Chapter 1

Posted on September 28, 2010. Filed under: Listen To Your Heart |

“LIKE I was saying, I am now the president of our textile company. By the way, did I tell you that my mother is a distinguished woman in the fashion world and my father is retired Army general? He used to be with the elite troop of the Philippine Air Force…”

Pasimpleng tumingin si Lorin kanyang dotted watch. Mag-aalas-diyed na ng gabi. Kung ganoon ay mag-iisang oras na niyang pinagtitiyagaang pakinggan ang pakikipag-usap sa sarili ng ka-date, niya na si Kurt. He was thirty. And he was her blind date, given to her by an officemate. Kung alam lang niya na ganoon ang kalalabasan ng pakikipag-blind date niya ay tinanggihan niya iyon.

Naiinis na inilibot niya ang paningin sa loob ng restaurant na kinaroroonan nila ni Kurt. Maganda ang restaurant, cozy pero elegante. Masarap din ang pasta na isinilbi sa kanya, pati strawberry-mango smoothies na sinisimsim niya.

Dapat ay nag-e-enjoy siya dahil nasa isang maganda at mamahaling restaurant siya. Masarap ang mga pagkain doon at guwapo ang ka-date niya. Ang kaso, sa sobrang guwapo ni Kurt ay walang ibang pinuri ito kundi ang buong pagkatao nito na tila ba ito na ang perpektong tao sa mundo at walang kapintasan ang paglikha rito.

“My mom is a former beauty queen. That’s where I got my looks and it shows, doesn’t it?” He smiled showing a shallow dimple on his left cheek.

“Ahm…yeah,”napipilitang sagot niya. Ang totoo ay gusto na niyang paliparin sa mukha nito ang laman ng platong nasa harap niya. Pinigil niya ang kanyang sarili dahil tiyak na mapapagalitan siya ni Chad kapag nalaman nito na nagsayang siya ng grasya. And anyway, this obnoxious person in front of her didn’t deserve to be hit at all. Sa sobrang tindi ng hanging dala nito, hahayaan na lang niyang magsayang ng effort sa mga walang kuwentang tao.

Speaking of Chad, alam nito na may date siya kaya kahit susunduin sana siya ito sa opisina sahil coding ang sasakyan niya ay sinabihan niya ito na huwag na siyang daanan. Kung alam lang talaga niya na ganoon ang kalalabasan ng date niya ay hindi na lang siya tumuloy at sumabay na lang siya pauwi kay Chad.

Sinulyapan niya si Kurt. As usual, pinupuri pa rin nito ang sarili nito. Wala pa silang isang oras na magkaharap pero alam na niya ang talambuhay nito at kung nakailang palit na ng nobya ito. Puwede na niyang isulat ang biography nito dahil tila wala nang itinago ito tungkol sa sarili nito. She swore she would never go out on a blind date again.

“And you know what? There was this French model who was smitten by my good looks when I went to France for business last year. Pinagbigyan ko siyang maka-date ako dahil panay ang tawag niya sa secretary ko. But we just went out once. Frankly speaking, she is beautiful but that was just it.”

“Ah, ganoon?”

“Yup,” he said then sighed. Parang nagsisisi ito na nakipag-date ito sa modelong ikinukuwento nito.

Ang akala niya ay mapapahinga na ang magkabilang tainga niya kahit paano pero bumuwelo lang pala ito at nagpatuloy na uli sa pagpuri sa sarili nito. Inisip tuloy niya kung hindi pa ba tinutubuan ng muscle ang dila nito o kaya ay napapagod ang lalamunan nito sa walang humpay na pagsasalita nito. But to her dismay, he looked okay. At tila tuwang-tuwa ito na nagkukuwento sa kanya. Sana ay uminom ng malamig na tubig ito at nang mapasma ang lalamunan nito.

Gusto na niyang umalis dahil nakukuli na talaga siya. Natatakot din siya na baka hindi na niya mapigil ang kanyang sarili at itaob niya ang kanilang mesa para tumigil sa pagsasalita ito. Nonetheless, she was an educated woman. May breeding siya kaya kahit gusto niya mag-amok ay pinigilan niya ang kanyang sarili. Pero hindi siya makapapayag na umalis na hindi man lang nakakaganti rito na ang tingin yata sa kanya ay dakilang tagapakinig.

“Ahm, Lorin, you still haven’t touched your food,” wika nito. For the first time ay napansin nito na nandoon siya.

“Okay lang. gutom kasi talaga ako dahil hindi ako gaanong nakakain kanina sa office. Ang dami ko kasing ginawa.”

“Ah, I see.” Tumango-tango pa ito.

“You wouldn’t mind if I order again?” she said sweetly. Sa likod ng kanyang isip ay parang gusto niyang masuka sa iniaarte niya.

“Of course not,” wika nito at saka ngumiti ito. “Sky’s the limit. Anyway, I can afford it.”

Oh yeah? Tingnan lang natin kung hindi humiwalay ang espiritu mo sa katawan mo kapag nakita mo ang bill. “Sige, kuwentuhan mo lang ako. Makikinig ako.”

Nagsimula uling magkuwento ito. Siya naman ay pumili na ng mga o-order-in. tiyak niyang iyong pinakamahal ang o-order-in niya. Anyway, just as he said, he can afford it. Titiyakin din niya na magugulantang ito sa laki ng bill na babayaran nito. After all, ginawa siyang dakilang tagapakinig nito. Kung alam lang nito ang presyo ng bawat minute na ginto ang presyo ng bawat minutong sinasayang niya. Ibibigay na lang niya mamaya sa mga street children ang lahat ng o-order-in niya.

“’ MORNING, Lorin,” bati sa kanya ni Chad nang pagbuksan niya ito ng pinto. Biglang nagsalubong ang mga kilay nito nang marahil ay napansin nito ang kanyang hitsura.

Kanina pa siya gising pero hindi siya nag-abalang magsuklay ng buhok o palitan ang suot na pantulog. Wala kasi siya sa mood. Actually, wala siya sa mood na gumawa ng kahit ano nang araw na iyon maliban sa magbabad sa kama at matulog hanggang magka-bedsore. Naiinip na siya sa kanyang buhay dahil napapansin niyang monotonous na ang takbo niyon.

Maliban sa bahay at opisina, wala na siyang pinupuntahan na iba. Lumalabas siya paminsan-minsan kasama ang mga kaibigan pero ganoon lang. nagsasawa at naaasar na siya at the same time, lalo na at disaster ang kinalabasan ng date niya. Nasayang lang ang oras niya sa pakikinig sa isang walang kuwentang lalaki na walang ibang mahal kundi ang sarili nito.

“O, bakit hindi maipinta ang mukha mo?” tanong sa kanya ni Chad. Pumasok ito sa kanyang bahay at naglakad patungo sa kanyang kusina.

Kinakapatid niya ito. Ninang niya sa binyag ang nanay nito at ninong naman nito sa kumpil ang tatay niya. So, either way, kinakapatid nila ang isa’t-isa. Hindi sila magkapitbahay pero sa isang village lang sila nakatira. He lived on  the next street. Hobby nito ang bisitahin siya lalo na kung weekend o kung kalian nito gusting pumunta sa kanyang apartment. Nang lumipat kasi siya sa village kung saan nakatira ito ay binilinan ito ng mama niya na bantayan siya. Sineryoso naman nito iyon.

Noong una ay medyo naaasar pa siya dahil parang batang paslit siya na lagging tsine-check ng kanyang guardian. Pero nang tumagal-tagal ay nasanay na siya. Wala siyang magagawa dahil kung hindi siya makikipag-cooperate ay tiyak na pabablikin siya ng kanyang mama sa kanilang bahay. She had been dreaming of her independence for so long. And since she already had a taste of it, she wouldn’t give it up easily.

Beinte-kuwatro anyos na siya nang payagan siya ng kanyang mama na bumukod basta raw sa village nina Chad siya kukuha ng apartment. Kahit ayaw niya sa ideyang iyon ay pumayag na rin siya. Ano ba naman iyong munting sakripisyo kung ang kapalit ay ang minimithi niyang pagbukod sa mga magulang?

She loved her parents, all right. Kaya nga lamang ay alam niyang hindi siya maggo-grow kung palagi siyang nakasandal sa mga ito. Pagkatapos ng maraming beses na pakikipagbalitaktakan, ay pumayag na rin ang mg ito na bumukod siya ng tirahan. Iyon nga lang, kasama si Chad sa bargain.

“Wala lang. nabo-bore na kasi ako sa buhay ko,” sabi biya. Umupo siya sa silya na hinila niya at saka siya nangalumbaba sa ibabaw ng mesa.. “Ilang Pasko, ilang Bagong Taon, ilang Valentine’s Day, ilang piyesta, at ilang birthday ko na ba ang lumipas pero nananatili pa rin akong single. Nakakaasar na ang buhay na’to,” paghihimutok pa niya.

“Let me guess, your date last night didn’t turn out right?”

Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Yeah, last night, she had a date. Kung matatawag ngang date iyon. Nagsasawa na siya sa pagiging single niya kaya napag-isip-isip niya na kung gusto niyang magkanobyo ay dapat na siyang kumilos. Makabagong henerasyon na. Pantay-pantay na ang karapatan ng bawat tao. Hindi na siya babayonetahin sa Luneta kung sakaling siya na ang gumawa ng paraan upang magka-love life siya. And so, with the help of some friends in her quest of finding a boyfriend, she had yet another date. A blind date actually.

Okay sana si Kurt. Physically, wala siyang maipipintas ditto. Pero nang magsimula itong magsalita, doon na rin siya nagsimulang mairita at magsisi kung bakit pa siya mapasubo sa pakikipag-blind date ditto. Hindi siya pintasera. Hindi rin mainitin ang kanyang ulo… well, medyo lang. But the moment Kurt opened his mouth, she wanted to punch the light of his wits out of him. Muntik na siyang tangayin ng lakas ng hangin na dala nito.

“His a dumb narcissist. Kulang na lang, pati sa likod ng kubyertos na gamit niya, eh, manalamin siya.”

“Ikaw naman kasi, hindi ko maintindihan kung bakit wala ka pa ring kadala-dala. Panay pa rin ang pakikipag-date mo,” sabi ni Chad nang humarap uli ito sa kanya. He took out some bacon, some ham, and some eggs from her refrigerator. Isinuot nito ang floral-printed apron niya. Mas madalas pa nitong naisusuot iyon kaysa sa kanya. Hindi kasi siya mahilig magluto, hindi katulad nito. Tuwing maliligaw ito sa bahay niya ay sa kusina ito dumidiretso para ipagluto siya ng pagkain. O mas tamang sabihin na hobby nitong makikain sa bahay niya?

“Don’t tell me, wala ka na naming stock sa ref mo kaya dito ka makikialmusal?” sita niya rito.

Nilingon at nginitian siya nito. “Actually, hindi pa nga ako nakakadaan sa grocery,” pag-amin nito. Isinalang nito sa stove ang nonstick frying pan niya. “At isa pa, kung hindi natin iluluto ang mga naka-stock sa ref mo, mag-e-expire lang ang mga iyan nang hindi mo napapakinabangan dahil sa katamaran mong magluto.”

“Bakit ka ba nakikialam kung ma-expire man ang mga pagkain ko? Perak o naman ang ipinambibili ko sa mga iyon.”

Bumuntong-hininga at umiling-iling ito. “Ikaw talaga, hindi k na naubusan ng katwiran sa katawan. Masuwerte ka at may pambili ka. Paano iyong mga wala? Ang daming taong nagugutom sa mundo at gusting makakain pagkatapos ikaw, nag-aaksaya ng grasya,” sermon nito sa kanya.

Napailing na lang siya. “Pasensya na po, monsignor. Hindi na po mauulit, sabi niya. “Patawarin po ninyo ako sa aking nasabi. Nadala lang ako ng aking kapraningan.” When it came to food Chad was really strict. Well, may katwiran  ito. Inaatake lang siya ng pagmamaldita kaya niya nasabi iyon.

Hindi ito kumibo. Ipinagpatuloy na lamang nito ang pagluluto ng kanilang almusal. Nangalumbaba uli siya at nanatiling nakatitig lang sa likod nito.

She had known Chad since she was little. Tatlong taon ang tanda nito sa kanya pero natatandaan niyang nakikipaglaro naman ito sa kanya noong mga bata pa sila. “Lampayatot” pa nga ang tawag niya rito noon dahil bukod sa payat na ito ay madalas sing nadadapa ito. “Butiking Pasay naman ang tawag nito sa kanya dahil parang tingting dae siya sa kapayatan. Pero kahit payat siya noon ay matibay naman ang mga tuhod niya. Kayang-kaya niyang talunin sa takbuhan ito. Palaging rin niyang natatalo ito kapag naglalaro sila ng patintero at luksong baka. Sa sobrang pagkalampa nga nito ay naaawa rin siya rito.

She never thought Chad would have a gorgeous body like what he had now. He was not lean but not muscular either. His was strong solid body that would make any woman go crazy. He was also dependable and a perfect example of the male species.

Ilang beses na niyang nakita na walang suot na pang-itaas ito lalo na kapag naaabutan niyang naglilinis ng sasakyan ito. Kahit aminado siyang maganda ang pangangatawan nito ay walang epekto sa kanya iyon. Pero nang mga sandaling iyon, habang nakatunganga siya at pinapanood ang gumagalaw-galaw na likod nito ay parang biglang nabuhay sng kanyang hasang.

“Ano ang gusto mong itimpla ko para sa iyo? Kape, gatas, o Milo?” tanong nito, sabay lingon sa kanya. Huling-huli siya nito na nakatitig sa katawan nito pero wala itong sinabing iba sa kanya.

“Milo na lang,” sagot niya.

Tinalikuran uli siya nito. Pagkatapos magluto ay ipinagtimpla na siya nito ng mainit na Milo. Sinusundan niya ng tingin ang bawat pagkilos nito. He really knew his way in her kitchen. Para ngang mas kabisado pa nito iyon kaysa sa kanya.

“’Ayan, walang asukal iyan,” sabi nito nang ibaba nito sa harap niya ang isang mug ng umuusok na Milo. Sunod na ibinaba nito ang bandehado ng kanin at tatlong pinggan na pinaglagyan nito ng piniritong bacon, ham at itlog. Pagkatapos ihanda ang lahat at ayusin ang mesa ay prenteng umupo ito sa silya at nagsimulang lantakan ang mga pagkain.

She looked at him while eating with so much gusto. Parang ang sexy ng tingin niya rito nang mga sandaling iyon. Hala! Ano ang nangyayari sa kanya? Ipinilig-pilig niya ang kanyang ulo. Pinapasok na yata ng hangin ang utak niya dahil biglang nag-iba ang tingin niya sa kanyang kinakapatid. O kya naman ay gutom siya. Sa naisip ay kumain na rin siya.

“Walang kang gana?” tanong ni Chad nang mag-angat ng tingin at marahil ay nakita nito na nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa pagkain.

“Ewan. Hindi ko rin alam,” sagot niya. “Natutulog pa siguro ang sikmura ko kaya ayaw pang tumanggap ng pagkain. Iinumin ko na lang muna itong Milo.”

Nagkibit-balikat lang ito at ipinagpatuloy na ang pagkain.

“Siyanga pala, Chad, may itatanong ako sa iyo,” tanong niya mayamaya.

“Ano?” wika nito na hindi nag-aangat ng tingin.

“Anong isda ang hindi marunong lumangoy?”

“Ha?” Salubong ang kilay nito nang mag-angat ng tingin at titigan siya.

“Tinatanong kita kung anong isda ang hindi marunong lumangoy.”

Bumuntong-hininga ito. Malamang sa hindi ay nawi-weird-an na naman ito sa kanya. But he asked anyway. “Mayroon ba n’on?”

“Siyempre, meron. Itatanong ko ba kung wala?”

“O, sige, ano?”

“Di iyong patay na. Slow.”

Umiling-iling ito. “Ang aga-aga, napapraning ka na naman,” wika nito.

“Nakakapraning naman kasi ang buhay ko. Biruin mo, twenty-six na ako pero hanggang ngayon ay single pa rin ako. Monotonous na ang buhay ko, single pa ako.”

“And your point is…?”

“My point is, why is this lifetime cruel to me? Masamang damo ba ako? Gusto ko lang naming magkaroon ng boyfriend. Pero lahjat na lang yata ng lalaking nakakasalamuha ko ay mga latak na lang ng lipunan.”

Umangat sng sulok ng labi nito sa sinsabi niya.

“Masama bang hingin kong mtapos na ang pagiging single ko? Fate must have hated me. I’ve been living for twenty-six years, and yet I’m still single. Never been touched, never been kissed. No boyfriend since birth. Ano bang kasalanan ko sa mundo?” Huminga siya nang malalim. “Sabihin mo nga sa akin, Chad, pangit ba ako?”

“Ahm– “

“Huwag mo nang sagutin,” putol agad niya sa pagsasalita nito dahil baka hindi niya magustuhan ang isasagot nito. “Alam kong kahila-hilakbot ang hitsura ko ngayon dahil hindi pa ako nagsusuklay. Mukha rin akong pindangga rito sa suot kong ove-sized T-shirt at pajama. Pero ganoon ba talaga ka sama ang hitsura ko?”

Nagkibit-balikat lang ito.

“Hay, naku, kung minsan talaga, gusto ko nang magrebelde sa tadhana. Lahat ng mga college friends ko, kung hindi malapit nang mag-asawa ay may mga boyfriend at asawa na. Iyong iba naman ay may mga anak na. Ako na lang ang single. Pakiramdam ko tuloy, eh, napag-iwanan na ako.”

“You’re pretty, Lorin, even in an over-sized shirt and with messed-up hair,” Chad said without batting an eyelash. Ngumiti rin ito. Pwede ngang iulam ang ngiti nito.

Hindi niya alam kung ano ang nangyari dahil pakiramdam niy ay bumilis kaysa sa normal ang tibok ng kanyang puso. Bigla rin siyang na-conscious dahil nakatingin pa rin ito sa mukha niya. Tuloy napatayo siya nang wala sa oras.

“O, saan ka pupunta?”

“Ah… eh… nakalimutan ko palang iligpit ang pinaghigaan ko. Ililigpit ko muna,” sagot niya. She had this urge to take refuge in her room all of the sudden.

“Pero kumakain ka pa.”

“Mamaya na ako kakain. Sige, kumain ka lang diyan.” Iyon lang at hindi na niya hinintay pa ang sasabihin nito. Nagmamadaling pumanhik siya sa kanyang kuwarto. Pakiramdam niya ay kinakailangan niyang lumayo kay Chad pansamantala. “Ano ba ang nakain mo kagabi at kung umasta ka ay parang nasaniban ka, ha, Lorin?” malakas na tanong niya sa kanyang sarili nang maipinid niya sng pinto ng kanyang kuwarto.

Nag-iisip siya pero hindi niya matandaan  kung anu-ano ang mga pinagkakain niya nang nagdaang gabi. Lahat kasi ng pinakamahal na pwedeng orderin sa restaurant na pinuntahan nila ni Kurt ay in-order niya dahil sa inis niya rito. Biglang sumingit sa kanyang isip ang mukha ni Chad. He looked puzzled while looking at her. Well, she was puzzled, too, with herself. Noon lang nangyari na tila nag-iba ang tingin niya sa kanyang kinakapatid. Somehow, she was now seeing him as a man – a gorgeous one hell of a man.

Nagsalubong ang mga kilay niya. Was she really thinking that way over Chad? Pero kinakapatid niya ito. Hindi siya pwedeng magkagusto rito. Ano ba ang nangyari? Hindi ganoon ang tingin niya rito dati. Hindi kaya ipinakukulam siya ni Kurt dahil malaki ang nagastos nito sa kanilang date o talaga lang mabilis na nagtatrabaho ang libido niya nang umagang iyon?

Either way, she had to do something about this.

Make a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

%d bloggers like this: