotel’s hospitality. Nang mapagod s pagtayo ay bumalik siya sa opisina para saglit na magpahinga. Nang matanggal ang pananakit ng kanyang paa ay lumabas siya para bumalik sa reception area.

Pagdating niya roon ay napangiti siya nang makita si Yza, ang bestfriend niya since high school. Lumapad ang kanyang ngiti nang mapansin kinikilig ang kaibigan niya habang nakasunod ang tingin sa isang matangkad na lalaki. Hindi niya nakita ang mukha ng lalaki pero sa pagkakangiti pa lang ng kaibigan niya, siguradong guwapo ito.

“What brings you here?” nakangiting tanong niya kay Yza nang makalapit siya rito.

“Bakit hindi mo sinabing marami pa lang guwapo rito ngayon? I should have come early if only I knew,” pabirong panunumbat nito.

“Wala ka talagang kadala-dala,” natatawang biro niya rito. Iginiya niya ito papunta sa kanyang opisina. “Hindi ba, halos magpakamatay ka sa kakaiyak two weeks ago dahil nahuli mong may babae ang boyfriend mo? `Tapos ngayon, nakakita ka lang ng guwapo’y kinikilig ka na agad.”

“What can I do? I’m a born love. Hindi katulad mo na ipinanganak yatang bato ang puso.”

She almost rolled her eyes. Paniguradong titirahin na naman nito ang love life niya. Pagpasok nila sa kanyang opisina ay umupo ito sa sofa. “Sino ba ang lalaking iyon?” tanong niya rito. Ang tinutukoy niya ay ang lalaking sinusundan nito ng tingin.

Kinikilig na tumabi ito ng upo sa kanya. “Xandrick Jemosa. Delegate siya sa conference bukas at ubod ng guwapo.”

“Jemosa…” ulit niya.

“Ang guwapo niya `no?”

“Uh-huh,” wala sa loob na sambit niya.

“Huwag mong sabihing hindi ka man lang na-attract kahit kaunti kay Xandrick?” hindi naniniwalang tanong nito.

“Yza, hindi naman ako katulad mo na mukha lang ang nakikita. I go for the personality, too.”

“Correction,” kontra nito; itinaas pa ang hintuturo habang nagsasalita. “Hindi lang mukha ang nakikita ko. I go for the body, too, and I’d say Xandrick Jemosa has one sexy body!”

Hindi niya napigil ang sariling matawa sa kalokohan nito. “Ewan ko sa iyo,” sabi niya sa pagitan ng pagtawa. “Bakit ka nga pala narito?”

“Yza…” agad na reklamo niya. Alam mo namang marami pa akong ginagawa. Tomorrow’s  big day, everything should be perfect.”

“Same old story,” animo nabo-bore na sagot nito. “Kanina ka pa nga dapat nakauwi, eh. Kailan mo ba bibigyan ng time ang sarili mo? Puro na lang trabaho ang nasa isip mo.”

Hindi na siya kumibo. Tutal ay sigurado siyang hindi titigil ang kaibigan niya hangga’t hindi nito nasasabi ang gustong sabihin. She and Yza were as different from each other as night was different from day. Kung anong daldal nito, siyang tahimik niya. She made it to a succesful career woman at the age of twenty-eight, while her best friend managed to become a spoiled brat. Lahat ng kailangan nito ay ibinibigay ng mga magulang nito hindi tulad niyang pinaghirapan ang lahat. At higit sa lahat, record breaking ito kung sa bilis ma-in love ang pag-uusapan. Kompara sa kanyang hindi matinag ang puso.

Nevertheless, they formed a strong bond that no one could ever break. Maliban sa kanyang pamilya, si Yza lang ang may kakayahang sumalag sa galit niya o diretsahang magsabi kung may mali siyang ginagawa. Ang iba kasi ay nangingilag sa puno ng awtoridad na aura na nakapaligid sa kanya.

“Hindi puwedeng hindi ka sumama sa akin dahil gusto kong itanong kay Madam Virginia kung kailan darating ang true love mo.”

Napakunot ang noo niya. “Madam who?”

“Siya iyong ikinukuwento kong fortune-teller. The one I’ve been dying for you to meet. Hinulaan niya ako six months ago, and so far, lahat naman ay nagkatotoo.”

Hindi niya napigil ang matawa. Hindi niya maintindihan kung desperado sa atensiyon ang kaibigan niya o ano. Sukat ba naman pati manghuhula ay patulan nito!

“She’s a genuine fortune-teller,” halatang naiiritang sabi nito. Paano ay tawa pa rin siya nang tawa. “Marami nang nagpahula sa kanya at halos lahat ay nagkatotoo. At kung sa palagay mo ay matatapos kang tumawa riyan bago mag-alas-diyes ng gabi, puwede tayong sumaglit sa shop niya.”

“Puwede ba?” sabi niya sa pagitan ng pagtawa. “Hindi ako naniniwala sa hula, `no!”

“There’s nothing to lose. Except for two thousand bucks.”

“Ang mahal naman ng manghuhulang `yan!”

“Well, kung gusto mong makamura, sa Quiapo  ka pumunta,” mataray na sagot nito. “I heard one hundred pesos lang ang pagpapahula ro’n.”

Wala siyang kabalak-balak na sumali sa kalokohan nito. Hindi siya naniniwala sa hula. Pakiramdam niya ay talagang “nanghuhula” lang ang mga ito ng sasabihin. Iyong tipong ang sasabihin ay kung ano ang gustong marinig ng nagpahula.

“Ano? Sumama ka na,” panghihikayat nito.

“Ano pa ba ang gusto mong ipahula? Hindi ba ang sabi mo’y nakapagpahula ka na?”

“Oo, at nagkatotoong lahat `yon,” pangungumbinsi nito. “Sinabi niyang may ibang babae si Phil at mabubuko ko sila nitong buwan na ito. At two weeks ago nga ay nahuli ko sila. Sinabi rin ng manghuhula na hindi magki-click iyong restaurant ko. At tama na naman siya, nalugi nga ako. And then there’s my car, sabi niya kukunin daw sa akin iyon. Haaaay! `Ayun, na-carnap last week!”

“Ano? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Ano’ng ginagamit mong kotse ngayon?”

“Dad bought me a new one,” nagkibit-balikat na sagot nito.

Napailing na lang siya sa mga naririnig. Sunod ang lahat ng luho ni Yza, palibhasa ay galing sa sobrang yamang pamilya.

Sa kabila ng mga sinabi nito ay hindi pa rin siy bilib sa manghuhulang sinabi nito. Paano naman, para sa kanya ay napaka-predictable ng mga sinasabi nito. ang boyfriend ni Yza na si Phil ay ubod ng babaero. Bago pa nito maging girlfriend ang kaibigan niya ay kabi-kabila na ang babae nito. Sa katunayan, hindi na siya nagulat nang umiiyak na nagsumbong sa kanya si Yza nang mabuko nito ang kalokohan ni Phil.

And the restaurant? Well, paano naman magiging succesful  iyon? It’s location was not strategically profitable. Ilang beses na niyang sinabi kay Yza na maghanap ito ng ibang puwesto. Hindi nakinig ito kay, hayun, nalugi ang restaurant nito.

And about the car. For her, it was just a coincidence. Marami na talagang masamang-loob ang nagkalat sa Maynila at malas na nabiktima ang kanyang kaibigan.

“Okay, hindi kita pipilitin kung ayaw mong magpahula. Samahan mo na lang ako.”

“Marami pa akong ginagawa rito,” tanggi niya. Mas gugustuhin pa niyang magtrabaho magdamag kaysa samahan ito sa manghuhulang iyon.

“Pati ba naman sa akin, wala ka na ring time?” Pinalambot nito ang tono  ng pagsasalita, may halong panunumbat. “Minsan lang ako mag-request sa iyo, ipapahiya mo pa ako.”

Napailing na lamang siya. Kapag ganoon na ang tono ng pagsasalita nito ay pinagbibigyan na lamang niya ito. Kung hindi ay baka pati pagkukulang niya rito mula noong teenagers sila ay ipaalala pa nito sa kanya, makonsensiya lang siya.

“Anica…”

“Okay… okay. Just give me ten minutes. Aayusin ko lang ang mga gamit ko.”

Make a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: