Chapter 2

Posted on September 28, 2010. Filed under: Listen To Your Heart |

NAPAKAMOT sa ulo si Lorin. She was bumming her day away. “Hay, life,” aniya. Isinalpak niya sa magkabilang tainga ang earphone ng MP4 niya at saka siya pabagsak na humoga sa sofa bed. Tinatamad talaga siyang gumawa ng kahit ano. Wala naman siyang mga labahin na dapat niyang labhan dahil nailagak na niya sa laundry shop sa kanto ang maruruming damit niya. Malinis din ang kusina niya dahil nilinisan iyon ni Chad bago ito umalis kaya wala talaga siyang gagawin pa.

She wasn’t in the mood to do anything. Pati ang panonood ng TV ay kinatatamaran niya. Pagkatapos ng pagtsa-channel surfing kanina ay itinigilniya ang panonood. Sayang lang kasi ang kuryente.

Naisip rin niyang mag-boy hunting para ma-divert sa iba ang atensyon niya dahil nga bigla siyang nakaramdam ng kakaiba para kay Chad. Pero maski ang mag-boy hunting ay kinatatamaran din niya. Anyway, mukhang napraning lang siya kanina at ngayon ay okay na siya. Nang magpaalam si Chad na uuwi na ay wala naman siyang naramdaman na kakaiba na kapraningan. And now, all she wanted to do was listen to the music in her MP4, nothing more.

She was humming the tune of the music she was listening to when it suddenly stopped. Naramdaman din niyang nawala ang earphone sa magkabilang tainga niya. Pagmulat niya ay nakita niya ang nakangiting mukha ni Chad na nakatunghay sa kanya. Nang mapadako ang tingin niya sa mga labi nito ay naramdaman niya na tila may sumipa nang malakas sa loob ng kanyang dibdib.

“Bumangon ka nga riyan. Alam mo bang nakaka-bedsore ang pagbababad sa higaan at sobrang katamaran?”

Bumangon siya at nag-lotus position sa sofa bed. “Ano na naman ang ginagawa mo rito? Alam mo bang iniistorbo mo ang pamamahinga ko?”

Pinitik nito nang mahina ang kanyng noo. “Ang sungit mo yata ngayon,” sabi nito. “Parang kanina ka pa nawawala sa sarili, ah.”

“Ah…huwag mo na lang akong pansinin.” Hindi talaga niya maintindihan ang sarili. Parang may kakaiba rito ngayon. Kasi kung wala, bakit ganoon na lang ang kaba niya sa tuwing magkakalapit sila? O inaatake lang uli siya ng kapraningan? Ganoon ba ang nangyayari sa mga babaeng gusting magka-boyfriend pero hindi magkaroon? Or was it her libido rising again?

Tumabi ito sa kanya. “Wala kang gagawin, hindi ba? Samahan mo naman akong mag-grocery.”

“Ayoko. Tinatamad ako.” Kinuha niya ang MP4 na hawak nito at muling ipinasak ang earphone niyon sa magkabilang tainga niya.

“C’mon, Lorin alam mong hindi maganda sa katawan ang sobrang katamaran.” Tinanggal uli nito ang earphone. “Samahan mo na ako sahil wala akong katulong na mgabubuhat ng mga bibilhin ko.”

Pinagtaasan niya ito ng isang kilay. “At ano ang palagay mo sa akin, atsay mo? Isa pa, ano ang silbi ng mga muscles mo kung hindi mo pala kayang bitbitin ang mga pinamili mo?”

Kumunot ang noo nito at tinitigan siya na tila ba tinubuan siya ng tatlong sunay sa ulo. “Meron ka ba?” usisa nito

“Ha?” Bigla siyang naguluhan sa tanong nito.

“Kasi, ang sungit mo ngayon. Masungit ka lang naman kung tuwing mayroon ka, hindi ba?”

Hindi siya nakaimik. Oo nga, masungit lang siya kapag may buwanang dalaw. Normally ay magulo lang talaga ang takbo ng pag-iisip niya. “Pasensya ka na kung nasungitan kita. May iniisip lang kasi ako,” sabi niya.

“And that would be…?”

“Isang sekretong malupit iyon kaya akin na lang iyon.”

“Kahit sa pinakamabait, pinakaguwapo at pinaka-close na kinakapatid mo?”

Pinagtaasan  uli niya ng isang kilay ito. “Paano ka naman nakasisigurong ikaw ang pinakaguwapo sa kahat ng kinakapatid ko?”

“Wala naman, naisip ko lang,” sabi nito at saka ngumiti. “Hindi mo ba talaga puwedeng i-share sa akin ang iniisip mo, hmm?”

Paano kaya niya ise-share ditto ang iniisip niya kung ito mismo ang iniisip niya? Hindi puwede iyon. Kapag nalaman nito na pinagnanasaan niya ito ay baka biglang lumayo ito sa kanya. She was used to him being with her. Kahit noong una ay naiinis pa siya dahil pinapatingnan siya rito ng kanyang mga magulang.

Tuwing kailangan niya ng tagahatid at tagasundo sa opisina kapag coding ang sasakyan niya ay ito ang tagahatid at tagasundo niya. Ito rin ang tagapagluto niya. Kapag kailangan niya ng mekaniko ay ito ang tinatawag niya. Kapag may nasira sa bahay niya o sa mga kasangkapan niya ay ito ang sumasaklolo sa kanya. Every time she needed his help, he was always ther for her. Kaya isang malaking no-no ang mahulog ang loob biya rito. Magkakaroon ng maraming komplikasyon sa kanilang pagitan baka layuan siya nito at maiwan siyang nag-iisa. Hindi iyon kayang tanggapin ng kanyang isip. Kapag biglang lumayo ito ay paano na siya?

Kaya kung ako sa iyo, tanggalin mo na iyang agiw sa utak mo, Lorin. Intiendes?

“Ang kulit mo talaga. Hindi ko nga puwedeng sabihin. Kaya nga secret ‘di ba?”

“But you always share your secret with me, right?”

Hindi na naman agad siya nakasagot. Halos lahat ng sekreto niya ay alam ng kurimaw na ito. Actually, wala na nga diyang maitago rito. Mula ulo hanggang paa ay kilala na siya nito. Alam nito na hindi pa siya nagkakanobyo, na wala pa siyang first kiss, na nagbo-boy hunting siya at kung gaano ka-disastrous ang pakikipag-date niya sa lung sinu-sinong lalaki.

“Noon iyon. Ngayon, hindi na,” sabi niya. “At saka isa pa, unfair sa akin na alam mo ultimo kaliit-liitang secreto ko samantalang ikaw, ni isang lihim, wala kang sinabi.”

“May sekreto ba ako?”

“Malay ko sa iyo. Imposibleng wala, ‘no.” Inirapan pa niya ito.

Come to think of it, madalas nga pala siyang nagsasabi rito ng kung anu-ano pero ito, ni minsan ay hindi nagsabi sa kanya ng sekreto nito. Not that he was secretive. Ang lahat ng alam niya tungkol dito ay alam din naman ng halos lahat ng nakakakilala rito. Siya ang madalas magkuwento ng kung anu-ano at nakikinig naman ito. Palagi ring pinakikinggan nito ang mga hang-ups niya sa buhay pero ito, ni minsan ay hindi niya nakaringgan ng anumang problema.

Tuwing nagkikita sila ay palaging masaya ito. Samantalang ito lahat yata ng mood swings at saltik niya sa ulo ay nasaksihan na nito. Matagal na niyang alam na mabait ito. Pero kahit gaano kabait ito ay imposibleng walang itinatago ito. Lalong imposible na kahit minsan ay hindi pa ito nakaka-encounter ng problema. Every person had her ups and downs. Pero si Chad, parang wala talagang problema.

“Sabihin mo nga sa akin, kahit ba minsan sa buhay mo, wala kang itinagong maitim na lihim?”

“Bakit mo naman biglang naitanong?”

“Wala lang. Curious ako, eh. Tuwing nagkikita kasi tayo, parang ang gaan-gaan ng buhay mo. I never heard you say anything ill about anything at all. Sa laki ng problema ng bansa natin, sa mga kurakot na opisyal, sa kaliwa’t kanang pagbabatikusan ng mga tagaoposisyon at ng makaadministrasyon, at sa magulong gobyerno natin, hindi ka man lang ba nainis sa mga iyon?”

“Bakit naman ako maiini, eh, hindi naman ako pulitiko?”

“Hindi ka man lang ba nababahala sa tuwing nababalitaan mong hindi maayos ang takbo ng bansa natin?” Nagsalubong ang kanyang mga kilay.

“Nababahala kahit paano. I am still a citizen of this country. Of course, I, too, want peace and serenity. Pero ano ang mapapala ko kung magagalit ako sa mga kurakot na pulitiko at isipin ko ang takbo ng magulong gobyerno natin? The least I could do for our country is to be a good citizen. Na siyang dapat ginagawa ng bawat isa sa atin. Hindi iyong dumadagdag pa tayo  sa mga nagpapasaway sa lipunan. Every one of us has his own beliefs. Iginagalang ko ang paniniwala ng iba. Pero kung makikisawsaw tayo sa pagtatalo ng mga pulitikong hati ang paniniwala sa kasalukuyang pagpapalakad ng gobyerno, may mangyayari ba? Wala rin naman, hindi ba?”

Napatangu-tango na lang siya habang nakikinig sa mga pinagsasabi nito. Lalong napatunayan niya na sensible na tao ito. Parang gusto niyang palakpakan ito. Puwedeng-puwede niyang gawing spokeperson o kaya ay political adviser ito kung sakaling maisipan niyang kumandidato.

“Wala nga,” sambit niya at saka bumuntong-hininga. Walang taong perpekto pero gusto niyang isipin na may isang nakalusot sa katauhan ng kanyang kinakapatid. The more she listened to him, the more she was awed by him. “Never ka ba talagang nainis kahit minsan sa buhay mo? Para kasing kahit minsan, hindi kita nakitang nagalit o nairita man lang.”

Tumawa ito. “Tao lang din ako, Lorin. Siyempre, nagagalit at naiinis din ako.”

“Bakit hindi ko nakikita? Bakit hindi mo sinasabi sa akin?”

“Bakit ko naman sasabihin?”

“Close tayo, hindi ba?”

Tumawa ito at saka tinapik nito ang kanyang pisngi. “Hindi ko na kailangang sabihin sa iyo kapag naiinis ako. Anyway, nawawala naman iyon sa tuwing nakikita kita.”

“B-bakit?” Muli ay parang may sumipa sa kanyang dibdib. Did that mean something?

“Anong bakit?” Hindi niya alam kung paano ilalarawan ang ekspresyon ng mukha nito. Para kasing natatawa ito sa kanya pero nakakunot naman ang noo nito. “Naaaliw kasi ako sa iyo. Tuwing nakikinig ako sa mga kuwento mo, parang nakakalimutan ko na ang inis ko. Isa pa, ang cute mo kasi.” Pagkatapos ay pabirong pinisil nito ang isang pisngi niya.

“Mukha ba akong aso?” naaasar na sabi niya, sabay tapik sa kamay nito. Ano ang palagay nito sa kanya, payaso sa palasyo? Pero cute daw siya. Hindi niya alam kung dapat siyang mainsulto sa sinabi nito. She always associated “cute” with dogs.

“Ano?” tila naguguluhan naming sabi nito.

“Ang sabi mo, cute ako. Para sa akin, para lang sa mga aso ang adjective na ‘yon. Nang-aasar ka ba talaga, ha?”

Nguniwi ito at napakamot sa batok nito. “Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. When I said you’re cute, I mean you’re pretty.”

“Bakit labas sa ilong?”

Huminga ito ng malalim. “Tumayo ka na nga lang diyan. Mamimili pa tayo.”

“Mamimili tayo?”

“Opo. Hindi ba nagpapasaman ako sa iyo?”

“’Di ba, sinabi ko rin sa iyo na tinatamad akong kumilos? Kasama na roon ang paglabas ng bahay.”

“Lorin, naman. Sige na, samahan mo na ako.”

Pinamaywangan niya ito kahit naka-lotus position siya.”Teka nga, bakit mo ba ako pinipilit sumama sa iyo? Hindi mo ba nakikitang busy ako?”

“Hindi naman, ah.”

“Busy ako.”

“At ano naman ang ikina-busy mo?”

“I’m bumming my say away.” Ipinasak uli niya sa magkabilang tainga niya ang earphone. “Malaki ka na. Matanda ka na. Kaya mo nang mag-isa ‘yon,” pagtataboy niya rito. Kung siya ang masusunod, gusto talaga niyang samahan ito. But something told her it was not the right thing to do. Especially because she was feeling different thing towards him. At hindi maganda para sa kanya ang pagsama-sama rito.

“Hindi mo ba talaga ako sasamahan?” nananantiyang sabi nito.

“Hindi.” Tigas ang pag-iling niya.

“Sigurado ka?”

“Oo sabi. Bakit ba ang kulit-kulit mo, ha?”

“Okay, hindi kita pipilitin kung ayaw mo. Sige maiwan na kita rito.” Tumayo na ito at nagtungo sa pinto.

Sinundan niya ng tingin ito. Bago pa nito maisara ang pinto ay nahagip ng kanyang pandinig ang matinis na boses ng isang babae na kilalang-kilala niya.

“Chad, darling. Nandito ka pala!” Trixie said in a singsong voice.

Napatayo siya mula sa kinauupuan at lumapit sa pinto. Mahirap na at baka magboluntaryo pa si Trixie na samahan si Chad sa pamimili. Kilala niya ang karakas ni Trixie. Gagawin nito ang lahat mapasakamay lang nito ang kinakapatid niyang walang kapintasan. Kampon ng kadiliman si Trixie at si Chad ay sugo ng liwanag.

“Chad!” tawag niya sa kinakapatid.

Lumingon ito sa kanya. “Bakit?”

“Nagbago na ang isip ko. Sasama na ako sa iyo,” sabi niya pagkatapos ay tumingin kay Trixie. “O, Trixie, nandito ka pala. Long time, no see, ah!” aniyang ngumiti ng pilit.

Pinagtaasan siya ng isang kilay nito at saka inirapan siya. Alam niyang asar ito sa kanya. Well, mutual naman ang feeling nila sa isa’t isa dahil hindi rin niya gusto ang hitsura nito. Maldita ito. Sa isang street lang sila nakatira at naririnig niya mula sa kanilang mga kapitbahay na playgirl daw ito. Kapag daw nakuha nito ang atensyon ng isang lalaki ay tinitiyak nito na mapupunta rito ang sinumang kawawang lalaki na iyon.

Minsan din ay naabutan niya ito sa bahay ni Chad. At hindi niya makakalimutan ang araw na iyon…

“O, Lorin, naligaw ka yata?” sabi sa kanya ni Chad.

“Manghihiram sana ako ng bala ng DVD, iyong concert ng Cranberries sa Paris. Panonoorin ko sana.” Kapagkuwan ay may nalanghap siyang mabangong amoy. Napangiti siya. Mukhang nagluluto na naman ito ng masarap. Dumiretso na siya sa kusina nito. “Uy, ang bango n’on, ah. Bigla tuloy akong nagutom. Ano ba’ng mayroon?”

“Nagluluto ako ng puttanesca,” sagot nito. “Balak ko sanang dalhan ka kapag naluto na. Alam kong paborito mo ang pasta.”

Lumapad ang pagkakangit niya. Napaka-thoughtful talaga nito. Alam na alam nito ang weakness niya. “Iyan ang gusto ko sa iyo, eh. Hulog ka talaga ng langit sa sikmura ko.” Sininghut-singhot pa niya ang mabangong amoy ng sauce na nasa pan. Pagkatapos ay humila siya ng dining chair at umupo roon. “Parang hindi ko na mahihintay na dalhin mo iyan sa bahay. Ditto na ako kakain.”

Tumawa ito. “O, sige, ikaw ang bahala. Malapit naman nang maluto ito.”

Nakangitibg tumango-tango siya. Nangalumbaba siya sa ibaba ng mesa habang pinapanood niya ito. “Alam mo, minsan, iniisip ko kung bakit sa isang computer company ka nagtatrabaho sa halip na sa isang first-class na restaurant.”

Lumingon ito sa kanya. Nakakunot ang noo nito.

“Naisip ko lang kasi, saying ang talent mo sa pagluluto. Kung nagging chef ka lang, baka ikaw ang tanghaling number one chef sa bansa. Wait, not just in the country but throughout the world!”

She was not exaggerating when she said that. Malaki talaga ang possibilidad na maging sikat na chef ito. He really was good in the kitchen. The best ang lahat ng niluluto nito. Maikokompara iyon sa mga pagkaing inihahain sa mga first-class restaurants. Kung minsan nga ay mas masarap pa ang luto nito kaysa sa ibang pagkain na natitikman niya.

He just broke into a simple smile. “Cooking is just my hobby, Lorin. Gusto ko lang ipagluto ang mga taong malalapit sa akin. Natutuwa akong nagugustuhan mo ang mga niluluto ko. But you are exaggerating. I am not that good. Simpleng putahe lang niluluto ko.”

“Sus! Anong simple? Kahit simpleng pagpiprito, kapag ikaw ang gumawa, parang nagiging extraordinary. Mamaniin mo ang luto ng pinakasikat na chef sa buong mundo.”

“You’re flattering me,” he said, still with that simple yet adorable smile on his lips. “Anyway, thank you.”

Isa pang nagugustuhan niya rito ay ang pagiging down-to-earth nito. Kahit anong papuri ang sabihin niya ay parang hindi naaapektuhan ito. Although she could feel his sincerity about and appreciate of her adulation, he would still regard it as her simple positive reception. Minsan nga, naiisip niya kung aware ba ito sa magagandang katangian nito o kaya naman sa pisikal na anyo nito. Because he may be a simple man but his looks were not that simple. Mag-i-stand out at mapapansin ito kahit ihalo sa karamihan.

“You’re welcome,” wika niya. Tumayo siya at lumapit sa refrigerator. “Magtitimpla muna ako ng juice para may inumin tayo.”

“Sige. May mango juice at strawberry juice diyan. Mamili ka na lang kung ano ang gusto mo.”

“Okay.” Pero nabitin sa ere ang pitsel ng tubig na hawak niya nang marinig niyang may tumatawag kay Chad. Nagsalubong ang mga kilay niya dahil parang kay lapit lang ng tumatawag ditto. “Napakaeskandalosa naman ng tumatawag sa pangalan mo,” wika niyang hindi pa rin nawawala ang pagkakakunot ng noo. Para din kasing pamilyar sa kanya ang boses na iyon na tila ibong tiririt na naipit.

“Actually…” Hindi natapos ni Chad ang sasabihin nito dahil lumitaw na sa kusina ang babaeng nagmamay-ari ng tinig ng ibong tiririt.

“Nandito ka lang pala, Chad. I was looking–‘’ Natigil sa pagsasalita at pagkukuskos ng basabg buhok ni Trixie nanag makitang naroroon siya.

Isinara niya ang ref at nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at kay Chad. She couldn’t say Trixie was decent enough with her short shorts and sleeveless blouse. Mukhang katatapos lang maligo nito at sobrang obvious niyon dahil nagpupunas pa ito ng basang buhok. Ayaw niyang mag-isip ng masama pero hindi niya nagugustuhan ang nakikita.

“O, nandito ka pala, Lorin,” nakangiting sabi sa kanya ni Trixie.

Hindi siya nag-abalang gantihan ng ngiti ito. Alam niyang pina-plastic lang siya nito. Then she looked at Chad, smiling sweetly as she walked towards him.

“Ah, Chad, thank you nga pala sa pagpapagamit mo ng banyo mo.”

“That’s nothing Trixie. Magkapitbahay naman tayo. If you need anything again from me, don’t hesitate to tell me. It’s my pleasure to be of help.”

“Oh, that’s so sweet of you.” Hinaplos pa ni Trixie ang pisngi ni Chad.

Suddenly she had this urge to hit her with the pitcher. O kaya ay kaladkarin ito palabas ng pinto. Halatang-halata kasing inaakit nito ang kinakapatid niya. Parang nakalimutan na rin ng magaling na babaeng ito ang presensya niya. O mas tamang sabihin na sinasadya nitong kalimutang naroroon siya?

Tumikhim siya para ipabatid ditto ang presensiya niya. “Chad, iyong niluluto mo, baka nasusunog na,” walang kangiti-ngiting sabi niya.

Mabilis na ibinalik ni Chad sa niluluto ang atensiyon nito. “By the way, Trixie, you want to join us? Nagluto ako ng puttanesca. Baka gusto mo kaming saluhan ni Lorin?” yaya pa nito sa babae.

She silently hoped Trixie would decline. Kahit paborito niya ang pasta ay baka hindi siya matunawan kung sakaling magkakasama sila sa isang hapag-kainan. She really hated her guts just as she knew Trixie didn’t like her.

“Thank you na lang,” sabi ni Trixie. “Darating na mayamaya iyong plumber na tinawagan ko kaya dapat ay nasa bahay ako bago pa siya dumating. At isa pa, naistorbo na kita. Next time na lang uli, hmm?”

“Ikaw ang bahala.”

“Salamat uli, ha?”

Bago pa siya makahuma ay bigla na lang hinalikan ni Trixie si Chad; hindi lang basta sa pisngi kundi sa labi. It was just a brief kiss but it was enough to make her blood boil immediately. Ikinuyom niya ang kanyang mga kamay habang pigil-pigil ang pagsambulat ng kanyang emosyon. Alam kasi niyang inaasar lang siya ng bruha. Pagkatapos ay bumaling ito sa kany na tila ba walang nangyari.

“Sige, Lorin, maiwan ko na kayo. Ciao!” Iyon lang at lumabas na ito.

Sinundan niya ng tingin ito. Kung possible nga lang sibatin niya ito sa pamamagitan ng tingin ay kanina pa niya ginawa. Nang matiyak niya na wala na ito ay saka niya hinarap si Chad. “Ano’ng ginagawa ng babaeng iyon ditto?” She didn’t want to sound she was sneering but she just couldn’t help it. Nabubuwisit siya na hindi niya maintindihan lalo na at nakita niya roon ang babaeng kinaiinisan niya.

“Ah, nakiligo lang si Trixie,” sagot ni Chad

Umangat ang isang kilay niya. “Nakikiligo? Bakit, wala bang banyo sa bahay niya?”

“Sira daw iyong water pipe sa banyo niya kaya hindi siya makaligo. May tinawagan daw siyang tubero, ang kaso, hindi agad dumating. Kailanganng-kailangan na raw niyang maligo  kasi may pupuntahan siyang importante kaya nakiusap  siya sa akin. So, I allowed her to use my bathroom. She needs my help. After all, she’s a neighbor.”

“At naniwala ka naman?” aniyang puno ng sarkasmo ang boses. Ayaw na rin yatang bumaba ng isang kilay niya. Parang gusto niyang batukan ito. “Bulag ka ba o nagtatanga-tangahan? She’s flirting with you in broad daylight!”

“I don’t think she is, Lorin.”

“Ay, ewan ko sa iyo. Matanda ka na kaya bahala ka sa sarili mo. Sana lang, huwag kang mahulog sa patibong ng babaeng iyon. Ayoko kay Trixie para sa iyo.”

“Bakit?”

“Anong bakit? Basta ayoko sa kanya. Period. Patulan mo na ang kahit na sino, huwag lang ang babaeng iyon… Utang na loob. Ayokong maging kriminal. Marami pa akong pangarap sa buhay.”

Tumawa ito. It was obvious he was not taking it seriously. Lalo tuloy siyang nainis. “I’m done here. Tapusin mo na ang pagtitimpla mo ng juice batin at ihahanda ko na ang mesa.”

Hindi siya kumibo. Nakasimangot siya habang nagtitimpla ng juice. “Hindi ka ba napapagod maging mabait sa kapwa mo, ha?” mayamay ay tanong niya rito.

“Hanggang may nangangailangan ng tulong ko, hindi ako mangingiming tulungan sila.”

“Kahit ang intensyon kaya sila nagpapatulong sa iyo ay para akitin ka?”

“You’re just seeing things differently about Trixie,” umiiling-iling na sabi nito.

Alam niyang ito ang klase ng lalaki na walang malisya sa katawan. Hindi rin ito bulag o tanga. He might not just be entertaining it but he was well aware of Trixie’s scheme. O talaga lang mabait ito at ayaw itong mag-isip ng hindi maganda sa kapwa? Pero habang nabubuhay siya, nunca na hayaan niyang bumagsak ito sa mga kamay ni Trixie. Magkamatayan n kung magkamatayan pero hindi niya hahayaang mapunta ito sa kamay ng bruhang iyon.

Bumalik sa kasalukuyan ang isip niya nang marinig niya ang boses ni Trixie.

“Ah, sige, Chad, next time na lang tayo mag-usap,” wika nito na kay Chad  lang nakatingin.

“Okay. Pasensiya na, Trixie, may pupuntahan pa kasi kami ni Lorin.”

“Okay lang,” pa-cute na wika nito. “Adieu!” Nag-flying kiss pa ito.

Naningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa pakendeng-kendeng na paglalakad nito. Kulang na lang ay masilipan ito dahil sa sobrang iksi ng shorts na suot nito. “Madapa ka sana,” sabi niya. Pagkatapos ay hinarap niya ang kinakapatid na nakatayo sa kanyang tabi. “Kung ayaw mong makapatay ako ng tao, lumayo ka sa babaeng ‘yon.”

“Bakit ba galit na galit ka kay Trixie, ha?” tanong nito.

“Bakit ako galit sa kanya? Well, maldita kasi siya. Feeling niya, sexy at maganda siya. Akala rin niya, maganda ang mga legs niya. Excuse me lang pero di-hamak na mas maganda ang mga legs ko sa kanya. Mas mahahaba ang biyas ko kaysa sa mga binti niya na parang binti ng punggok na tao.”

Umiling-iling ito. “Akala ko ba, tinatamad kang samahan ako?” kapagkuwan ay tanong nito.

“Oo nga. Pero kanina iyon. Ngayon, hindi na,” palusot niya. “At saka wala ba akong karapatan na magbago ng isip?”

“Hay, mainit na naman ang ulo mo. Tara na nga. Pakakainin kita ng isang galong ice cream at nang lumamig naman iyang ulo mo kahit paano.” He patted her head lightly.

Make a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: